Chapter 47 - Nagkasalisi :/

21.3K 224 26
                                    

Update ulit ^_^ Medyo sinipag ako, kaya short lang muna xD 

____________________________

“Sige, Kath. Una na kami” Paalam ni Anikka

“Basta, kung kaialangan mo ng kausap nandito lang kami,” Liza

“Sige. Salamat ah!” then I hugged them.

Sila kase yung nasa tabi ko throughout the burial of Daddy. Yung kahit down na down na ako, nanjan sla para i-cheer up ako. Same with Alex. Di lang siya nakapunta ngayon kase start na ng classes nila.

Pagkaalis nila, bumalik na ako sa car. Nasa puntod pa kase sila mommy, umiiyak pa din. Ako, ayoko na umiyak. Pagod na ako. Pagod na pagod na.

Habang nasa car, sinubukan kong umidlip. Ilang gabi na rin kasing hindi maayos ang tulog ko.

Nung nagtatalo na ang antok at diwa ko, parang may biglang humila ng paa ko. Ayokong dumilat kase nga gustong-gusto ko na matulog.

“Binalikan ka niya...” sabi ng unfamiliar voice, “kumapit ka lang.”

Pagkatapos niyang magsalita, naramdaman kong may yumuyugyog saakin kaya napadilat ako. Nakita ko si Ate K-la

“Anong nangyayari sayo? Binabangungot ka ba?” tanong niya

Umiling na lang ako at pumikit ulit.

May bumabagabag nanaman saakin. Sinong bumalik? Kakapit lang ako? Di ko maintindihan!

Pagdating namin sa bahay, nag-impake na kami ng mga gamit. Napagplanuhan kasing sa Bulacan na lang kami titira, tapos ibebenta na ‘tong bahay na ‘to.

Napakaraming memories dito sa bahay na ‘to. At paniguradong mahihirapan lang kami kung magsastay pa kami dito. Gusto ni mommy na magsimula ng bagong buhay.

“Kath, sigurado ka bang sasama ka saamin?” tanong ni mommy, “Ang layo kase ng uuwian mo kapag may pasok ka na.”

Umiling ako, “No, mommy. It’s okay. Gusto ko kayong makasama, sabay-sabay tayong magbabagong buhay”

Nginitian ako ni mommy at naggroup hug kami

“Magmomove on tayo ng sabay-sabay!!” Ate K-la

“Oh Kath, makisabay ka na sa pagmomove on mo kay Daniel!” Shereen

Binigyan ko lang siya ng death glare at nagpatuloy na kami sa pag-iimpake.

My Yaya's DaughterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon