Chapter 32: Practice

0 0 0
                                    

Hindi naman kami nag away ni Patrick, pero kahit nasa practice na nila kami, ayaw niya pa din bitawan yung kamay ko. Nagu guilty pa din daw siya hanggang ngayon dun sa nangyari sa damit na ginawa ko.












"Tayo na candidates, mag start tayo from the top" sabi nung choreographer nila. May sayaw kasi sila sa umpisa.












"Magpa practice na ko ah?" Tumango naman ako.












Tumayo ako at lumapit kay Karen. Yung president ng EM.












"Tapos na ba yung costume ni Rickson?" Tanong ko.












"Yes, Kim. May fitting sila ngayon para malaman yung distansya nila sa stage sa mismong event. You can help us, madami dami pa naman yung dala ni Rickson." Sabi ni Karen. Kailangan kong panindigan yung sinabi ko sa bruhang Vivian na yun.














"Okay. Tawagin niyo nalang ako" sabi ko naman tas bumalik dun sa pwesto ko kanina. Kailangan kong panindigan yung sinabi ko sa bruhang Vivian na yun. Si Rickson ang mananalo sa best in costume. Kahit magalit pa si Patrick sa akin, mas mataas ang pride ko.

















"Ano na namang pinaplano mo?" Nakatingin sa akin ngayon si Jules na parang nagtataka na sa nangyayari.

















" Papatunayan ko lang na magaling akong gumawa ng damit" sabi ko kay Jules.


















Nakarampa na lahat ng candidates, and this time, bumalik agad si Patrick sa tabi ko.

















"Lahat ng candidates, pumunta na sa likod, magbihis na kayo ng costume niyo. Para maayos natin yung blockings niyo." Sabi nung choreographer nila.


















"Tara na Kim" tawag ni Karen sa akin. Napatingin naman si Patrick sa akin.

















"Don't tell me si Rickson ang tutulungan mo kesa sa akin?" Mahina lang yung pagkakasabi ni Patrick pero alam kong galit siya.
















"I need to go" ayoko ng mag explain kay Patrick. Alam kong mag aaway lang kami.

















Pumunta ako sa likod at walang gana si Rickson na mine make up-an. Bigla siyang tumayo nung nakita niya ko.

















"Kim, anong ginagawa mo dito?" Tanong niya agad sa akin ng nakangiti.


















"I'll help you with your costume." Sabi ko. Bigla niya kong niyakap. Lumayo naman ako. "I mean, you and Dannika" sabi ko pa. Tas lumapit ako dun sa costume niya.

















"Really Kim? How about Kuya Pat?" Tanong ni Dannika.

















"He doesn't need my help Dannika. And nandun naman si Mariam at Mary. Okay na yun, I'll help my college this time" sabi ko pa

















"Dannika, CBM si Kim. And magiging malaking issue yun kung si Patrick ang tutulungan niya" sabi ni Rickson.

















"Dito ka na Dannika, ilagay na natin to." Sabi ni Karen. "Kim, ikaw ng bahala kay Rickson." Sabi niya pa. Tumango nalang ako.

















"Okay" kinuha ko yung guide sa costume ni Rickson, andami dami niya palang bitbit na props, tas yung damit niya manipis lang. Ang bigat ng dala dala niya sa stage.

















"Na try mo na ba buhatin to lahat?" Tanong ko sa kaniya.
















"Nakapag fitting na kami before, ang bigat nga e." Sabi niya.

















"30 minutes mo pa naman irarampa yan. Kawawa ka naman" pang aasar ko sa kaniya.

















"I check mo yung kay Dannika" sabi nya, at boom. Buhat ni Dannika ang Universe.

JEEP With YOU (ON GOING)Where stories live. Discover now