Chapter 45 - Whaaattt?!?!

23.1K 235 61
                                    

Huehue! tagal kong di nakapag-UD T_T Sorry na, busy kase eh. daming ginagawa at pinupuntahan :D

eto, dahil namiss niyo siya!! at dahil tagal ko ring di naka-UD. eto na...

___________________________________________________

“Tara na, anak” sabi saakin ni Mama, “Dito tayo titira”

Napakunot yung noo ko. Oo, mayaman kami pero hindi naman ganun kayaman para magkaroon ng mansion na napapaligiran ng mga guard.

“Dito?” tanong ko

“Hindi, dun ka sa kalsada!” mama, “De joke lang, anak. Oo, dito nga. Halika na!”

Sumunod na lang ako sakanya. Pagtapat namin sa Gate, kusang nagsitabi yung mga guards tapos kinuha yung mga bag na bitbit namin.

“A pleasant morning Mrs. Padilla, and to you Mr. Daniel” sabi nung isang babaeng sumalubong saamin.

“Goodmorning Shivon” sabi naman ni Mama

Naglakad na kami, magkausap si mama tsaka yung Shivon. Ako naman palinga-linga sa paligid. Literal na castle kase eh! Sobrang laki tapos ang lawak ng garden!

“Daaaaannniiiieeeellll!!”

Hinanap ko yung sumigaw at nakita kong tumatakbo palapit saakin si Syd. Tapos niyakap niya ako.

“Syd!!”

Niyakap ko rin siya. Namiss ko ‘tong impaktang to!

Bigla niya akong tinulak, “Ay wait! Galit pala ako sayo!” nag cross arms pa siya

Napakamot ako ng ulo, “Ano nanaman bang ginawa ko?”

“Pinaiyak mo si Kath!”

Gusto kong tumalon-talon sa saya. Iniyakan ako ni Kath?!?!

Pero dinibdib ko muna. Ayokong sirain yung drama moment ni Syd

“Talaga? Ang sama ko naman...”

“Buti alam mo!”

“Mana kase ako sayo eh!” tapos tumawa ako ng tumawa

Nakatingin lang siya saakin, “I’m giving you 3 seconds to run!”

Nagbelat muna ako bago ako tumakbo.

My Yaya's DaughterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon