Chapter 54 - Surprise!!

20.3K 259 55
                                    

Unang-una sa lahat, maraming maraming salamat dun sa mga nagsabi ng 'Get well soon'. Pakiramdam ko tuloy maraming nagcacare saakin :"> tapos may mga nabasa pa akong nagtatanong kung may maitutulong sila. Grabe, I'm so thankful kase nagkaroon ako ng readers/kaibigan na katulad ninyo. I love you all <3

Pangalawa, Medyo magfafastforward tayo ah. kase marami pang mangyayari sa story. tas malapit na mapasukan. so yeah! kailangan ko kasing matapos 'to sa second or third week ng June. You know naman, graduating na ang baleew niyong author/Ate Jenn. kailangan na magsereyoso ng onti :D

_________________________________________________

“Congratulations, Kathryn!” bati saakin ng prof ko, “na-impress mo nanaman ang faculty and admins! We are all so proud of you!”

“That’s because you taught us well, Ms.” Sabi ko naman.

“Keep up the good work!” sabi ulit niya

Nagnod ako, “I will”

Hay! Nakakapagod din mag thank you sa greetings nila ah!

Kung nagtataka kayo kung bakit nila ako cinocongratulate. Well, these past few weeks kase nagfocus talaga ako sa pag-aaral at minamaster ko lahat ng itinuturo saamin. Kaya ngayon ako yung representative sa Food exhibit.

Nakakaproud lang kase nagustuhan nila yung mga luto ng group namin.

Pumasok muna ulit ako sa classroom namin para magpahinga, kanina pa kaya ako nakatayo! Tinaggal ko na yung apron ko at umupo muna sa isang tabi.

Kinuha ko yung phone ko at nagtingin ng messages.

Napasmile ako nung nakita ko kung kanino nanggaling.

Kung naitatanong niyo kung kamusta na si Daniel, well ayun nasa Germany pa din. Medyo nagkaproblema daw kase sa castle kaya na delay yung proncessing ng divorce nila ni Mara.

Pero nagkaron din naman ng advantage yung pagtatagal niya dun. Kase habang wala siya, isinubsob ko talaga yung sarili ko sa pag-aaral. Kaya eto ako ngayon, Dean’s lister!

“Kath!” napa-angat agad yung ulo ko nung may isang pamilyar na boses ang tumawag saakin

Napatayo naman ako at tumakbo palapit sakanya, “omg! Alex, I missed you!!”

“Halata nga!” sabi niya

Matagal-tagal ko na rin kasing di nakakasama ‘to si Alex. Busy rin kase sa pag-aaral, mas subsob kumpara saakin. Law student ba naman eh!

“Himala, libre ka ngayon!” asar ko. Tuwing makikita ko kase sa campus yan, parating nagbabasa o kaya nagsusulat

My Yaya's DaughterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon