Chapter 46 - Operation: Takas

21.5K 228 38
                                    

Short update muna!! Sobrang busy kase, tapos nagloloko si Wattpad. idagdag mo pa na badtrip ako >.<

_______________________________

*tok tok*

“knock knock!!” sigaw nung nasa labas

“Who’s there?” tanong ko

“Punyeta Daniel buksan mo ‘tong pinto!!!”

Hala siya! Dali dali akong tumayo at binuksan yung pinto

“Bakit ba?”

Medyo hihingal-hingal pa si Syd, “Na-namatay yu-yung daddy ni k-kath!”

Naningas ako sa kinatatayuan ko. Tama ba yung narinig ko?di kaya si Tito Teodoro yung nagbilin saakin sa panaginip!!

“S-syd. U-umayos ka. Hahambalusin talaga kita. Sereyoso?” di makapaniwalang tanong ko.

Napakagat siya ng labi at tumango

Pakiramdam ko binuhusan ako ng malamig na tubig. Unti-unting nagflashback saakin lahat ng memories kasama si Tito. Kahit hindi kami naging sobrang close, naging mabait pa rin siya saakin. Lalo na nung naaksidente ako sa basketball, naikwento sakin ni Kath na si Tito Teodoro yung nagbayad ng hospital bills ko.

Tapos napakagaan daw ng loob sakin ni Tito, baka kaya dinalaw niya ako sa panaginip at binilin saakin si Kath! Oo tama! Si Tito Teodoro nga yun!

“Huy! Ano yang tunganga effect?” nabalik ako sa realidad nung nagsalita si Syd.

“Uuwi ako ng Pilipinas,” hinawi ko si Syd, “kailagan ako ni Kath” tatakbo na sana ako kaso biglang nagsalita si Syd.

“Buti kung makalabas ka. Nadoble yung security ng palasyo dahil sa ginawa natin. Sorry” nakita kong nagpunas pa ng luha si Syd

Hindi ko pinakinggan yung sinabi ni Syd, tumakbo pa din ako palabas.

Pero papalapit pa lang ako sa gate, nakaharang na yung mga guard. At parang may censor pa, kase biglang may malakas na tunog na parang alarm yung umalingawgaw sa paligid.

Kahit anong pilit kong lumabas, hindi ko sila kaya.

Napaupo na lang ako sa damuhan at naihalamos ko sa mukha ko ang palad ko dahil sa sobrang frustration.

Kamusta na kaya si Kath? Sino kayang nagcocomfort sakanya? Hu! Gusto ko siyang yakapin at sabihing, ‘wag ka mag-alala, andito ako di kita papabayaan.’ Pero parang ang hirap. Parang imposible na..

“Daniel!” inangat ko yung ulo ko para tignan kung sino yung tumawag saakin. Si Syd lang pala, “Pinapatawag ka ni Mara..”

My Yaya's DaughterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon