Chapter 1

53.5K 888 51
                                    

*Year 2000*

 

 

 

*Min’s POV*

 

 

Me: Ate, ikaw muna ang bahala kay Kath ha. Ako na ang magtatrabaho para satin

 

Ate: Min naman. 19 ka pa lang. sigurado ka bang kakayanin mo?

 

Me: Oo naman. ako pa

 

Ate: osige sige, basta mag-iingat ka ha

 

 

Pagkatapos kong magbilin sa kapatid ko’y umalis na ako ng bahay upang mag-apply ng trabaho. Pupuntahan ko yung sinasabi ng kaibigan ko na pamilyang naghahanap ng kasambahay, baka sakaling matanggap ako dun.

Nandito na ako sa tapat ng bahay nila Mrs. Padilla. Pipindutin ko na sana yung doorbell nang may biglang bumusina “Ay anak ng kabayong itim!!!” napahawak ako sa dibdib ko.

Biglang bumukas yung gate kaya tumabi muna ako dun sa gilid dadaan kase yung kotse eh, baka masagasaan ako.

Nilapitan ako nung isang babae “Good Afternoon po. Ano pong kailangan nila?”

 

 

“Ahmm. Gusto ko sanang mag-apply” sabi ko habang tinuturo yung karatulang “Wanted: Maid”

“Ahhh, pasok po muna” humakbang na ako papasok “dun ho muna kayo sa may garden, tatawagin ko lang ho si mam karla” pagpapaalam nung babae, kasambahay rin ata siya dito, halata naman sa suot eh

Inilibot ko ang aking mga mata, grabe eto ang MANSION! Ang ganda! Ang lawak lawak. Sana baling araw magkaron din ako ng ganitong bahay. Haaysss!

“Good Afternoon” nagulat ako nang may biglang nagsalita sa likuran ko, napatayo tuloy ako. Hinarap ko siya, eto na ata s imam karla

“A-ahhy Good afternoon din po” sagot ko habang yumuyuko

“Please sit down” tinuro niya yung upuan at umupo na rin dun sa isa pang upuan “So, please state your Name, Age, Where you from, and what are the things that you can do?” Homaygas! Don’t English me. I’m noseblood! (॓_॔)

umayos muna ako ng upo “I’m Min Bernardo, 19 years old. From Pasig City” ginaya ko pa yung tono ng mga beauty queen pag sinasabi yung ‘city’ medyo natawa tuloy si maam Karla “Kaya ko pong mag-alaga ng bata, mag-tutor, magluto, at maglaba”

My Yaya's DaughterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon