Lola's First Story
"Lumayas ang Dad mo nung 18 years old siya, nagalit siya sa akin nung malaman niya na nakahanap ako ng bagong mamahalin, nung mamatay kasi ang kaniyang ama, hindi kami maayos na nakapag paalam, inilayo ko sila sa kanilang ama nung malaman ko na may ibang babae ito, para sa kanila masama akong ina, dahil hindi ko inamin sa kanila ang totoo, itinago ko yung totoo kasi natatakot ako na maging masama ang tingin nila sa kanilang ama, ngunit sa akin nila pinaramdam yun. Naging kilalang politiko ang iyong ama sa edad na 20 dahil sabi niya, gusto niya maghatid ng serbisyo sa ibang tao, sa edad na 21 years old, Kagawad na siya ng ating barangay, sa edad na 25 naging alkalde naman siya, at sa edad na 28 hinarap niya ang hamon bilang isang Mayor, Nung mag edad 30 ang tatay mo, nalaman naming nabuntis niya ang ka live-in partner niya, ang nanay mo, hindi na kailanman siya umupo sa kahit na anong posisyon sa politika, dahil ang pangako niya ay aalagaan niya kayo ng iyong ina. Nung ipanganak ka, inamin niya na nanghihinayang siya na isinuko nya ang posisyon sa politika, at nasabihan niya ng masasakit na salita ang nanay mo, naghiwalay sila sa unang segundo mo sa mundong ito, kinuha ka ng iyong ina at nanirahan ka dun hanggang sa 2 taon ka na, nakita kitang ibinebenta ng iyong ina, kaya't napilitan akong kasuhan siya, pero nakiusap siya sa akin na kunin nalang kita at alagaan, kapalit nun ay magpapakalayo layo na siya. Hindi ko na alam kung nasaan ang iyong ina, ang alam ko lang bumalik siya sa kanilang probinsya. Sinabi ko sa iyong tatay na kinuha kita sa iyong ina, imbes na matuwa ay nagalit pa siya sa akin, ano daw ang pinaggagawa ko. Pero pinilit ko na buhayin ka, kasi kahit ilang apo ang meron ako, ikaw lang ang nag iisang paborito, dahil ikaw ang unang apo ko na babae."
My Father's Story
" Pagkatapos naming maghiwalay ng nanay mo, bumalik ako sa pag nenegosyo, pinilit ko na iangat ulit yung sarili ko, kasi kung hindi ako babangon, paano kita haharapin sa ngayon? Lahat ng ginagawa ko parte ka nun, totoong nagalit ako nung kunin ka ni Mama sa totoo mong ina, pero nagkaroon ng kasiyahan sa puso ko dahil alam kong mas malapit ka na sa akin ngayon. Nagkaroon ako ng bagong asawa, ang Tita mo, nung inamin ko sa kaniya na may babae akong anak sa una kong kinakasama, nagalit sa akin, kasi bakit daw kita pinabayaan, bakit daw kita iniwan, bakit daw kita hinayaan sa ibang tao. Nung araw na yun hinanap ko kayo, pero galit na galit na si Mama sa akin nun, pinaalis niya ko , nakita kita noon, 12 anyos ka na, kamukhang kamukha mo ang nanay mo, kaya ko rin nasabi sayo na kaya hindi na kita hinanap ay dahil naaalala ko lang ang nanay mo sa iyo. Patawarin mo ko"
YOU ARE READING
JEEP With YOU (ON GOING)
RandomMadalas akong sumakay sa jeep, iba't ibang tao ang nakakasalamuha ko bago ako makapasok sa school. nakakapagod nga naman mag jeep, pero what if.. sa jeep ko pala makikilala ang lalaking magbabago ng buhay ko?