Chapter 56 - Happiness

20.9K 248 60
                                    

Short update muna!! :"> Dedicated sakanya! alam kong second time na 'to, pero kasi masyado akong napangiti at natuwa sa comment niya sa chap. 54 eh!

Dedicated kay imshangpadilla26. Aylabyoo Ann!!!!! :">

____________________________________

It's been a week mula nung sinagot ko ulit si Daniel. at hanggang ngayon, di pa rin mawalawala yung sayang nararamdaman ko mula nung gabing yun. Feeling ko nasa akin na ang lahat!

Pero siyempre, hindi mawawala yung konting lungkot. kahit gaano ka naman kasaya may konting lungkot pa rin jan sa puso mo. tulad ko, diba kakasabi ko lang na masaya ako? Pero nalulungkot din ako at the same time. mas ineentertain ko na lang yung joy ko.

3 days ago kase bumalik na ng Germany sila Julia, Mara at Sydney. Si Julia magsisimula na sa trainings niya. si Sydney naman, doon na mag-aaral. tapos si Mara, kahit binigyan na siya ng chance maging malaya mas pinili pa rin niyang bumalik sa Germany. ayaw daw kase niyang pabayaan yung kapatid niya. 

pero nangako naman sila na bibisita-bisitahin nila kami. 

and yung something kay Mara at Alex? medyo nahalata ko na din. kase hindi naman sila ganun kaclose, hindi ko pa nga sila nakitang nag-usap eh. pero nung hinatid namin sa airport si Mara, sumama si Alex at parang iba yung aura niya. Hays! let's wait na lang kung may mamuong lovestory sa dalawang yun!

"Kath, let's go?" speaking of Alex! kasama ko nga pala siya ngayon. On the way na kami pabalik sa Manila. kase the day after tomorrow, may pasok na ulit kami. maikli lang talaga vacation namin. mas okay nga yun eh, mas madaling makakagraduate!

sumakay na kami sa kotse, as usual siya ang driver ko! 

kung naitatanong niyo kung nasaan si Daniel. well, nandun siya sa family niya. nabalitaan ko kasing nakauwi na rin ng Philippines sina Tita Karla at Tito Rommel. kaya naman pinilit ko siyang bisitahin yung mga yun. simula kasi nung tumakas sila sa castle, hindi pa ulit niya nakakausap ang parents niya. loko nga eh!

Dapat nga isasama niya ako dun eh, kaso malapit na nga magpasukan so next time na lang. tsaka di ko pa din sigurado kung tanggap na nila ako. baka mamaya Ice cold treatment nanaman ang matanggap ko. 

"Kath, ano gusto mo?" nabalik ako sa realidad nung nagtanong si Alex.

tumingin ako sa paligid. nasa drive thru ng McDo pala kami.

"Ahmm, sundae na lang" sagot ko

umiling siya, "Dinner mo sundae? gaga ka?"

natawa naman ako. 

"Ano pang gusto mo? ibinilin ka saakin ni Dj, wag ko daw hayaang di ka kumain ng tama"

"Ahmm, sige crispy chicken fillet na lang. tsaka fries"

My Yaya's DaughterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon