Tahimik nalang ako nun, hindi nga ako sanay sa magarang bahay e. Kaya namimiss ko yung dati naming bahay. Namimiss ko yung kaming dalawa lang ni Lola.
"Okay ka lang?" Tanong ni Jules sa akin. Napatingin naman si Patrick sa akin nung tanungin ako ni Jules.
"Oo naman, ano ka ba" sabi ko sa kaniya.
"Kilala niyo sila?" Tanong nung babae kila Patrick habang nakaturo sa aming tatlo.
"Mga new found friends namin. Lagi namin silang nakakasabay dito sa jeep e" sabi ni Earl.
"Sira, kung di mo ko tinanong nun kung girlfriend ko si Jules, hindi natin sila makikilala." Sabi ni Patrick.
" LT pa din dun pre. Oh by the way, Nicole this is Kim, Jules and Thia. EM sila, sa school natin" sabi ni Earl. "Guys, this is Nicole, classmate namin ni Patrick.
"Dyan ka lang nakatira?" Tanong ko sa kaniya. Bigla nalang akong nakaramdam ng lungkot sa tanong ko na yun. Hindi naman labag sa loob ko na lumipat ng bahay e. Nalulungkot lang siguro ako kasi iba pa din yung awra ng dati naming bahay ni Lola e.
"Yeah, malapit lang talaga. Pero kailangan ko pa din sumakay ng jeep, kase masakit sa paa pag nilakad ko yun e" sabi nung Nicole.
"Malapit lang din sila Kim dito dati e. Tinatakbo niya lang yan e. Ngayon, kailangan na niya sumakay ng jeep" sabi ni Thia.
"Kaya pala ngayon lang kita nakita. Sa dami ng jeep na nasakyan ko" bulong ni Patrick sa akin.
"Sa dami ng jeep na nasakyan mo, siguro naman hindi ito yung unang beses na nag approach ka sa babae?" Tanong ko.
"When it comes to that, this is my first" sabi niya. Tinignan ko sila Thia at Jules at halatang pilit nilang pinapakinggan yung pinag uusapan namin ni Patrick.
"Tara na baba na tayo" sabi ni Patrick nung matraffic kami, bumaba na sila Thia at Jules, kaya sumunod na ko sa kanila. Biglang kinuha ni Patrick yung jacket na dala ko.
"Ayusin mo yung damit mo" sabi niya sa akin. Inaantay niya pa ko at tumigil din siya sa paglalakad.
"Nanliligaw ka ba kay Kim?" Diretsang tanong ni Thia kay Patrick nung makahabol kami sa kanila.
"Nope" sabi ni Patrick. Hindi ko alam pero may kirot din pala ang mga salita.
"Why are you acting like that?" Tanong ni Jules.
"I'm just concerned with her" sabi ni Patrick naglalakad kami. Bigla akong muntik madapa at hinawakan niya agad yung kamay ko. "See?" Sabi niya pa.
"Are you saying that I'm clumsy?" Tanong ko sa kaniya.
"No" sabi niya, nainis ako kaya sumakay ako sa tricycle. Yung malapit na mapuno. Tumabi naman si Jules sa akin, tas sa likod ng driver si Thia.
"Anong pinag uusapan niyo kasi kanina?" Tanong ni Jules sa akin.
"Remember, he told me to chat him last night if makauwi na ko. I did. We're just talking about our personal lives, then may tinanong lang ako kanina sa kaniya" sabi ko. I lied to my friends,
"Akala ko mag jowa na kayo kanina e." Sabi niya.
"Facts" sabi ni Thia. Partida, nasa likod yan pero nakikichika pa din siya.
"Nakikichismis ka pa din e no? Ang hangin hangin na nga dyan" sabi ko kay Thia
Pagkadating sa school, balak pa sana antayin nila Thia at Jules sila Patrick pero inaya ko na agad sila. Habang naglalakad papuntang entrance, may biglang humila ng kamay ko.
"5 minutes lang, kailangan lang kita makausap" sabi ni Patrick sabay hila sa akin palayo sa mga kaibigan ko.
"Ano na naman?" Tanong ko sa kaniya
"Are you mad at me?" Tanong niya.
"Kasi?" Tanong ko sa kaniya.
"Yung kanina sa sakayan ng tric. Dahil ba sa sinabi ko kila Thia?" Tanong niya.
"Ha? Hindi naman talaga tayo ah? Hindi mo din ako nililigawan, then why are you explaining. Just to let you know na 3 days palang tayo magkakilala. And para ma pressure ka dahil sa mga kaibigan ko, ayoko nun. Kaya hindi ako galit sayo, magkaibigan na naman tayo di ba?" Tanong ko sa kaniya. Tumango naman siya. Bumalik na ko kila Thia at hinila na sila ni Jules paakyat.
After class, umuwi na agad kami kasi may exam pa kami bukas at kailangan namin mag review, nagbihis naman ako ng sando at shorts kasi magrereview na ko.
Biglang na chat si Patrick sa akin.
Patrick: Busy?
Kim: Medj
Patrick: Can I call you?Hindi pa ko nakakasagot bigla na siyang tumawag.
(Nice top) sabi niya agad, tinignan ko naman siya ng masama.
"Palibhasa, wala kang suot na top" sabi ko. Topless na naman kasi siya.
(You wouldn't mind naman di ba?) Tanong niya.
"Ayan na e, ginagawa mo na e. Gusto mo patayin ko tong call?" Tanong ko sa kaniya.
(Don't! Actually, Kim. I just want to ask you talaga.) Sabi niya.
"Ako din, pero mauuna na ko." Sabi ko. "Pinapaasa mo lang ba ko?" Tanong ko sa kaniya.
(Why would I do that?) Tanong niya. (I actually want to ask you if pwede kitang ligawan) sabi niya.
"3 days ago, nag meet tayo sa jeep, tas gusto mo na ko ligawan?" Tanong ko.
(I actually feel in love with you nung pagsakay ko sa jeep.) Sabi niya. (I don't know how to ask you, so I approach Jules first asking kung may boyfriend ka) sabi niya pa.
"Si Jules? Bakit hindi niya sinabi sa akin?" Tanong ko.
(Because I tell her not to tell you) sabi niya pa.
"So, do you actually want to court me?"
(Are you allowing me?) Tanong niya.
"I'll think about it" sabi ko.
(Just tell me if you can answer today or not) sabi niya.
"I'll answer you after we end this call." sabi ko
YOU ARE READING
JEEP With YOU (ON GOING)
RandomMadalas akong sumakay sa jeep, iba't ibang tao ang nakakasalamuha ko bago ako makapasok sa school. nakakapagod nga naman mag jeep, pero what if.. sa jeep ko pala makikilala ang lalaking magbabago ng buhay ko?