Alas nuwebe ng umaga habang ako ay nakaupo sa kama, isang nakakatakot na panaginip ang biglang Gumising sa mahimbing kong pagtulog.
Isang babae ang humingi ng tulong na tila ba'y parang may gusto siyang sabihin, ngunit hindi niya magawang sambitin sapagkat walang lumalabas na tinig sa kanyang bibig sa tuwing binibigkas niya ang gusto niyang iparating saakin.
Habang nakaupo ako sa kama ay parang mabibingi ang teynga ko sa mga tugtug, kaya agad akong tumayo at dumungaw sa bintana.
Pagkadungaw ko sa bintana ay napagtanto kong fiesta pala sa aming baryo at napakaraming mga tao ang nagluluto ng handaan sa labas, may mga nag iikot ng lechon, nag gigisa ng sibuyas at akung ano-ano pa.
Napahawak ako sa noo habang bumalik ako sa kama, binalik ko ang pag iisip ko sa babaeng napanaginipan ko kanina.
Napatawa nalang ako sapagkat ang ibig sabihin ng panaginip ay kabaliktaran sa pangangailangan natin sa buhay.
Halimbawa nalang pag nanaginip ka ng nagpupulot ka ng pera, ibig sabihin kailangan mo ng pera sa totoong buhay, pero kung wala kang trabaho ay ibig sabihin kailangan mo nang humanap ng trabaho.
Agad akong tumayo at inayos ang sarili, lumabas ako ng kwarto at nakita ko si mama na nag luluto ng pansit.
“Karra, kumain ka na ng umagahan. Anong oras na at malapit nang mag tanghalian.“ Sabi ni mama.
“Mamaya na ma, Kakagising ko lang eh. Wala pang gana ngumuya ng pagkain ang bibig ko.“ sagot ko sa kanya.
Hindi niya ako pinansin kaya agad akong lumabas ng bahay at nagpunta sa bakanteng lote. doon kasi gaganapin ang isang patimpalak na ang pamagat ay prince and princess, isa pa naman ako sa kandidato.
Nang makarating na ako sa bakanteng lote ay sinalubong ako ni Sammy, ang bakla kong kaibigan at siya rin ang mag me-make up sakin mamaya.
“Karra! Tinanghali ka nanaman ng gising!“ Sabi niya.
Napasimangot ako at ngumiti rin kalaunan.
“Alas nuwebe palang sammy eh, tsaka bakit wala pa yung stage?“ Ika ko pa.
“Ayy! Excited ang pig?“ Sagot niya na nagkunwaring nagugulat.
Hindi na ako sumagot kaya sinapak ko siya sa ulo at nakailag naman kaagad ang bakla.
“Nga'pala, anong handa nyo sam? Baka may baboy o manok kayo jan, pahingi naman.“ Sabi ko.
Natawa lang siya at sumagot.
“Hay nako karra, makuntento kana sa pansit. Alam kong pansit nanaman ang unang niluto ng mama mo at sa hapon na yung mga baboy at manok para umabot hanggang gabi ang handa nyo.“ Sabi niya.
Well, hindi nga siya nagkamali. Ganun naman talaga si mama tuwing may fiesta, birthday o kahit anong occasion. Strategy daw yun eh kaya hinayaan ko na.
Napanguso nalang ako ng bibig, parang wala akong pagpipilian. Kaya uuwi na sana ako para kumain ng umagahan pero bigla siyang nagsalita.
“May alam ako kung saan makakakain tayo ng masarap karra!“ Sabi niya.
Bigla namang napawi ang malungkot kong mukha at napalitan ito ng ngiti sa sinabi ni Sammy.
“Saan naman?“ Ika ko pa.
Ngumiti rin pabalik si sammy at sumagot.
“Doon sa bahay nila mang isko, may kainan dun dahil ngayon ililibing ang asawa niya.“ Sabi ni sammy.
Oo nga pala, medyo na'awa ako kay mang isko. May katandaan na kasi siya tapos namatay pa ang nag iisa niyang kasama sa bahay. Yung mga anak naman niya ay may mga sarili nang pamilya.
BINABASA MO ANG
THE UNINVITED GUEST (Karra Series #1)
HorrorAng kwentong ito ay tungkol sa isang babaeng biniyayaan ng kakaibang talento na wala sa mga normal na tao. May mga nagpapakitang multo sa kanya na hindi malaman-laman ang totoong motibo o dahilan. Tara na't alamin natin ang buong storya sa nangyayar...