Chapter 42 - Without you..

22K 229 46
                                        

Tadaaa! Eh wala naman pala akong game ngayon, feeler lang talaga -___-"

Wew! wew! wew! 100k read naaa! ^o^  Thank you so much!!! :*********

Short update muna, mainit eh. di ako makapag-isip ng ayos :P

play --> 

_________________________________________________

“Kath!!!” napatigil ako at lumingon sa likod ko, “Oh bakit ka umiiyak?” tanong niya

“Tito!” tapos niyakap ko siya, “Help me! Kailangan ko po makapasok sa airport. May hahabulin lang po ako”

Tumango siya, “Mukhang importante yan, sige halika” buti na lang at may katungkulan dito sa airport si Tito kaya nakapasok kami

“Thank you po!” tapos tumakbo ako papunta sa waiting area.

Nahihilo na ako sa kakalipat ng tingin paro lakompake. Kailangan kong mahanap si Dj!

Napatingin ako sa kaliwa ako at bigla akong kinabahan..

“Daniel!!!!”

Tumakbo ako palapit sakanya at sumigaw ulit, “Daniel!!!”

This time, humarap na siya. Pero sa pagharapn niyang yun, nadisappoint lang ako. Kamukha lang pala niya kapag nakatalikod.

Umiling na lang ako, “s-sorry..” tapos nagpatuloy ako sa paghahanap.

Marami akong nababangga at natatamaan pero wala muna akong pakialam, kailangan kong mahabol si Daniel!

“Kath, hija, ano bang flight number nung hinahanap mo? Ipapatrack ko yung mga passengers” tanong ni Tito

Kinuha ko kaagad yung phone sa bulsa ko at hinanap yung message ni Syd, “2607 po..”

“Sige, sandali”

Habang may kausap si Tito sa phone niya, lumilinga-linga pa din ako. Baka sakaling matanaw ko pa siya.

“Tito, ano pong sabi??” tanong ko pagkababa niya ng phone

Tinap niya ako sa braso, “I’m sorry, Kath. Nakaalis na daw yung plane five minutes ago..”

Pagkarinig ko nung sinabi ni Tito, parang bigla akong pinagsakloban ng langit at lupa. Feeling ko sinaksak ako ng ice pick, sa labas wala lang pero sa loob loob ko unti-unti na akong namamatay.

Niyakap ako ni Tito, “Don’t worry sweetie, iniwan ka ba nung hinahabol mo? Sinaktan ka ba? Wag ka mag alala, si Karma na ang bahala sakanya..”

My Yaya's DaughterMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon