Natapos lang kami kumain nung mag aya yung kapatid kong lalaki na mag movie marathon daw, since minsan lang umuwi si Tita. Si Lola naman, hindi na kinaya yung antok kaya sinamahan ko muna siya sa kwarto niya, para makatulog na siya.
"Lola, masakit po pala talaga mag mahal no?" Bigla niya kong tinignan.
"May ginawa ba si Patrick sayo, apo?" Tanong niya.
"I think he still wants his crush." Sabi ko nalang. I never hide anything from my Lola. She keeps secrets.
"That's what I told you before, Kim. Never trust anyone, not until you know them enough." Sabi niya pa. " But I can see in Patrick's eyes na seryoso siya sayo. He's really into you." Sabi pa ni Lola. "Nagkiss na ba kayo, apo?" Tanong ni Lola. Napatingin naman ako sa kaniya at nakangiti siya sa akin na parang nang aasar.
"Lola" sabi ko naman sa kaniya.
"Hindi kasi nagli lipstick si Patrick, pero meron namumula yung labi niya kanina." Sabi naman ni Lola.
"Hay nako lola, matulog ka na nga. Kung ano anong iniisip mo" sabi ko habang tumatawa. I never hide anything to Lola, pero syempre nahihiya pa din ako.
"Bumaba ka na dun apo, inaantay ka ni Patrick" sabi niya sa akin.
_____
Bumaba ako sa sala at nandun na yung kapatid ko na naghahanap ng panonoorin, nasa kusina naman si Tita kasama si Patrick.
"Ano ka ba iho, natural lang sa babae ang magselos. Lalo na first boyfriend ka ni Kim. And you know her past already. Hindi naging maganda yung relasyon niya sa Dad niya. Kaya nga bilib ako sayo, kasi if ako si Kim? Never na ko magtitiwala sa lalaki. But she believes in you. She wants to trust you." Rinig kong sabi ni Tita.
"Mahal na mahal ko po yun, kahit napaka selosa niya. Pero Tita sa inyo na ko nag explain, wala lang talaga sa akin yung inaanak niyo. Si Kim na po yung buhay ko ngayon" sabi naman ni Patrick. Pero wait? INAANAK? Inaanak ng tatay ko at ni Tita si Mary? Napakaliit talaga ng mundo.
"Kim" napatingin ako sa tumawag sa akin, yung tatay ko. Napatingin din si Patrick at si Tita.
"Pwede ko po ba kayong makausap sa labas?" Tanong ko sa tatay ko. Tumango naman siya sa akin.
Lumabas ako sa garden at sumunod siya sa akin.
"Salamat po sa pagpapatira sa amin ni Lola dito sa bahay niyo. Salamat din po sa pagkilala sa akin bilang anak niyo. Pero hindi niyo po kailangan gawin to." Inabot ko yung envelop na binigay ni Lola sa akin kanina.
"Galing yan sa papa mo. Pang gastos mo daw yan sa school mo."
May 10k na laman yung sobre na yun.
" Para sayo yan, anak. Gusto kong iispoil mo yung sarili mo. Bumawi ka sa sarili mo, Kim. Isipin mo na ginagawa ko to para sayo. Gusto kong bumawi sa lahat. Sa lahat ng nagawa ko sa inyo ni Mama. Sa pang iiwan ko sayo, sa pag pili ko na unahin yung sarili ko. Patawarin mo ko." Sabi niya sabay yakap sa akin. Niyakap ko din naman siya.
YOU ARE READING
JEEP With YOU (ON GOING)
RandomMadalas akong sumakay sa jeep, iba't ibang tao ang nakakasalamuha ko bago ako makapasok sa school. nakakapagod nga naman mag jeep, pero what if.. sa jeep ko pala makikilala ang lalaking magbabago ng buhay ko?