Chapter 51 - Ligawan stage ulit

22.5K 274 38
                                    

Woot! sawakas nakahawak din ng keyboard! dalawang araw na puro gunting, glue, papel, at glitters ang hawak ko! -_-

SORRY! ang tagal kong di nakapag-update, nahihiya na ako sainyo :'( 

Pero atleast eto na, pagpasensyahan niyo na hindi mahaba. pagod na pagod na kase ako, tapos bigat na bigat na ako sa eyebags ko! huehue!

bawi ako sa monday. baka hindi na ako busy non :D

SALAMAT! ang daming votes at comments nung last chapter. Emerghed! <3 :**

_____________________________________________

“Sa tingin ko, kailangan muna natin mag-usap..”

Tumango ako.

Pumunta kami sa pool side ng isang condo sa Eastwood. Malamig ang hangin, tahimik at medyo madilim. Masarap magmuni muni dito, lalo kapag kasama mo yung taong mahal mo.

May dalawang pool sa area na yun. Pupunta sana ako sa left side kaso pinigilan ako ni Dj.

Dun kami umupo sa may stairs ng pool sa right side, nakababad ang mga paa namin sa tubig.

Tahimik lang kaming dalawa, nagkakahiyaan. Nagtatanchahan kung sino ang mauunang magsalita.

Nung hindi ko na kinaya ang katahimikan, naglakas loob na akong magsalita

“Dj..”

“Kath..”

At sakto naman talagang magkasabay pa kami. Napangiti na lang ako.

“Meant to be talaga tayo” bulong ni Dj na narinig ko

Humarap ako sakanya

“Dj..” tawag ko ulit

Humarap siya saakin na parang medyo nahihiya

“Alam ko marami tayong kailangan pag-usapan. Gusto ko nang simulan sa tanong na ito..” panimula ko

“Ano yun?”

Huminga muna ako ng malalim, “Alam mo bang natatakot ako sa itsura mo ngayon. Ano bang trip mo? Cosplay? Nahawa ka na ba kay Syd?”

Natawa siya ng mahina at napailing, “Ginawa namin ‘to kasi kailangan naming magdisguise. Bat ka naman natatakot?”

Napayuko ako, “Kase ‘yang itsura mong yan. Napanaginipan ko, It was a nightmare.”

My Yaya's DaughterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon