Chapter 8: His Feelings

6 0 0
                                    

"Gagi ka, baka mabulunan ka" sabi ko. Kanina pa kami magkausap ni Patrick sa phone. Hindi ko nga namalayan na 11pm na e.









(Tara na? Tulog na tayo. Chat mo ko kung anong kulay ng jeep na sasakyan niyo bukas ah) sabi niya pa.









"Fine fine. Matulog ka na, Mr. Manliligaw" sabi niya.









(And now, you're allowing me. I love you) sabi niya. (Saan pala bahay mo? Gusto mo sunduin nalang kita?) Tanong niya.









"Huwag na, ang aga mo na nga umalis para makasakay ka agad e, aagahan mo pa para masundo ako. I'm okay, hihilahin nalang kita pag pasakay ka na sa jeep " sabi ko sa kaniya.









(Okay okay, good night) sabi niya pa.









"Good night, Pat" sabi ko.









Natulog nalang ako, nakapag review naman ako, nung naligo kasi siya hindi niya pinatay yung call, antayin ko daw siya matapos.









-----

Kinabukasan, inantay ko talagang makarating kami sa antayan nila Patrick. Chinat ko naman siya na on the way na kami, kaya sabi niya mag aantay na daw siya ng jeep.









Nung makita ko siya sa antayan ng jeep, tinawag ko agad siya sabay hila sa kaniya. Buti nalang at maluwag pa. Katabi ko si Jules pero umusog siya para makaupo si Patrick.









Hindi ko pa din sinasabi sa kanila yung status namin ni Patrick, baka mausog e.









"Good morning pogi" sabi ni Thia kay Patrick.









"Naol hinihila para makasakay sa jeep" sabi ni Jules. Biglang nilagay ni Patrick yung kamay niya sa bewang ko. Hindi naman nakita nila Thia yun kasi siksikan sa jeep, tas nakaharang din yung bag ko.









Unting unti napupuno yung jeep.











"Iho, makikiurong" isang matandang babae ang balak pumagitna sa amin ni Patrick, pero nagulat ako nung umurong siya tas hinila niya ko. E nakahawak siya sa bewang ko. Dun sa gilid ko naupo yung matandang babae.










"Salamat" sabi sa akin nung matandang babae.










"Anong oras ng tapos ng klase mo?" Tanong sa akin ni Patrick.











"12 nn. Bakit?" Tanong ko sa kaniya.











"Uuwi ka na agad?" Tanong niya.









"Eh wala naman kaming pupuntahan e. Edi uwi agad" sabi ko.










"Antayin mo na ko, 1pm tapos ng klase namin. Kain tayo sa labas" sabi niya.










"Kasama sila Thia?" Tanong ko.










" Sama kayo?" Tanong niya kila Jules na nakikinig sa amin ngayon.










"Kung hindi date yung pupuntahan niyo, G kami" sabi ni Jules.










"Hindi date yun. For sure" sabi ni Patrick.










JEEP With YOU (ON GOING)Where stories live. Discover now