*KENNETH 's POV*
Alas tres ng madaling araw, nagising ako dahil sumasakit na yung puson ko sa dami ng nainom kong juice. Pero ang nakakapag tataka ay bakit ako kinabahan? Di ko alam kung ano ang dahilan pero ang masasabi ko lang ay ngayon lang ako nakaranas ng ganito.
Sinubukan kong matulog ulit pero hindi na ako makatulog, siguro kailangan ko na talagang umihi kaya napagdisisyonan ko nang bumangon at si mama na muna ang patutulugin ko.
Agad akong nagpunta ng sala at magtungo sana sa banyo, nasa kwarto kasi ako nila papa kaya nang makapunta na ako sa sala ay nabigla nalang ako dahil wala dito si mama. Kaya imbes na umihi ay lumabas ako ng bahay at nakita ko sa mga tent ang mga taong natutulog.
Hindi ko siya makita sa labas, ang akala ko ba magbabantay siya sa kabaong ni sammy?
Agad akong napakamot sa ulo at naglakad-lakad, habang tumitingin ako sa paligid ay bigla akong nakakita ng isang paa sa likod ng bahay namin, kaninong paa kaya yan? Tsaka sinong tanga ang matutulog jan sa likod? Pwede namang sa upuan nalang doon sa harap, may ilaw at tent pa.
Nagsimula na akong kabahan kaya agad ko itong pinuntahan, pagkarating ko sa likod ay nakita ko ang isang lalaking lasing, nakahiga sa likod habang may kulafu sa kamay.
Napawi ang kaba ko at nakahinga ako ng maluwag, kaya agad ko siyang ginising at pinapapunta ko sa harap ng bahay dahil may tent at may upuan, may nakakakita pa sa kanya.
At dahil maiihi na talaga ako ay hindi na ako bumalik sa loob ng bahay bagkus ay nag punta pa ako sa pinakalikod ng bahay namin para sana umihi dahil hindi ko na talaga kaya pang tiisin.
Agad kong hinarap ang sarili ko sa may semento at binuksan ko ang zipper, nilabas ko ang ari ko at umihi.
Dahil dun ay napangiti ako at napapikit, nang matapos na akong umihi ay agad kong binuksan ang mata ko para sana ibalik sa loob ang ari ko pero pag bukas ko ng mga mata ay sumalubong sa mukha ko ang isang babaeng nakalambitin sa kisame.
Agad akong kinabahan at biglang hindi ko maikilos ang buo kong katawan, yung sout niya ay kaparehas sa damit ni mama, yung buhok, tangkad, at yung form ng katawan niya ay kagayang kagaya kay mama.
Kaya para makasigurado ako kung sino ang babaeng ito ay dahan dahan kong tiningnan ang mukha niya.
At dito ko napag alamang kamukha ito ni mama.
"H-hindi!..." Sabi ko sa sarili.
"H-hindi ito maari!.." dagdag ko pa.
Dali dali ko siyang kinuha sa pag kakalambitin at dinala ko sa harap ng bahay namin, base sa mukha niya ay matagal na siyang nakalambitin doon dahil sa mukha niyang maitim na at may halong kulay abo na ito sa tagal.
Agad akong napaupo sa lupa habang nakahawak sa ulo ni mama, tsaka saktong nagisng yung isa sa mga natutulog sa upuan at nang makita niya akong nakaupo habang wala na sa sarili ay agad siyang tumakbo papasok ng bahay at ginising niya si papa.
Dahil dun ay dali dali nilang tinakbo sa hospital si mama habang ako naman ay nakaupo lang at nakatitig sa lupa, nablanko ang pag iisip ko at dito nga ay nagising pa ang ibang mga taong natutulog sa labas ng bahay.
Agad naman nila akong kino-comfort at yung iba ay pilit nilang ibinalik ang sarili ko sa katinuan.
Lumipas ang ilang minuto ay nahimas masan na ako at medyo bumalik na ang pag iisip ko sa normal.
"Ken, cheer up." Boses lalaki, agad akong tumingin sa kanya at si bernard pala ito. Isa sa mga kaibigan ni sammy.
Agad akong umiyak, napakabilis kumalat ng balita at hindi ko manlang alam na ilang minuto na akong nakatulala at hindi ko namalayang nandito na pala si bernard kanina pa.
At dahil hindi alam ni papa ang gagawin niya sa hospital ay agad niya akong tinawagan at agad naman akong sinamahan ni bernard na pumunta sa hospital.
Pagkarating namin dun ay dumiretso na kami sa morgue at doon nga ay nakita namin si papa at ang lalaking kasama niya noong sinugod nila si mama sa hospital na nakatayo sa pintuan.
Maya maya pa ay may lumapit saming doktor at dito nga ay tinanong ni bernard kung ano ang dahilan kung bakit namatay si mama, siguro hindi niya alam na nakalambitin na si mama sa kisame nang makita ko.
"Its because of depression, siguro kailangan niya ng masasandalan pero walang niisang lumapit sa kanya. Pero pwede rin itong sinusolo lang niya ang nararamdaman niya at hindi niya pinapaalam sa iba." Sagot ng doktor at agad ring umalis dahil inasikaso pa niya ang papelist ni mama.
Dahil dun ay napagtanto kong dahil ito sa mga pekeng pag ko-comfort ng mga punenarya sa kanina sa bahay namin kaya pinapauwi nalang ni mama.
Hindi ko alam kung sisisihin ko ba nag sarili ko kasi halos minu-minuto ko namang nakikitang umiiyak si mama pero wala manlang akong ginawa. Pero sa kabilang banda, naisip ko rin na kaya hindi ko namalayan o naramdaman na ganun na pala ka depress si mama ay dahil ayaw niyang pati kami ay mag aalala pa sa kanya. Ayaw niyang dagdagan pa ang problema kaya sinusolo nalang niya.
Maya maya pa ay natapos na ang doktor sa pag aasikaso ni mama at dito nga ay handa na ang bangkay ni mama para maiuwi sa bahay.
Agad na kaming umuwi at ilang minuto lang ay nakarating na kami sa bahay, agad naman nilang nilagay sa tabi ni sammy ang kabaong ni mama at dito nga ay may isang babaeng puneraryang lumapit sakin at aakmang iko-comfort niya ako nang bigla ko nang inunahang magsalita.
"Manahimik ka lang pwede? Gusto ko munang mag isip kaya please lang, kung pwede sana umalis ka nalang muna sa harap ko." Deretsahan kong sabi.
Sumagot naman siya.
"I know how you feel right now but-" naputol ang pagsasalita niya dahil agad akong nagalit at sumagot.
"Umalis ka sabi! (Sabay tulak sa kanya) Wag mo'kong ma english-english jan baka mamura pa kita! nagpipigil lang ako ng galit kaya paki-usap, umalis ka muna. Alam kong isa yan sa trabaho mo pero respetuhin mo naman ang desisyon ko." Sabi ko.
To be continue...
⚠️: Ops! Wag kalimutang mag COMMENT at VOTE bago aalis at paki FOLLOW na rin, maraming salamat!
SENYORITONG ANEL.
BINABASA MO ANG
THE UNINVITED GUEST (Karra Series #1)
HorrorAng kwentong ito ay tungkol sa isang babaeng biniyayaan ng kakaibang talento na wala sa mga normal na tao. May mga nagpapakitang multo sa kanya na hindi malaman-laman ang totoong motibo o dahilan. Tara na't alamin natin ang buong storya sa nangyayar...