Chapter 68- Nasa akin na ang lahat

15.7K 260 26
                                    

Short lang to xD

________________________________________________

10 years later....

Andito ako ngayon pabalik-balik na naglalakad sa hallway.

Di ako mapakali, di ako mapirme sa isang lugar. kanina pa ako pinagpapawisan. Ganito naman talaga kapag kabado diba? Whooo!

"Anak, kumalma ka nga! nakakahilo kang tignan!" sabi ni mama

umupo ako sa tabi niya, "pasensya na, ma. kinakabahan lang talaga" ngayon naman nanginginig ang tuhod ko.

"Matagal pa ba yun? halos 30 minutes na si Kath dun ah!"

umiling si mama, "saglit na lang yan"

tumango ako at huminga ng malalim.

"Mr. Padilla.." sawakas! may doctor na rin na lumabas!

napatayo ako kaagad at lumapit sa doctor, "Bakit po?"

"Congratulations, It's a healthy baby girl"

Pakiramdam ko nanalo ako sa lotto sa sobrang saya, napatalon pa nga ako eh, "Salamat po, doc!"

tumango siya at bumalik na ulit sa ER.

"Ma! sawakas may babae na!" masayang balita ko kay mama

tumayo siya at yumakap saakin, "Buti naman, may apo na akong babae! Aalagaan niyong mabuti yan ha!"

tumango ako, "Syempre naman!"

Habang naghihintay na linisin yung bata, umupo muna ulit kami ni Mama. hindi mawala-wala sa mukha ko yung napakalaking ngiti. Matagal na kasi naming pangarap ni Kath na magkaroon ng baby girl. At eto na nga yon!!

sa loob ng sampung taon, marami nang nangyari. naging successful na kami ni Kath. lumaki na yung resto niya. ako naman, Vice president na sa company. 

At bilang mag-asawa, nagkaroon na kami ng dalawang anak. bale pangatlo na tong si Baby girl. dalawang lalaki yun nauna eh. puro sakit sa ulo! Isang 6 years old at isang 2 years old. Bata pa no? After kasi ng wedding, puro work muna ang inatupag namin. at nung may sapat na ipon na kami, tsaka kami bumuo na pamilya.

Maya maya lang tinawag na ako nung nurse, pwede ko na raw makita yung bata. Syempre nagmadali ako. Excited si Daddy eh :">

Pagkakitang-pagkakita ko sakanya, mapangiti kaagad ako. Kamukhang-kamukha ni Kath! Napakagandang bata!

Pinabuhat saakin ng nurse si Baby girl.

"Hi baby, ang ganda ganda mo naman. manang mana ka sa mommy mo"

My Yaya's DaughterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon