Inantay ko yung uwian nila Thia at Jules, si Patrick naman hindi makakasabay sa akin kasi may practice pa daw sila hanggang mamayang hapon. Time check: 12 nn
"Apaka init pa, manood muna tayo sa practice nila" aya ni Thia nung sinabi kong may practice pa sila Pat.
"Sa trueeee. Nood muna tayo sa kanila" sabi ni Jules, wala akong nagawa kundi sumunod sa kanilang dalawa.
Pagkadating namin sa auditorium, si Vivian parang linta kung makakapit kay Patrick.
"Parang ang sarap manapak ngayon" sabi ko
"Te, alam kong hindi mo sinasadyang masabi yan" nagulat nalang ako ng magsalita si Jules. Iniisip ko lang yun, paano ko nasabi.
"Kahit ako ready ako manapak makita ko lang na may umaaligid sa boyfriend ko e." Sabi ni Thia at tawang tawa na silang dalawa.
"Oh, akala ko uuwi ka na?" Tanong ni Patrick sa akin sabay hawak sa kamay ko.
"Gusto daw manood nila Thia at Jules ng practice niyo, at mainit pa sa labas." Sabi ko naman sa kaniya.
"Ipapasundo ko nalang kayo. Para hindi na kayo mag jeep." Sabi niya pa sa amin.
"Huwag na, gusto din nila Thia manood." Sabi ko sa kaniya.
"Patrick!!" Sigaw ni Vivian sa kaniya. Bumalik naman agad siya sa pwesto niya kasi maglalakad na ulit sila.
"Parang may chance si Rickson no? Ang lakas ng dating e" sabi ni Thia.
"Muntanga naman tong si Vivian, ang gaslaw gaslaw" sabi ni Jules.
"Bet ko si Dannika para sa Ms. Univ" sabi ko. "Obviously, boyfriend ko yung Mr. Univ, ganda kasi ng lahi nila e." Sabi ko nalang. Inasar pa ko nila Thia.
"Patrick Tan, College of Engineering"
"Vivian Corpuz, College of Engineering"
"Rickson Rivero, College of Business Management"
"Dannika Ash Tan, College of Business Management"
Habang nagpapakilala sila, may isang pangalan ang pumukaw sa mata namin.
"Ryine Felopino, College of Arts and Sciences"
Sabay sabay kami nagkatinginan nila Thia at Jules.
"Anong ginagawa ng ex mo na bestfriend ni Jules sa competition?" Tanong ko kay Thia. Ex ni Thia si Ryine, best friend naman siya ni Jules since SHS.
"Aba malay ko, wala na bang maayos ayos sa CAS at yan ang kinuhang representative?" Tanong ni Thia na tunog bitter sa buhay.
After ng practice nila, biglang lumapit si Ryine sa amin.
"Hi Jules. Hi Kim. Hi Babe!" Sabi niya, gusto na namin tumawa ni Jules kasi yung reaksyon ni Thia akala mo diring diri, eh mahal na mahal niya dati yan si Ryine. Di mapakali pag wala si Ryine sa tabi niya.
"Shut up!" Sabi ni Thia.
"Is everything okay?" Biglang sulpot ni Pat sa tabi ko at humawak pa sa bewang ko.
"Pat, si Ryine. Ex ni Thia" sabi ko kay Patrick.
"Te, pwede mo naman siyang iintroduce as 'bestfriend ni Jules'. Bat naman sa akin na naman ang bola" sabi ni Thia.
"Te, mas maaalala ni Pat si Ryine pag ex ang ginamit, mamaya pagselosan pa yan ni Patrick e." Sabi ni Jules.
"She has a point. Seloso kasi ako" sabi ni Patrick at tumingin tingin pa kay Rickson
YOU ARE READING
JEEP With YOU (ON GOING)
RandomMadalas akong sumakay sa jeep, iba't ibang tao ang nakakasalamuha ko bago ako makapasok sa school. nakakapagod nga naman mag jeep, pero what if.. sa jeep ko pala makikilala ang lalaking magbabago ng buhay ko?