Hindi na kami nakapag usap ni Patrick kagabi dahil may pinuntahan daw sila ng pamilya niya.
Sinabihan ko naman siya na maaga akong aalis ngayon at hindi ako sasabay dun sa dalawa kasi nga ime meet ko yung candidate namin, at susukatan na din para masimulan ko na yung damit nila, may tela naman na daw sa school, kaya yung pagtatahi nalang talaga yung aasikasuhin ko.
Sumakay ako sa jeep nagsuot na agad ako ng earphone kasi alam ko namang wala akong kachikahan ngayon.
Nakarating din naman agad ako ng school, pagpasok ko pala sa faculty, natigilan ako. Likod palang niya alam ko na.
"Oh Kim, nandito ka na pala. Meet the CBM representatives, Dannika Lia Lim and Rickson Rivero" pagkasabi ni Karen nun, humarap sa akin yung candidates. Siya nga.
"Hi" sabi nung Dannika sa akin.
"Kim" sabi ni Rickson na parang nakakita ng multo.
"Kilala mo si Kim?" tanong ni Karen.
"Magkaklase kami nung Senior High" sabi ko naman.
"Siya yung gagawa ng damit nyo sa national costume" sabi ni Karen
"May design na kami, tignan mo" sabi ni Dannika sabay hila sa akin.
"Sa tingin mo kaya mo?" tanong ni Karen sa akin.
"Madali lang naman yung dress e, pati yung damit ng guy, yung mga props lang ang mahirap." sabi ko.
"Don't worry, kami ng bahal dyan" sabi ni Karen. "Pwede mo na silang sukatan" sabi niya sa akin.
"Sige. Yung babae muna" sabi ko, lumapit si Dannika sa akin.
"You look young." sabi niya sa 'kin "Nung pumasok ka, akala ko kapatid ka lang ng organizer ng event. Anong course mo?" tanong niya sa akin.
"EM, ikaw?" tanong ko
"Marketing kami ni Rickson" sabi niya.
"Nice, bagay sa inyo" sabi ko. "Actually, bagay kayo" sabi ko pa.
"Really? I really like Rickson, kaso mukhang wala sa plano niyang mag girlfriend e" sabi ni Dannika.
"Which is true" sabi ko naman at napatingin ako kay Rickson na nakatingin sa akin.
Nasa harap ko ngayon ang lalaking nangako sa akin na maghihintay siya hanggang makapag college kami, pero ilang months lang, tinigilan niya na ko.
YOU ARE READING
JEEP With YOU (ON GOING)
RandomMadalas akong sumakay sa jeep, iba't ibang tao ang nakakasalamuha ko bago ako makapasok sa school. nakakapagod nga naman mag jeep, pero what if.. sa jeep ko pala makikilala ang lalaking magbabago ng buhay ko?