"Huh? Eh di ba namomoblema ka pa sa damit mo last week?" Tanong ni Mary sa kaniya.
"My girlfriend made my costume." Sabi ni Pat. Bigla niyang inayos yung buhok ko at iniligay sa likod ng tenga ko.
" Hindi ba masyadong unfair yun sa college niya? Ibang college yung ginawan niya ng damit?" Tanong ni Mary.
"Representative ng college nila Kim yung pinsan ko, siya din yung gumawa ng costume nila. Sinabay niya lang yung akin since wala pa nga akong mahanapan." Sabi ni Patrick na nakatingin kay Mary ngayon.
"Hi Kim, I'm Axon" inabot nung isa nilang kaklase yung kamay niya kaya inabot ko din yung kamay ko.
"Kim" biglang hinatak ni Patrick yung kamay ko.
"Axon just introduce himself. Apaka protective mo naman" sabi ni Earl.
"Seloso kasi ako" sabi niya sabay pinisil pisil yung kamay ko. Nagtawanan naman sila Earl.
"Pwede ka na mag decide dito sa part na to. Kami na ni Axon yung gagawa ng design, and Earl will help with the final output" nag uusap lang sila about dun sa project nila at hindi tinatanggal ni Patrick yung kamay niya na hawak pa din yung kamay ko hanggang ngayon.
"Hey guys!" biglang sumulpot ni Vivian sa gilid. "Ma kasama pala kayong hindi naman dapat nandyan?" nakatingin siya sa akin ngayon.
"She's Patrick's Girlfriend. Pwede naman siguro niyang makita kung anong ginagawa ng boyfriend niya 'di ba?" sabi ni Earl.
"Girlfriend? Kailan pa? Di ba hindi totoo yun?" sabi ni Vivian at nakatingin kay Patrick ngayon.
"Nung sinabi ko na hindi totoong girlfriend ko siya, totoo yun. Kasi hindi pa naman niya ko sinasagot that time, sa tingin mo Vivian ipapakilala ko si Kim sa parents ko kung hindi totoong nililigawan ko siya?? Gusto mo bang malaman kung kailan kami mag mo monthsary? Para makapag ready ka ng celebration?" tanong ni Patrick, ngayon nakikita ko na yung ganitong side ni Patrick. Ang caring niya din pala.
"Akala ko ba si Mary pa din ang gusto mo?" tanong ni Vivian sa kaniya.
"Dati, si Kim na ang mahal ko ngayon" sabi pa ni Patrick. "Mauuna na kami, isesend ko nalang sa inyo yung mga ideya ko, nawawalan ako ng gana dito e" sabi niya sabay hila sa kin.
Sinamahan ko siya sa practice nila sa Mr and Ms. Univ, automatic nandito naman si Rickson.
Dumating naman si Vivian, jusko nakalimutan kong siya yung partner ni Patrick sa competition.
"Hi Guys!" sabi ni Vivian na may dala dalang kape para sa lahat ng candidate. Tumabi naman sa akin si Dannika.
"Alam niya sigurong hindi siya mananalo, kaya miss congeniality nalang ini aim niya" sabi ni Dannika natawa naman ako. "By the way, totoo bang girlfriend ka ni Kuya Patrick?" tanong niya sa akin.
"Recently lang. Nung umamin siya dito sa school hindi pa kami nun, nagselos lang daw siya ka Rickson." sabi ko
"Speaking of Rickson, hindi mo naman sinabi na naging MU pala kayo dati, sinabi ko pa sayo na may crush ako sa kaniya. Hindi ko tuloy alam paano ka iaapproach" sabi niya sa akin.
"Don't worry, boyfriend ko yung pinsan mo, mas madali mo na kong maa approach." sabi ko sa kaniya.
"I'm sorry, hindi kasi nasabi ni Patrick na may +1 siang kasama ngayon, kaya hindi kita nabilhan" sabi ni Vivian.
"You can have mine" sabi ni Rickson.
"Hindi mo na kailangang gawin yan tol" sabi ni Patrick. "I don't drink coffee, so my GIRLFRIEND can have mine" sabi niya pa sabay lapag ng kape sa tabi ko. Diniin niya pa yung word na girlfriend.
YOU ARE READING
JEEP With YOU (ON GOING)
RandomMadalas akong sumakay sa jeep, iba't ibang tao ang nakakasalamuha ko bago ako makapasok sa school. nakakapagod nga naman mag jeep, pero what if.. sa jeep ko pala makikilala ang lalaking magbabago ng buhay ko?