At di ko nanaman nacareer ang pag-uupdate araw-araw T_T layas kasi ako ng layas kahapon, sorry na ^_^
__________________________________________
“Himala, nakangiti ka?” sabi ni Mara, “Bilog ba ang buwan?”
Inirapan ko na lang siya
“wag kang ganyan, mukha kang bakla!”
“Kiss kita jan eh!” pananakot ko sakanya
“Kung kaya mo!” nagpout pa siya
“Pshh!” napailing na lang ako.
Alam naman kasi nating lahat na hindi ko kaya yun!
“Oh diba, di mo kaya!” pang-aasar niya, “Btw, tumawag nga pala si mommy. Dun daw tayo Mag dinner. Ipapakilala na daw niya ako sa kapatid ko!”
Tumango ako, “Sige!”
Gusto ko na ring malaman kung sino ba talaga yung kapatid niya.
Habang iniintay kong maligo si Mara. Nakigamit muna ako ng laptop.
Sinreach ko yung pangalan ni Kath. Grabe! Sikat na pala sila. Ang dami na niyang fanpages!
Ang dami na ring nagkakagusto sakanya </3 Pero umaasa pa rin ako na kahit papano eh may space pa din ako sa puso niya.
Kase siya, kanyang-kanya ang puso ko. Kahit na ilang beses pa niya ako itaboy, hinding-hindi magbabago yun.
Nakakita rin ako ng mga articles tungkol sakanya. Di ko na binasa, tinatamad ako -_-
Nakita ko rin na nalilink nga siya kay Austin Mahone at Alex Diaz. Pero sinabi naman daw niya sa isang interview na bestfriend lang niya si Alex. Yes!
“Jusko! Lakas nga ng sapi mo!” asar nanaman ni Mara, “Tara na nga! Baka masiraan ka pa ng bait jan!”
Isinara ko na yung laptop at pumunta na sa parking lot.
Sumakay na kami at nagumpisa na akong magdrive.
Nakarating din kami kaagad kase wala namang traffic.
“Hali kayo, pasok” bungad saamin ng mommy ni Mara pagdating namin dun.
BINABASA MO ANG
My Yaya's Daughter
Fanfiction"Kahit anong mangyari... Kahit sino pang babae ang iharap saakin... Kahit pa kunin na lahat ng materyal na bagay saakin... Kahit na halos itakwil na ako ng tatay ko.. ..I will never give up on My Yaya's daugther" - Daniel Padilla
