Chapter 27: Sorry

0 0 0
                                    

After kong sabihin yun, umalis na kami ni Thia at Jules, hindi naman ako kinausap nung dalawa kasi wala talaga ako sa mood. Naninikip yung dibdib ko, na parang anytime masusuntok ko kung sinong hahawak sa akin.

















Nakasakay na kami ng jeep nung makita kong tumatawag si Patrick sa akin. Sa inis ko, blinock ko yung number niya.

















"Te" tawag ni Thia sa akin, sabay pakita ng cellphone niya. Tumatawag si Patrick.

















"It's your choice kung sasagutin mo." Sabi ko kay Thia. At si gaga, sinagot nga.

















"Hello" sabi ni Thia. "Ayaw ka kausapin ni Kim, Pat" sabi niya pa at nakatingin pa sa akin. "Di ba may practice ka pa?" Tanong ni Thia. "Ikaw ang bahala." Sabi niya pa bago ibaba yung tawag.
















_______

Thia's POV








(Thia, si Kim? Pwede ba pakausap sa kaniya? Please)

(Sabihin mo sa kaniya, antayin niya ko. Uuwi na din ako)

(Hindi ako makakapag practice ng maayos pag hindi kami okay ni Kim. Pauwi na ko)

(Salamat, Thia)












"Pupunta daw siya sa inyo. Pauwi na daw siya" sabi ko kay Kim na tulala pa din hanggang ngayon.

















"Ganun ba? Edi hindi muna ako uuwi" sabi ni Kim. Biglang tumulo yung luha ni Kim, eto yung pangalawang beses ko siyang nakitang umiyak, yung una nung kay Rickson.

















Biglang nag abot si Jules ng tissue kay Kim. Kinuha naman niya. Pinakalma nalang namin siya.





____

Kim's POV






Bat naman naluha sa jeep? Pinagtitinginan na tuloy ako.
















Nakarating na kami kila Thia pero hindi siya bumaba. Ganun din si Jules.

















"Sasamahan ka muna namin sa inyo, pero Kim kailangan niyo mag usap ni Patrick." Sabi ni Thia.
















Ayun, napilitan akong umuwi kahit ang plano ko mag mall muna at baka maabutan pa ko ni Patrick na umiiyak.

















Nakarating naman kami sa bahay at 30 mins palang kaming nakaupo, dumating si Patrick.

















"Uuwi na kami te. Mag usap kayong dalawa ah?" Sabi ni Jules. Pagkalabas nung dalawa, lumapit si Patrick sa akin. Lumayo naman ako ng kaunti.

















"Nahihiya kasi sayo si Mary, kaya sinupport ko muna sya na kausapin ka. Pero hindi ko lang talaga namalayan na hindi ko pa natatangal yung kamay ko sa bewang niya. Pero wala lang yun, Kim. Magkaibigan lang kami" sabi niya pa.
















"Umuwi ka na Patrick. Ayoko munang makausap ka" sabi ko at dumiretso ng kwarto pero hinabol niya pala ako.

















Bigla niya kong hinalikan, eh nagulat ako. Kaya naitulak ko siya.


















"Please maniwala ka. Wala na kong nararamdaman kay Mary. Iniwan ko yung practice ko para sayo Kim. Kasi ayokong nagagalit ka sa akin." Sabi niya

















"Pwede ka ng bumalik sa practice niyo, Patrick" sabi ko.

















"Sorry na Kim. Ayoko talaga na nag aaway tayo. At hinding hindi ako uuwi hangga't hindi mo ko napapatawad." sabi niya. Bigla niyang kinuha yung cellphone niya at inabot sa akin.

















"Anong gagawin ko dito?" Tanong ko.

















"Ibalik mo sa akin pag nacheck mo na lahat ng gusto mong icheck. Yung date kung kailan mo ko sinagot yung password." Sabi niya.

















"Fine" sabi ko. Bigla niya naman akong niyakap.

JEEP With YOU (ON GOING)Where stories live. Discover now