Chapter 1: The Reality

16 0 0
                                    

"Papasok na po ako, La" sabi ko bago ako lumabas ng bahay.
















"Mag iingat ka apo ko, mag aral ng mabuti ah?" Sabi ni Lola bago ako tuluyang makalayo.
















Walking distance lang ang layo ng school mula sa bahay nila Lola. Mas mabilis din akong nakakarating kasi ginagamit ko yung school ko as finish line, ginagawa kong karera ang school namin, at uunahan ko ay ang mga sasakyan sa kalsada.















"Ayan na naman si Kim, akala mo galing pa sa kabilang bundok" sinalubong ako ni Thia, kaibigan ko siya.















"Hayaan mo na, at ginagawa niya ding exercise yan" sabi ni Jules, isa ko pang kaibigan.















Babae si Jules at lalaki si Thia or let me say, mahilig sa lalaki?. Kaming tatlo lang ang laging magkakasama sa school. Mababait ang mga nakakasama ko sa school na to, kaso ang daming ka kompetisyon, lalo na't sa isang local university ako nag aaral.















Ang buhay naming tatlo, magkakamukha lang. Si Jules na walang tatay pero kasama ang nanay at isang kapatid sa bahay. Si Thia na binubuhay ng kaniyang tiyahin at tiyo. At ako na iniwan ng aking mga magulang sa aking Lola.
















Magkakaklase kaming tatlo sa kursong Entrepreneurial Management, dahil ang pangarap namin? Magkaroon ng sari sariling business balang araw.
















1st year palang kami, sa hirap ng buhay minsan iniisip nalang namin na magtayo na ng business namin at mangutang nalang ng ipupuhunan. Pero mahirap pa din.















"Tara na at mahuhuli na tayo sa klase natin" sabi ni Jules.
















"Paanong hindi tayo mala late, e parang nag marathon tong si Kim." Sabi ni Thia.















"Kaya nga, kung sino pa yung malapit sa school, siya pa yung late palagi" sabi ni Jules.















"Ano ba kasing pakiramdam na sumasakay ng jeep araw araw?" Tanong ko.
















"Huwag mo ng pangarapin, nakakapagod sis" sabi ni Jules.














"Trut! Mag aasawa nalang talaga akong ng milyonaryong sugar daddy" sabi ni Thia.
















"Idamay mo nalang kami sa pag yaman mo. Tara na nga" sabi ko sabay hila sa kanilang dalawa papasok sa school.
















Maghapon kaming nakikinig sa klase ng may tumawag sa akin, number lang yun.















Nag excuse muna ako sa prof namin bago ako tuluyang lumabas sa room.















(Kim?) Tanong ng nasa kabilang linya.
















"Bakit po? Sino po ito?" Tanong ko.
















(Anong oras matatapos ang klase mo?) Tanong niya pa, naguguluhan na ko sa mga nangyayari.
















JEEP With YOU (ON GOING)Where stories live. Discover now