Hindi na ako pumasok para mamili ng tela, pinilit pa nga ako ni Thia at Jules na pumasok, kaso tatlo kasi gagawin ko tas ilang weeks nalang meron ako.
"Hindi ka pumasok?" tanong ng tatay ko sa akin, kakauwi ko lang at dala dala yung mga telang napamili ko.
"Exempted po ako sa mga exams namin, kailangan ko lang po gawan ng damit yung mga contestant namin." sabi ko naman.
"Nabili mo na ba lahat ng kailangan mo? May kulang pa ba? Mag sabi ka lang sa akin ah" sabi niya pa tumango nalang ako.
Aalis na sana ako nung bigla siyang magsalita ulit.
"Alam kong hindi pa rin nawawala ang galit mo sa akin, sa pag iwan ko sayo kay Mama, sobrang pinagsisihan ko yun, Kim. Sobrang kamukha mo ang nanay mo, kaya tuwing nakikita kita naaalala ko siya, naiinis ako na dinamay kita sa galit ko sa kaniya, sana mapatawad mo na ko" sabi niya pa
"Habang pinapalaki mo yung mga anak mo sa napakalaking bahay na to, nandun ako sa Lola ko, nagtitiis sa buhay na hindi ko naman ginusto, hindi ko rin ho ginusto na maging kamukha ako ng nanay ko, kung naiinis kayo sa akin dahil dun, ako nalang po mismo ang lalayo." sabi ko pa.
YOU ARE READING
JEEP With YOU (ON GOING)
RandomMadalas akong sumakay sa jeep, iba't ibang tao ang nakakasalamuha ko bago ako makapasok sa school. nakakapagod nga naman mag jeep, pero what if.. sa jeep ko pala makikilala ang lalaking magbabago ng buhay ko?