CHAPTER 09

556 18 6
                                    

Aalis na sana ako nang biglang naagaw ang atensyon ko sa mukha ni sammy,  para kasi siyang ngumiti.

Dahil dun ay hinimas himas ko ang mga mata ko, baka kasi namalik mata lang ako. Pero pag tingin ko ulit sa mukha niya ay nakita ko si sammy na nakatitig sakin habang natatawa siya.

Agad akong napaatras at sa hindi inaasahan ay nabangga ko yung isa sa mga matanda sa likod.

“Mag ingat ka iha.“ Sabi niya.

Agad akong humarap sa kanya at humingi ng pasensya.

“S-sorry po…” sabi ko at aakmang aalis pero nang matingnan ko ang mukha niya ay dito na ako nagulat, dahil siya yung matandang nagbibigay sakin ng babala.

Nakatitig siya sakin habang nakaupo, kaya imbes na aalis ako ay tinanong ko siya.

“Anong ginawa mo dito?“ Tanong ko.

Sumagot naman siya.

“Hindi ba halata? Syempre para alalayan ka hanggang sa malaman mo kung paano gamitin ang  biyayang binigay sayo ng maykapal.“ Sabi niya.

Pero ang ipinagtataka ko, hindi ko naman siya kilala at hindi rin niya ako kilala. Hindi ko nga alam kung taga saan siya at paano niya nalamang may ganitong mangyayare sa buhay ko.

Lumapit ako sa kanya at may binulong.

“Nakita ko ang mukha ng patay, ngumingiti siya sakin habang nakamulat ang mata. Tinitigan niya ako, anong ibig sabihin nito?“ Tanong ko.

Tingnan niya ang oras sa relo ko at alas 7:59pm na, tsaka siya nagsalita.

“Kagaya ng palagi kong sinasabi sayo, huwag kang maniniwala sa nakikita ng iyong mga mata. Bagkus ay alamin mo kung sino ang pamanglinlang na ginagamit ang katawan o hitsura ng mga taong malapit sayo.“ Sabi niya at tinulak niya ako paalis dahil alas 8:00pm na, oras na para simulan ang unang panalangin ng patay sa loob ng bahay bago ito ilibing sa sementeryo.

Agad akong nagpunta sa gilid dahil magsisimula na yung dasalan sa harap ng kabaong.

Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam kung paano malalaman kung sino ang mga multong ito at ano ba talaga ang kanilang motibo o gustong iparating sakin? hindi naman siguro sila nananakot ng walang dahilan.

Habang dinasalan nila yung patay ng kapayapaan habang nag lalakabay sa paraisong walang hanggan ay nakikinig lang ako sa kanila, lumipas ang isang oras ay natapos sila ng 9:04pm ng gabi. At dito na ako tumulong sa pag bibigay ng snacks, pati na rin sa mga taong sumabat sa panalangin at sa mga taong nakikiramay at nagsusugal sa labas.

Pagkatapos namin magbigay ng snacks ay unti unti nang nagsi-alisan ang mga tao, lalo na yung mga batang nandito lang para sa snacks. Ang natitira nalang ay yung mga matatanda sa harap at mga malalaking tao na nagsusugal.

“Mauna na kami, bukas ulit ng gabi.“ Sabi nung isang matanda.

Tumango naman si tito at inilalayan niyang lumabas ang mga matatanda sa loob ng bahay nila habang si tita naman ay wala pa ring imik, hindi talaga niya matanggap na wala na si sammy.

Naramdaman ko ang nararamdaman ni tita, siguro napakahirap tanggapin pag nawalan ka ng anak.

Dapat kasi sila yung ililibing ng kanilang anak imbes na sila ang mag libing ng kanilang anak.

Pagkatapos nun ay unti unti na ring umuwi ang ibang mga nagsusugal sa bahay nila.

Habang lumilipas ang mga oras ay paunti ng paunti ang mga tao sa bahay nila sammy, hanggang sa mabilang nalang sa kamay ang natirang mga tao.

“Oy karra, mauna na kami sa inyo ha? May trabaho pa kasi kami bukas.“ Sabi ni JD.

“Okay sge, salamat sa pag punta.“ Sagot ko.

Ngumiti naman si eva at nagsalita.

“Ikaw na ang bahala kay tita at tito ha?“ Sabi niya at tinapik ang balikat ko.

Tumango lang ako tsaka sila nagsi-alisan.

Nagpaiwan ako sa bahay nila tita, at kaming apat nalang nila kuya Kenneth ang natitirang gising sa bahay nila. May tao pa naman sa labas, pero mga tulog.

Nilapitan ako ni kuya Kenneth at nagsalita siya.

“Karra, umuwi ka muna sa inyo, magpahinga ka muna. Tsaka ka nalang babalik ulit dito bukas para tumulong.“ Sabi ni kuya kenneth.

Well, ngumiti nalang ako dahil pagod na rin ako.

“Sge kuya ken, ikaw na ang bahala kay tita ha?“ Sabi ko.

Tumango naman siya kaya uuwi na ako sa bahay namin.

Agad na akong lumabas ng bahay nila at naglakad papunta sa bahay namin since magkatabi lang naman.

Pagkarating ko sa bahay namin ay agad akong nagpunta sa kwarto at nahiga, aakmang iidlip na sana ako nang biglang pumasok sa isip ko ang mukha ni tita.

Nakasout siya ng kulay puting daster na ipinagtataka ko, napakahaba rin ng buhok niya at nakaharang ito sa buo niyang mukha. Kaya imbes na matutulog ako ay agad akong napamulat ng mata at sa pag mulat ng aking mga mata ay biglang may malamig na hangin ang dumapo sa buo kong katawan at tumaas ang mga balahibo ko ng walang dahilan.

Ewan ko ba kung ano ang ibig sabihin nun, at dahil pagod nga ako ay agad kong pinikit ulit ang mga mata ko tsaka ako natulog.

Kinabukasan…

Nagising ako dahil sa ingay…

Kaya aakmang babangon na sana ako nang bigla kong napansin na may sisiw sa harap ko…

Dahil dun ay agad akong nagtaka…

Kaya aakmang tatayo na sana ako pero hindi ako makagalaw…

Tsaka ko lang napansin na kaya pala may sisiw sa ibabaw ko ay dahil may salamin rin sa harap ko….

At dito ko napagtantong nakahiga pala ako sa kabaong…

“O'panginoong hesu'kristo…” boses ng lalaki.

“Iligtas mo po ang kaluluwa ni karra sa mga masasama.“ Boses ng lalaking bakla…

Dahil dun ay nagsimula nang lumakas ang tibok ng dibdib ko tsaka ko nakita ang mukha nila mama, papa, at mukha ni sammy na natatawa habang nakatingin silang lahat sa'kin.

Sa sobrang takot ko ay pinagpupukpok ko yung salamin ngunit ayaw mabasag, napansin ko ring nakangiti si sammy at dito nga ay unti unting nagiging demonyo ang mukha niya kasabay ng pag tawa nila mama.

Dahil sa takot na nararamdaman ko ay agad akong napapikit ng mata at dito ko napansing tinapik tapik ako ng isang babae habang sumisigaw siya.

“Karra!! Karra!! Binangungut ka nanaman!!“ Boses babae.

Agad akong nagising at dali daling umupo tsaka ko tiningnan ang babaeng tumapik sakin.

“Karra!! Busog ka bang umuwi kagabi galing sa bahay nila samuel ha!? Bat ka natulog agad!“ Panermon pa niya.

Si mama pala…

Dahil dun ay agad akong napahinga ng maluwag.

“Hays panaginip lang pala…”

To be continue…

⚠️: Ops! Wag kalimutang mag COMMENT at VOTE bago aalis at paki FOLLOW na rin, maraming salamat!

SENYORITONG ANEL.

THE UNINVITED GUEST (Karra Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon