Hola! naisinggit din sa hectic kong sched! xD
btw, kung binasa niyong mabuti yung last chap, medyo magkakaidea kayo kung sino ba talaga si Niana :D
Short pero mabigat na UD :))
play ---.>
______________________________________________
Ilang araw na rin ang nakalipas since nung kinausap ako ni Tita Karla. Ilang araw ko na rin siyang di nakikita, nakakausap, at nayayakap. Miss na miss ko na siya!
Sa ilang araw na yun, nakapag-isip isip na ako. Hinanda ko na yung sarili ko sa mga posibleng mangyari. Pinilit kong magpakatatag. Pinractice ko na nga ring magpakamanhid eh, sana lang magawa ko ‘tong mga ‘to kapag kaharap ko na siya.
“Baby, sigurado ka na ba sa desisyon mo?” tanong ni mommy habang hinahaplos yung likod ko
Nagnod ako, “Yes mom. Tulad nga ng sinabi mo, ‘Let things fall into places, because God has a plan’. And feeling ko eto yung ibinulong saakin ni God, tingin ko ito yung tama”
Niyakap ako ni mommy, “That’s my baby. Basta always remember that we’re always here for you”
Binigyan ko na lang siya ng weak smile at napasigh ako, “Mom, pahiram ng phone..” naiwan ko nga kase kila Dj yung phone ko diba.
Inabot naman niya saakin yung phone tapos lumabas na ng kwarto ko. Alam niyang kailangan ko ng alone time.
Dinial ko kaagad yung number ni Dj, at hindi nagtagal sinagot na rin niya. Ramdam ko yung lungkot sa boses niya..
[Hello?] His voice! Pagarinig ko sa boses niya, di ko napigilang maiyak. I miss him and it’s killing me!
“......”
[Sino to?]
Ibababa na sana niya pero bigla akong nagsalita
“D..j”
[Kath?!] medyo nagkabuhay yung boses niya
“Meet me at the park later,” napalunok ako saglit, “6pm. Sharp”
[S-sige! Excited na ako!]
Lalo akong napaiyak sa tono ng pananalita niya. Ang saya-saya niya—No! No Kath! Matuto kang magpakamanhid! Para sakanya din ‘to!
After ng call, hindi ko na napigilang mapahagulhol. Isinubsob ko na lang yung mukha ko sa unan. Ano ba naman ‘to! Ilang araw na akong umiiyak, di ba nauubos luha ko? Tska, ilang araw ko na ring pinractice to ah! Bakit pagkarinig ko pa lang ng boses niya, di ko na kinaya. Boses pa lang yun! Pano pa kaya kung kaharap ko na talaga siya.
BINABASA MO ANG
My Yaya's Daughter
Hayran Kurgu"Kahit anong mangyari... Kahit sino pang babae ang iharap saakin... Kahit pa kunin na lahat ng materyal na bagay saakin... Kahit na halos itakwil na ako ng tatay ko.. ..I will never give up on My Yaya's daugther" - Daniel Padilla