Chapter 24 - My first and last love

31K 356 32
                                    

*Daniel’s POV*


“Daniel, pasyal tayo! Ang boring dito sa bahay eh..” sabi ni Kath. Nandito kase kami sa bahay nila, ibinilin siya saakin ng daddy niya kase may business trip sila.

“Sige, san mo ba gusto pumunta?” tanong ko sabay akbay sakanya

“Hmmm, sa park na lang! para tahimik!” sabi niya tapos hinila na niya ako patayo

Mejo tinatamad ako kaya nagpretend ako na nanlalambot at sumakay ako sa likod niya.

“Buhatin mo ako, sakit ng katawan ko eh” pagmamakaawa ko

“Bigat-bigat mo eh!”

Nakasakay pa din ako sa likod niya

“Lakas lakas mo eh! boxingero ka diba!” asar ko sakanya

Bigla niyang idineretso yung katawan niya kaya nahulog ako

“Che! Bahala ka jan!” nagcross hands siya tas inirapan ako

“Uyy joke lang!!” binack hug ko siya tas kiniss ko yung buhok niya

Di pa din niya ako pinapansin kaya binuhat ko siya ng bridal style

“Waaahhh!! Danieeeel! Baba mo ako!!!” sigaw niya

“No!”


“Saan mo ako dadalhin!?!? Waaaah!” grabe talaga tong girlfriend ko, nalalunok ata ng megaphone!

“sa park! Diba gusto mo pumunta dun!” sabi ko naman

“Oo, pero ibaba mo ako!!!! Sige, bubugbugin kita!” banta niya

“Ang girlfriend kong boxingero!!!” tas tumawa ako ng malakas

Sinuntok-suntok niya yung dibdib ko kaya ibinaba ko na siya, “Ang sakit ah!” reklamo ko

Nagbelat lang siya saakin tas hinila na ako palabas ng bahay. Ang cute cute talaga ni Kath!

Pagdating namin sa park, naglakad lakad lang kami while holding each other’s hand.

“Kath, pagod na ako..” nagpout pa ako

Pinalo niya yung nguso ko, “Weak!!”


Bumitaw muna ako sakanya, kunyari nagtatali lang ng sapatos. Nung mejo nauna na siya, bigla akong tumalon sa likod niya. Yung parang sa GGV, yung I-Kathryn Bernardo mo ako! Ahihih

My Yaya's DaughterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon