"Kilala niyo po ba ang papa ko?" tanong bigla ni Pat kay Papa.
"Oo naman, kaya nga pinayagan kita na ligawan si Kim, kasi alam kong mabuting tao ka, dahil mabuting tao ang tatay mo, kuhang kuha mo ang itsura ng tatay mo" sabi ng tatay ko, lagi ko nalang maaalala na madali siyang makakita ng magkakamukha, remember kamukha ko daw nanay ko.
"Talaga po? Ipapakilala ko palang po sana si Kim kay Dad, ngayon po sana kaso busy po siya gawin yung mga costume namin, kaya dumaan nalang po kami dito para tulungan siya." sabi ni Pat, napatingin naman kami nila Thia at Jules kay Patrick kasi hindi namin alam yung pinag uusapan nila.
"Father ni Patrick ang Vice Mayor nung panahon na nag Mayor ako" sabi bigla ng tatay ko. Napatingin ako kay Patrick. "And yes, nasa politika pa din ang father niya, siya ang current Mayor ng City natin" napanganga naman kami nila Thia.
"Nagbibiruan lang tayo nung sinabi kong mag rerequest ako ng elevator sa school kay Mayor ah? Pero baka seryosohin ko" bulong ni Thia sa amin.
"MAYOR YUNG TATAY MO? EH BAT KA NAG JE JEEP?" nagulat ako kay Jules kaya hinatak ko agad siya at tinakpan yung bibig niya.
"Tell your Dad that we will visit your house now. Gusto mong ipakilala si Kim sa kaniya di ba?" Tanong ng tatay ko sa kaniya. Napatingin ako kay Lola hihingi sana ako ng tulong kaso tuwang tuwa pa si Lola sa nangyayari.
"Teka lang po, 30 minutes lang. Kakausapin lang namin si Patrick" sabi ko sa tatay ko at hinila sila Patrick, Thia at Jules papunta sa kwarto ko.
"SO BAT KA NAGJE JEEP? PAANO PAG NAMUMUKHAAN KA NA PALA NG MGA NAKAKASABAY NATIN SA JEEP?" Tanong ni Jules.
"Never ni reveal ng Dad ang family namin sa public kaya nakakakilos pa din kami kahit medyo naghihinala na yung mga friends ko kasi pareho kami ng apelyido ng Mayor. Kaso mukha namang common surname yung Tan di ba?" Tanong niya pa sa amin. "Actually, naka motor ako pag pumapasok, kaso nung minsang masira yung motor ko, nag jeep ako ang na meet ko si Kim, este kayo. Nag jeep na ko after nun.
"Na 'love at first sight' si boi" sabi ni Thia. Tinignan pa ko si Patrick na parang nagsasabing itanong ko na yung gusto kong itanong sa kaniya.
"Anak ka ng Mayor? In short, gusto mo kong ipakilala sa Mayor ng lugar natin?" Tanong ko sa kaniya
"You will meet him as my father, not as the Mayor of our City. Okay baby girl? Magbihis ka na. Kasi inallow na ko ng Dad mo na ipakilala ka sa Dad ko" sabi niya.
Bat parang ang liit ng mundo namin ni Patrick. Bakit parang magkakakilala na kami dati pa? Ganun yung feel e. Para siyang character sa past lives ko. Ganun.
"Since aalis kayo, uuwi na ko. Tumatawag na ang aking mudrakels/titabels. Babush" sabi ni Thia.
"Aalis na din ako. Hahanapin na ko sa amin. Ba bye anteee" bumeso pa silang dalawa sa akin bago umalis, tas nakipag apir lang kay Patrick.
YOU ARE READING
JEEP With YOU (ON GOING)
AléatoireMadalas akong sumakay sa jeep, iba't ibang tao ang nakakasalamuha ko bago ako makapasok sa school. nakakapagod nga naman mag jeep, pero what if.. sa jeep ko pala makikilala ang lalaking magbabago ng buhay ko?