sinipag ako bigla eh :P
________________________________________
Two weeks later....
Nakaupo kami ni Syd dito sa sala. Dito kase sila nagsastay ngayon. Ewan ko ba sa mga ‘to, may sariling bahay naman pero nakikitira pa din! Tagtipid?
Narinig kong may nagbubulungan sa bandang kaliwa kaya napalingon ako. Napakunot yung noo ko nung nakita kong nakatingin saakin si mama habang may binubulong kay Hannah, sa sekretarya niya, nung nakita niya ako agad naman siyang napa-iwas. Weird!
Pinabayaan ko na lang sila at nagpatuloy sa panonood ng Oggy and the cockroaches, mapilit kase si Syd eh! Yan ang gusto niyang panoorin kaya pinagbigyan ko na siya, tutal..... tutal.. aish! Mamaya na natin pag-usapan!
“Dj, tawagan mo si Kath. Gusto ko siya makasama ngayon” walang kaemo-emosyong pakiusap ni Syd.
Tumango na lang ako.
Magpapakabait ako sakanya ngayon, awang-awa ako sakanya eh. Alam kong napakalungkot niya ngayon at kailangan niya ng masasandalan.
Kinuha ko sa bulsa ko yung phone ko at agad na tinext si Kath. Ayokong tawagan, one bar na lang phone ko masama yun! 1000x yung radiation kapag ganun!
“To: Kath ko
Uy! Punta ka sa bahay, kailangan ka ni Syd. ASAP!”
Ibinalik ko na kaagad yung phone ko sa bulsa ko, bawal kase mag cellphone dito sa bahay. Bwiset lang diba? Ewan ko ba sa mga magulang ko,ang daming pakulo! Sarap pakuluan!
“Syd! Mag-ayos ka na ng gamit!” sabi ni Tita Selena kay Syd, “Maaga pa bukas!”
“Ano ba, ma!” iritadong sagot ni Syd, “8:30am pa lang oh! Wag excited!”
“Stop raising your voice, little girl!” itinuro-turo pa ni Tita si Syd
“Shut up, will ya!?!” sigaw ni Syd. Tapos nagsumiksik saakin na parang nagtatago. Siraulo talaga ‘to!
Inakbayan ko na lang siya, “Ako na pong bahala sakanya, Tita”
Tumango si Tita at napabuntong hininga habang umiiling bago umalis.
Tinignan ko si Syd sakto namang tumingala siya saakin. Umiiyak siya? Si Syd umiiyak? Shit!
Di ko alam kung bakit biglang nanlambot yung puso ko nung nakita kong umiiyak siya. Kaya naman niyakap ko siya. Di ako sanay na makakita ng clown na umiiyak. Di ako sanay na makakita ng Sydney na umiiyak.
Mas lalo kong hinigpitan yung yakap ko sakanya at hinaplos yung buhok niya
BINABASA MO ANG
My Yaya's Daughter
Fanfiction"Kahit anong mangyari... Kahit sino pang babae ang iharap saakin... Kahit pa kunin na lahat ng materyal na bagay saakin... Kahit na halos itakwil na ako ng tatay ko.. ..I will never give up on My Yaya's daugther" - Daniel Padilla