Chapter 33: Jealous Patrick

0 0 0
                                    

Nairampa naman nilang dalawa ng maayos, si Patrick naman props palang yung nairampa kasi nga di ba, gagawin pa yung costume niya.

















Umalis na agad ako dun sa tent nila Rickson at pumunta na sa tabi nila Jules.



















"Ante, nakatatlong balik balik na si Patrick dito kakahanap sayo." Sabi ni Thia sa akin.
















"Mukha ngang mainit yung ulo nung chineck ka niya ulit e." Sabi ni Jules.

















"Kim" agad na lumapit si Patrick sa amin na parang anytime mananapak na. Hinila niya ko palayo kila Jules at Thia, tas dinala ako sa dulong parte ng gym.


















"Pat, alam kong galit ka. Pero huwag naman dito. Nagpa practice ka oh" sabi ko. Hinawakan ko naman yung kamay niya. Oo kailangan kong pagaanin yung loob niya, nakita ko pa naman kanina nung rumarampa si Rickson, nginigisian niya si Patrick.

















"Are you really serious Kim? Alam mo bang para na kong sasabog kanina sa selos? Bwiset pa yang Rickson na yan, kung makaasta akala mo naagaw ka na niya sa akin." Naiinis niyang sabi.



















" Kalma ka na. Hinding hindi niya ko makukuha sayo" hinawakan ko pa siya sa pisngi.

















"Hayst, alam na alam mo talaga kung paano ako kunin" sabi niya sa akin. "Huwag ka ng pupunta dun ah. Hahalikan kita sa harap ni Rivera!" Sabi niya pa sabay hawak sa bewang ko at dinala ako kila Thia at Jules.


















"Te, anyare?" Tanong ni Thia at Jules.


















"Tototohanin ko ang sinabi kong si Rickson ang mananalo dahil ayokong nilalait nila ang gawa ko. Alam kong magagalit si Patrick sa akin, pero wala akong pake, nasaktan ako sa sinabi ni Vivian, and ang makitang manalo si Rickson ang magpapamukha kila Mary na maling pinalitan nila yung costume ni Patrick" sabi ko














"So legit na kasama ka sa wardrobe team nila Dannika at Rickson?" Tanong ni Thia.















"Sinabi sa inyo ni Karen?" Tanong ko. Inalok ni Karen sa akin na mag join ako sa wardrobe team nila Dannika at Rickson. Pumayag ako, pero sa costume lang ako. Hindi sa lahat ng susuotin niya.




















"Te, si Karen pa ba? Malamang mamaya alam na ni Patrick yan" sabi ni Jules sa akin.





















"Baka mag selos na naman yang baby mo. Ewan ko sayo" sabi ni Ryine na sumulpot sa tabi ni Thia.





















" Hi guys!" Boses palang gusto ko ng pilipitin yung may ari.






















"Kim" lumapit naman si Patrick sa akin nung mapansin niyang lumapit si Vivian sa amin. "Are you really part of Dannika and Rickson's wardrobe team?" Bulong ni Pat sa akin.






















"We'll talk about this later. Sa bahay, promise" sabi ko kay Pat, tumango tango naman siya.




















"It's my birthday tomorrow, and may celebration ako sa bar near here lang naman. Join na kayo, everyone is invited" sabi ni Vivian.




















"Sasama ka?" Tanong ko kay Patrick.





















"Our whole section is invited, lahat sila pupunta. Pwede ba tayong sumaglit, if you just want." Sabi ni Pat sa akin.





















"Sasama kayo?" Tanong ko kila Thia at tumango naman sila. "Okay okay, sasama na ko." Sabi ko kay Patrick.

JEEP With YOU (ON GOING)Where stories live. Discover now