_______________________________
8:30am, nandito na ako sa tapat ng bahay nila Mrs. Padilla, sinalubong ako nung isa pa nilang kasambahay para tulungan ako sa mga bagahe ko. Nung nailagay ko na sa kwarto ko yung mga gamit ko pinuntahan ko si Ma’am Karla
“Good morning po ma’am”
“Good morning Min, maupo ka muna” tinuro niya yung upuan sa tapat niya “Ngayong araw, gusto kong i-tutor mo yung anak ko. Ikaw na rin ang maging baby sitter.”
“Ah sige po. Asan po ba yung anak niyo?”
“Sandali tatawagin ko” tumayo siya upang tawagin yung anak niya
Inilibot ko ang mga mata ko, Grabe! Ang ganda ng bahay nila, napakalawak ng sala tapos may malalaking banga pa, banga ba yun? Ay Ewan! Basta ang ganda. Tapos yung TV nila ang laki. Wow!
Maya-maya’y dumating na rin si Ma’am karla na may kasamang batang lalaki, ang cute niya, ang taba ng pisngi sarap kurutin
“Eto nga pala yung anak ko, si Daniel. Daniel meet Min, Min meet Daniel” pagpapakilala ni Ma’am
“Hello Daniel” bati ko na may kasamang kaway
Ngumiti lamang siya at tumakbo na papalayo
“Hayyy pagpasensyahan mo na yung batang yun, makulit talaga siya. Pero mabait naman yan”
Tumango na lang ako
Tumingin si ma’am sa relo nia “Nako, sige maiwan na kita. Kung may gusto kang itanong, lapitan mo lang si Cherry.” Pagkasabi niya no’y umalis na siya.
Naisipan kong lapitan si Cherry, ang boring eh walang maka-usap, ayaw sumagot nung pader eh
“Hi Cherry” bati ko sa dalagang naghuhugas ng pinggan
“Ayy hello” ngumiti siya saakin

BINABASA MO ANG
My Yaya's Daughter
Fanfiction"Kahit anong mangyari... Kahit sino pang babae ang iharap saakin... Kahit pa kunin na lahat ng materyal na bagay saakin... Kahit na halos itakwil na ako ng tatay ko.. ..I will never give up on My Yaya's daugther" - Daniel Padilla