Chapter 57 - Nurse Daniel

20.2K 245 36
                                    

Yo! Shitty chappy! Haha sorry na! pinilit lang maka-UD. baka kase hindi ako makapag update bukas at sa isang araw </3 

----------------------------------------------------------------------

“Kath, natapos mo na ba yung essay?”

“Kath, nagawa mo ba yung report mo?”

“Kath, may homework ka?”

“okay na ba yung video presentation?”

Itinaas ko yung dalawang kamay ko para patigilin sila. Effective naman.

“Nakakasakit kayo ng ulo!” reklamo ko, “Oo natapos ko na. grade na lang ang kulang!” sagot ko.

Tumango naman sila at nagsilayasan na sa harapan ko.

Hu! Nakakastress no? Sanay na ko jan. deputas kase ‘tong mga kaklase ko eh, saakin na lang inaasa lahat. Matalino naman daw ako! Harujusko! Buti na lang talaga at inspired ako!

“Kath koooo!!” napaangat ako ng ulo at automatic na napangiti dun sa narinig ko.

Nakita kong nakatayo si Dj dun sa pinto ng room namin.

“Hoy! Ano nanaman yan? Iniistress niyo nanaman ang maganda kong girlfriend?” sigaw niya sa mga kaklase ko, “bambuhin ko kayo jan eh!”

Yan! Kaya inspired ako!

 Tumayo na ako at kinuha yung bag ko. Sumasakit ulo ko. Parang gusto ko magditch.

Oh? San ka pupunta?” tanong ni Daniel

“uwi na” matamlay na sagot ko.

Hinawakan niya ako sa magkabilang balikat at iniharap sakanya, “anong uuwi? Magcucutting ka? Baka gusto mong boxingin kita jan!” sabi niya

 Natawa naman ako. Alam niyo bang simula nung nag-enroll yan dito eh naging studious na? ewan ko ba kung anong virus ang nasagap niyan.

“Masama pakiramdam ko eh..” biglang nagbago yung expression niya, from annoyed to concerned

"H-huh? Ba-bakit di mo kaagad sinabi? May masakit ba sayo? Kaya mo ba? Halika, uwi na kita” sabi niya.

Tinampal ko siya ng mahina, “okay lang ako. Kailangan ko lang sigurong magpahinga”

My Yaya's DaughterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon