Chapter 18: Nothing gonna stop him

6 0 0
                                    

"For you" sabay abot niya sa akin nung bulaklak na hawak niya.















Nakita ko kung paano tignan ni Dannika yung bulaklak, tas titingin pa siya kay Rickson, oo nga pala may gusto siya kay Rickson.















"May boyfriend ako, Rickson" sabi ko sa kaniya.














"Tinanggi ni Patrick na kayo ng dalawa. Sinabi niya lang yun kasi naiinis siya sa akin." Sabi ni Rickson.















"I didn't say na si Patrick ang boyfriend ko" sabi ko pa sa kaniya.















"Just accept the flower, okay." Sabi niya "Kasi hindi ako naniniwalang may boyfriend ka na" bulong niya pa sa akin.















Inirapan ko nalang siya, pinasuot ko na naman sa kanila yung damit na inayos ni Lola, sobrang kabog nung damit ni Dannika ngayon, pati mga prof namin tuwang tuwa sa ginawa ko, kulang nalang is yung mga props nila.















"I think we have to make it more fitted." sabi ni Rickson paglabas niya. Sa sobrang tuwa ni Karen sa kinalabasan ng damit niyakap na niya ako.















"ANG GANDAAA! BAGAY SILANG DALAWA" sigaw ni Karen nung pagtabihin namin si Dannika at Rickson. Si Rickson naman hindi maalis yung tingin sa akin.















"Are you okay?" Tanong ni Dannika kay Rickson.















"Gusto mo ba talaga i-fitted ko pa?" Tanong ko kay Rickson. Pumunta ako sa likod niya at tinry yung gusto niya.















"No, no, no. Okay na pala" sabi niya.
















"Ay wait, ipapatawag ko yung props men nila, para ma try natin ng may props" sabi ni Karen.















"Very Nice, Kim. Worth it yung exemption mo sa exams." Sabi ng mga prof ko sa akin.















"Can I try Patrick's costume?" Tanong ni Rickson.















"Bakit? Okay na naman yung damit mo ah?" Sabi nung isa naming prof.















"Gusto ko lang naman po itry. Para kung ano yung mas maganda, yun yung masuot ko on the day of the competition." Sabi niya















"Partner kasi ng damit ni Dannika yung suot mo ngayon. Yung suot ni Patrick, partner din ng damit ng partner niya." Sabi ko kay Rickson.















"There's nothing wrong naman kung gusto kong itry di ba? Try lang naman e" sabi pa ni Rickson.















"Kung hindi sayo, huwag mong ipilit na mapa sayo, pre." Biglang pumasok si Patrick sa faculty, sabay kuha ng damit niya.















"You're here." Sabi ni Rickson. "I just want to try it, and si Kim naman ang may gawa niyan, Kim is from our college, nakiusap kalang sa kaniya na gawan ka ng damit" sabi ni Rickson.















"She's my girlfriend and yung usapan namin para sa damit na pinagawa ko sa kaniya is outside the college rules." Sabi ni Patrick.















"Girlfriend? Ikaw mismo at galing mismo sa bibig mo na hindi totoo na kayo na ni Kim. Sinabi mo lang yun dahil sa akin. Ngayon pinaninindigan mo yang kasinungaling mo."  Sabi ni Rickson















"She's my girlfriend!" Sabi ni Patrick.















"No one can stop me from pursuing Kim. Hindi ikaw na epal lang" sabi ni Rickson.















"Hindi kita papatulan pre, ayokong makita ng girlfriend ko na kaya kong bangasan yang mukha mo, not now kasi may competition pa tayo." Sabi ni Patrick.

JEEP With YOU (ON GOING)Where stories live. Discover now