Kinabukasan, nauna kami ni Jules na sumakay ng jeep, kasi si Gagang Thia, mala late daw ng pasok at kakagising palang. Wala kaming rereviewhin ngayon dahil tapos na yung exam, kaya habang nag aantay ng jeep kanina, nag iisip na kami kung anong gagawin namin sa haba ng oras na gugugulin namin sa jeep, naisipan ni Jules na magbabasa nalang siya ng novel na binabasa niya, kaya ako sabi ko matutulog nalang ako.
Kasabay na naman ng apakaraming estudyante, si Pat/Kuyang Pogi.
"Shota mo be" bulong ko kay Jules, sabay tawa. Hinampas naman niya sa braso ko yung librong hawak niya, e ang kapal nun.
Nagsisiksikan na sa jeep, biglang sumigaw si Manong driver ng...
"Sa kanan, kasya pa isa" ang kanina pang nakatayo na si Pat ay siniksik ang sarili niya sa tabi ko. Kasya naman siya, at magkatabi na naman kami.
"Hi" sabi niya, tinignan ko naman siya, ang lapit ng mukha namin sa isa't isa. At take note, nakatingin siya sa akin.
"Oh hi" sabi ko.
After nun, tumingin na siya sa daan. Habang tahimik ang lahat sa jeep. Bigla siyang humarap sa akin.
"Sorry" sabi niya sa akin, tas ubo ng ubo. Napatingin ako sa babaeng katabi niya sa kabilang side, nagyoyosi amp. Ate, ikaw po may ari ng jeep?
"Gusto mo?" Tanong ko sa kaniya sabay abot ng face mask. Kinuha niya yun, pero ubo pa din siya ng ubo.
Napansin ni ate girl na nagyoyosi na nakatingin sa kaniya yung mga tao sa jeep at naiinis, kaya napilitan siyang bumaba at nakaupo ng maayos si Koyang Pogi.
"I'm Patrick" sabay abot ng kamay niya sa akin. "By the way, thank you sa mask" sabi niya sabay ngiti sa akin.
"I'm Kim, you're welcome." Sabi ko. "Si Jules nga pala, yung napagkamalan ni Earl na girlfriend mo" pinalo naman ni Jules yung hita ko.
"Hi" sabi ni Jules kay Patrick.
"Kilala niyo si Earl?" Tanong niya sa amin.
"No, nakasabay namin siya kahapon nung pauwi na kami" sabi naman ni Jules.
Nasa kalagitnaan na naman kami nung tumawag si Thia na on the way na din siya, nag motor na siya, sumabay daw siya sa Kuya niya.
"Ang kapal ng mukha mo, nagpa late ka lang talaga ng gising para ihatid ka ng kuya mo no?" Sabi ni Jules habang kausap sa cellphone ni Thia.
(Gaga, kung hindi lang ako mala late, baka naglakad pa ko. ) rinig kong sabi ni Thia.
"O sya sya, antayin mo nalang kami sa sakayan ng tricycle" sabi ni Jules bago patayin yung call.
Nagbasa nalang ulit si Jules ng libro habang ako, naisipan kong chikahin si Patrick.
"Anong course mo?" Tanong ko sa kaniya.
YOU ARE READING
JEEP With YOU (ON GOING)
RandomMadalas akong sumakay sa jeep, iba't ibang tao ang nakakasalamuha ko bago ako makapasok sa school. nakakapagod nga naman mag jeep, pero what if.. sa jeep ko pala makikilala ang lalaking magbabago ng buhay ko?