Chapter 31: Vivian is not a friend

0 0 0
                                    

"Ang aga aga, ang clingy clingy mo" sabi ni Thia kay Vivian nung tanggalin ni Patrick yung kamay niya. Alam na ni Patrick na ayokong may ibang dikit ng dikit sa kaniya.

















"Nasanay kasi ako. Dati pa naman kaming ganitong ni Patrick, may dumating ka lang tinatanggal na niya yung kamay niya. Kahit sinong babae sa room namin, comportable sa presence ni Patrick, paano na ngayon? Iwas na iwas na siya sa amin" pabebeng sabi ni Vivian na halatang pinaparinig sa akin yun.

















"It's my decision, respeto din yung sa girlfriend ko Vivian." Sabi ni Patrick.

















"Not my problem, Pat. By the way, pinasimulan na nila Mary yung costume mo para sa Mr. and Ms. Univ, need mo nalang pumunta sa faculty natin mamaya, para masukatan ka nila." Sabi ni Vivian.
















"Let them use the measurements na ginamit ni Kim sa pag gawa ng damit ko." Sabi ni Patrick.

















"But Pat, what if hindi na accurate yung sizes? Like you know, baka pumayat ka na" sabi pa ni Vivian kay Patrick.

















"Fine, pero si Kim ang magsusukat sa akin" sabi ni Patrick.

















"Mariam will make your costume. Siguro naman hindi ka maiilang kay Mariam no? Para hindi mag selos yang girlfriend mo, Mariam/Mario. Yung bakla naming ka blockmate." Sabi ni Vivian.

















"Edi mas lalong nag init yung ulo?" Naiinis na ko kay Vivian kaya sumabat na ko. Take note na nag uusap sila ni Patrick habang naglalakad kami papasok sa school ah? Tumigil ako at humarap kay Vivian. "No one touches my boyfriend's body, not unless it's me." Sabi ko.

















"You know what? Hindi kayo bagay ni Patrick. You're just a nobody, tas ngayon kung makaasta ka, akala mo asawa ka na ni Pat? Ang panget nga ng gawa mong damit. Yung damit na ginawa mo kay Pat, ayaw ng mga prof namin, kaya nag insist sila na ipush yung Version 2 at si Miriam yung pagawain kasi ang corny ng gawa mo." Sabi ni Vivian, ngumisi naman ako.

















"Dahil sa sinabi mo, ipapakita ko sayo na si Rickson ang magiging best in costume. Kahit boyfriend ko pa ang representative niyo." Sabi ko kay Vivian, tas dumiretso na kami sa paglalakad.

















"Pag nag away kami ni Kim, magba back out talaga ako sa competition." Sabi ni Patrick kay Vivian, kaya napatigil ako sa paglalakad.

















"No, hindi ka magba back out." Sabi ko kay Pat. Sabay hila sa kaniya. "Ano ka ba? Malapit na yung competition, magba back out ka pa." Sabi ko sa kaniya nung makalayo na kami kay Vivian.

















"Eh baka mag away na naman tayo e. Ayoko na mag away tayo." Sabi niya.

















"Hindi tayo mag aaway, ano ka ba? Pero yung totoo? Ayaw ng mga prof niyo sa gawa ko?" Tanong ko kay Patrick.

















"Nung nag sukat na kami sa harap ng profs namin, nagandahan sila sa damit namin, pero hindi kasi nagtatama yung kulay ng suot ko sa kulay ng suot ni Vivian, eh yung kay Vivian yung nagustuhan nilang kulay, kaya need palitan yung akin." Sabi nia Patrick.

















"Sinayang mo lang talaga effort ko."

JEEP With YOU (ON GOING)Where stories live. Discover now