Nag antayan ulit kaming tatlo sa convenience store.Pagkasakay namin, nag bayad na agad ako ng 100, at nilibre ko na ng pamasahe yung dalawa. Nag thank you pa nga sila sa akin, hindi daw sila sanay.
Wala pa sa kalahati yung naba byahe namin ng may sumakay na puro estudyante, nasa dulo ako ng jeep, katabi ko si Jules at katapat namin si Thia, may lalaking umupo sa tabi ni Thia, at ang bakla, kaunti nalang sambahin na yung katabi niya, gwapo yun. Mukhang mayaman, at nakasalamin.
"Bayad po, isang ******* estudyante po" sabi nung lalaking yun, sa school din namin siya nag aaral.
"Alam mo te, mag review na tayo" sabi ni Thia na hindi mawala yung tingin kay Kuyang pogi.
"Ahm Miss, yung jacket mo mahulog" bigla siyang nagsalita tas nakatingin sa akin. Napatingin ako sa tinuro niya, yung jacket ko nasa lapag, kukunin ko sana yun nung biglang bumilis yung jeep at nilipad yung jacket, hinabol ko yun pero para akong mahuhulog sa jeep nung maramdaman kong may humawak sa bewang ko kaya hindi ako nahulog, nahawakan ko naman yung jacket ko. Pag tingin ko sa nakahawak sa bewang ko, si Koyang pogi. Nakita ko pa si Jules na nakahawak sa t shirt ko.
"Thank you" sabi ko nalang kay Koyang pogi. Nilagay ko nalang sa bag ko yung jacket ko.
"Bat naman willing ka magpakahulog dyan, para sa jacket mo. Gagi ka kinabahan ako sayo" sabi ni Thia sa akin.
"Gaga, tinahi pa to ni Lola para sa akin. Alangan namang pabayaan ko. Mag review ka na ulit dyan" sabi ko. "Thank you, Jules" sabi ko kay Jules.
"Gagi ka, wala akong ginawa, mas malaki yung impact ng humawak sa bewang mo kesa sa hinili yung t-shirt mo" bulong ni Jules sa akin. Napatingin pa ko kay Koyang pogi na nakatingin din sa akin. Hindi ako assumera, nakatingin talaga siya sa akin.
Bumalik naman ako sa pag rereview at minsan napapatingin ako sa lalaking yun, iba talaga itsura neto e. Parang hindi pwedeng madumihan yung damit.
"Inaantok ako, matutulog muna ako" sabi ko.
"Sige, gisingin nalang kita pag malapit na tayo" sabi ni Jules sa akin.
Hindi ako makatulog kasi ang bilis talaga magpaandar ng jeep na to. Sunod sunod pa yung pasok ng mga pasahero. May pumasok na babae at wala ng masakyan, bababa na sana siya pero binigay ni Koyang pogi yung upuan niya at sumabit sya sa jeep.
Mas lalo siyang lumapit sa akin kaya mas amoy na amoy ko na siya.
Nakarating kami sa kalagitnaan ng byahe ng lumuwag ng lumuwag yung jeep. Umusog si Jules para sana makaupo na si Kuyang pogi sa dulo pero bago pa man ako makausog umupo na siya sa pagitan namin ni Jules.
"Gusto mo palit nalang tayo?" Inalok niya si Jules na makipag palit
"Sige okay lang, dito nalang ako" sabi ni Jules. Tinignan ko naman siya ng masama.
Tahimik ang byahe ng pumasok ang isa pang lalaki.
"Oh Pat, papasok ka na din?" Tanong nung lalaking bagong pasok ng jeep sa lalaking katabi ko ngayon. Tumabi naman siya kay Thia, kasi si ate girl na pinaupo ni Koyang pogi kanina, bumaba na.
"Oo, maaga pa ah? Ang aga mo namang pumasok?" Tanong nung katabi ko dun sa lalaking bagong sakay.
"May exam ako e." Sabi nung katabi ni Thia. "Girlfriend mo?" Sabay turo kay Jules. Biglang tumawa si Thia dahilan para matawa din ako.
"Gagu hindi, nakakahiya ka!" Sabi nung katabi ko.
"Tangena mo, Thia. Para kang tanga" sabi ni Jules sabay hampas nung reviewer niya kay Thia. "Isa ka pa" sabay hampas sa akin.
" Bat di mo sinabi sa amin na may boyfriend ka na te?" Tawang tawa pa din ako, tas pati yung katabi namin ni Thia, tawang tawa na din.
"Tangena neto oh. Nakakahiya na oy!" Sabi ni Jules, biglang lumakas yung tawa ni Thia habang ako, mamatay matay na sa kakatawa.
Lumuwag sa linya ng upuan nila Thia, kaya lumipat na yung katabi ko sa tabi nung kaibigan niya. Paglapit palang ni Jules sa akin, hinampas na naman ako ni gaga.
Tumabi si Thia kay Jules pero tawang tawa pa din. Iba kasi yung pagkakasabi ni Kuya ng "Girlfriend mo?" Seryosong seryoso kasi.
"Sige tawa lang, huwag kayong mag review" sabi ni Jules. Maluha luha na naman si Thia nung mga oras na yun.
"Ayoko na nga!" Sabi ni Thia at kinuha na yung reviewer niya sa bag.
"Ikaw gaga ka? Hindi ka magrereview?" Tanong ni Jules sa akin.
Napansin kong tumatawa pa din yung bagong sakay na lalaki tas inaawat na siya ni Koyang pogi.
"Mag rereview na ko. Baka 'Girlfriend mo?' maisagot ko sa exam" bulong ko kay Thia, bigla naman siyang humalakhak ng todo.
"TANGENA KA KIM!" sigaw ni Thia sabay hampas sa balikat ko.
"Ewan ko sa inyong dalawa" sabi ni Jules.
Nakababa kami ng jeep, nauna kaming bumaba dun sa dalawa, pero pag tingin namin sa likod namin, nandun sila.
Hanggang sa makarating kami sa school, dumiretso sila sa 5th floor, tas kami sa 6th floor pa.
"Tangenang hagdan yan, pahirap sa buhay. Makapag request nga ng elevator kay Mayor" sabi ni Thia
Nakapasok naman kami sa room at maaga pa kami ng 5 minutes kaya huminga muna kami.
Natapos yung afternoon class namin, kaya nag decide na kaming umuwi. Pag sakay namin sa jeep, nasa bandang gitna kami nun, biglang sumakay yung kaibigan ni Koyang pogi.
"Hi, sorry pala kanina ah?" Sabi niya kay Jules.
"Okay lang, tawang tawa nga tong dalawang to dahil sa sinabi mo e." Sabi ni Jules.
"Akala ko kasi girlfriend ka ni Pat, kaya tinanong ko. Sorry talaga" sabi niya.
"Bat naman kasi ako yung tinuro mo? Hindi nalang si Kim." Sabi ni Jules.
"Hindi kasi makatingin si Pat sa kaniya kaninang umaga e. E sayo siya nakaharap nung sumakay ako, kaya akala ko magkakilala kayo" sabi niya. "By the way, I'm Earl" sabay abot ng kamay niya.
"Juliana Jane, Jules for short, si Kimberly Ashteine, Kim for short, and si Zilthia James Anthony, Thia for short." Sabay abot ng kamay niya.
YOU ARE READING
JEEP With YOU (ON GOING)
RandomMadalas akong sumakay sa jeep, iba't ibang tao ang nakakasalamuha ko bago ako makapasok sa school. nakakapagod nga naman mag jeep, pero what if.. sa jeep ko pala makikilala ang lalaking magbabago ng buhay ko?