Aalis na sana ako ka nung mapansin ako ni Patrick at hinila ako sa isang gilid.
"Nakapag usap na kami ni Mary, hindi naman niya sinasadya na magalit, nagulat lang siya kasi iba yung nasa plano namin dun sa ginagawa niyo." Sabi niya pa sa akin.
"Ah, so may plano na pala kayo, at hindi mo man lang sinabi sa akin?" Tanong ko sa kaniya.
"Kim please, ayoko ng tono ng boses mo. Pakinggan mo muna sila Mary please." Sabi niya.
Tinignan ko sila Thia at Jules na nakatingin din sa akin.
" Nag aantay na sa akin yung mga kaibigan ko, Pat" sabi ko. Pero niyakap niya ko bigla.
"Please. I love you, I don't want you to go home alone." Sabi niya sa akin.
"Patrick, kung ganito kaliit na bagay mo masabi sa akin. Paano na yung mga big deal?" Tanong ko sa kaniya.
"I'm about to say this to you, hindi ko naman kasi ineexpect si Mary na pupunta dito e." Sabi niya. Inirapan ko nalang siya at umupo sa tabi ni Thia at Jules.
"Letseng selos to." Bulong ko nalang sa sarili ko. Pero narinig naman nila Thia yun.
"Normal lang yan te. Mas magtataka kami kung hindi ka magseselos sa babaeng yan" sabi ni Jules.
"Kim" tawag ni Patrick sa akin. Tinignan ko lang siya. Nakahawak siya sa bewang ni Mary? Seryoso ba talaga siya?
"I'm sorry Kim, I didn’t want you to feel bad about sa props ni Pat. But our section decided na mag stick sa Version 2. Kasi yun talaga yung plano. It's okay if hindi mo magagawa yung costume ni Pat, we can ask someone to do that for him." Nakatingin lang ako sa kamay ni Patrick na hindi pa din bumibitaw sa bewang ni Mary habang nag eexplain si Mary sa harap ko.
"Sa paanong paraan mo gusto mong sagutin ko yan?" Mula sa kamay ni Patrick na nasa bewang niya papunta sa mukha niya ang naging direksyon ng mata ko. "Kayo ang masusunod, wala akong pakialam sa desisyon niyo." Sabi ko nalang dahil sa inis ko. "Dapat palang mas sinuportahan ko nalang si Dannika at Rickson kesa sayo" sabi ko sabay kuha ng bag ko, inaya ko na sila Thia at Jules na umalis.
"Kim, Kim, Kim" inaawat ako ni Patrick na umalis pero hindi ko alam pero ang bigat ng pakiramdam ko ngayon. Parang sa wala lang napuntahan lahat ng effort ko sa kaniya kase mas sinunod niya pa din si Mary.
"Bibitawan mo ko o mag iiskandalo ako dito?" Bulong ko kay Patrick, nagkaroon na ko ng lakas para tanggalin yung kamay niya na nakahawak sa wrist ko.
"Kim, alam kong galit ka. I'm really really sorry, okay? Alam kong nasayang lahat ng effort mo. Wala naman kasi akong magawa kasi desisyon ng section namin yun" sabi niya.
"Kaya kong tanggapin yung desisyon ng section mo!" Nanggigigil kong sabi. Ayokong may makarinig sa galit ko. "Pero pu******* Patrick, girlfriend mo ko, pero kung humawak sa bewang ng babaeng yun, parang kakilala mo lang ako ah?"
YOU ARE READING
JEEP With YOU (ON GOING)
AlteleMadalas akong sumakay sa jeep, iba't ibang tao ang nakakasalamuha ko bago ako makapasok sa school. nakakapagod nga naman mag jeep, pero what if.. sa jeep ko pala makikilala ang lalaking magbabago ng buhay ko?