Dahil sa na diskobre ko ay agad na akong kinabahan at dali dali akong umalis.
Habang naglakad ako pabalik sa sapa ay nakita ko si karra na may tinititigan sa medyo hindi kalayuan, pero wala naman akong nakikitang kakaiba doon sa lugar kung saan siya nakatingin.
Kaya hindi ko nalang yun ininda, pero nawe-weirduhan ako sa kanya.
Nang makabalik na kami sa sapa ay naligo muna kami ni karra ng ilang minuto at pagkatapos nun ay naglakad na kami pabalik sa mga bahay namin.
Habang nag lalakad kami ay napansin kong parang may nakasunod samin ni karra, kaya habang naglalakad kami ay hindi ko maiwasang lumingon lingon sa paligid.
Hanggang sa malapit na kaming makalabas sa kakahuyan ni karra kaya medyo gumaan ang pakiramdam ko.
Ilang minutong paglalakad ay nakalabas na nga kami ni karra sa kakahuyan at agad naman kaming naglakad ng diretso papunta sa mga bahay namin, pero bago pa kami nakalayo sa kakahuyan ay tumingin muna ako sa likod namin.
At dito ko nakita yung maid na kakalabas palang rin niya sa kakahuyan.
Nang makita ko siya ay bigla akong nagtaka, diba nauna na siyang lumabas sa kakahuyan kanina pagkatapos niyang mailibing yung babae?
Dahil dun ay nagsimula na akong kabahan, parang napansin yata niya akong nakatingin sa kanya doon kanina sa kakahuyan habang nilibing niya yung babae.
Pero hindi ko pa rin yun ininda, nang makarating na ako sa bahay namin ay agad akong nag bihis at pagkatapos nun ay nagpunta ako sa sala dahil nandoon si mama nanonood ng palabas.
“Oh sam, di kaba babalik doon sa sabungan? Balita ko nangangailangan daw sila ng taga tali nung patalim sa paahan ng manok.“ Sabi ni mama.
Ngumiti lang ako at umupo ako sa tabi niya na ipinagtaka niya.
“May nangyare ba?“ Ika pa ni mama.
Tumango lang ako at dito nga ay inakbayan niya ako tsaka niya hinimas himas ang ulo ko.
“Sabihin mo sakin anak.“ Dagdag pa niya.
Si mama kasi ang takbuhan ko kapag may nangbubully sakin noong bata pa ako, pati na rin pag may kaaway, umaapi o problema at iba pa. Kaya nakasanayan na niya pag tatabi ako sa kanya ay authomatic may isusumbong o sasabihin ako sa kanya.
“Ma, ano ba sa tingin mo yung mga maid ni mang isko?“ Tanong ko.
Dahil dun ay nagtaka naman siya.
“Bakit, inaway ka ba ng isa sa mga maid ni mang isko?“ Tanong niya.
Umiling lang ako at sumagot.
“Kasi ma, kanina kasing mga banda alas nuwebe hanggang sa alas dyes(10) may napansin kasi akong dug0 sa palda niya. Tapos nagpunta siya sa gilid ng bahay nila mang isko na may dalang sako kaya sinundan ko, pagdating ko sa gilid ay nagulat nalang ako dahil may binuhat siyang babaeng wala nang buhay at tinakpan niya iyon ng sako sa mukha.“ Sabi ko.
Nang marinig ni mama ang kwento ko ay agad naman siyang nagulat at humarap sakin sabay hawak sa magkabila kong pesnge.
“Sigurado ka ba sa nakita mo sammy?“ Ika pa niya na parang kinabahan.
“Oo ma, kanina lang din habang naliligo kami ni karra sa sapa ay nakita ko rin siya doon sa kakahuyan na may nilibing, siguro yun yung babae sa gilid ng bahay nila mang isko.“ Sabi ko.
Agad namang kinabahan si mama sa narinig.
“Ganun ba anak, huwag mo muna itong ipagsasabi sa iba ha?“ Sabi niya.
“Bakit naman? Ayaw mo bang mag sumbong ako sa pulis?“ Tanong ko.
Mas lalong kinabahan si mama at tinakpan niya ang bibig ko na parang bata lang ako sa paningin niya.
“Basta samuel! itikom mo muna yang bibig mo maliwanag!?“ Sigaw niyang sabi.
Tumango naman ako at dito nga ay hinimas-himas niya ang ulo ko.
Pagkatapos nun ay agad na akong lumabas ng bahay at hindi nananghalian, normal na kasi samin ni karra na matagal kumain. Kaya dumiretso ako sa bahay nila eva, isa sa kaibigan namin ni karra.
Medyo mayaman kasi sila at taga rito lang rin sa baryo namin kaya sigurado ako na marami silang handa.
Nagpunta ako sa bahay nila at doon ako nakikikain, kasi sa mga oras na ito ay malamang kumakain rin si karra sa bahay nila.
Nang makarating na ako sa bahay nila eva ay agad naman akong pinapasok ni tita, kumain muna ako doon lalo na't napakarami ng handa nila.
Hanggang sa natapos na akong kumain at dito nga ay may isang babae ang nag abot sakin ng softdrinks.
“Kaano-ano mo si eva?“ Tanong ko sa kanya sabay kuha sa coke na binigay at uminom.
Sumagot naman yung babae.
“Just a friend of her, pero e-never mind mo nalang ako. Napadaan lang rin ako rito eh.“ Sabi niya at ngumiti.
Dahil dun ay agad naman akong nagtaka, ibang klase talaga tong mga kaibigan ni eva sa paaralan, sigurado ako na kaibigan ni eva yun sa college na pinasukan niya. Sa pananalita palang halatang mayaman na eh.
Ngumiti lang ako at dito nga ay bumalik na siya sa kusina kung saan nandoon ang mga pagkain, at ilang minuto lang ay nagulat nalang ako dahil bumalik siya sa harap ko at umupo siya sa tabi ko.
“Uhmm… i just wondering, how many years na ba kayong magkaibigan ni eva?“ Tanong niya.
Ngumiti ako at sumagot.
“Since bata pa kami.“ Sabi ko at nagpahinga, uupo muna ako ng ilang minuto.
“Ahh, so childhood friends?“ Ika pa niya.
Tumango naman ako at nagsalita.
“Kayo ba? Ilang taon na kayong magkaibigan ni eva?“ Tanong ko.
Ngumiti naman siya at inalok niya sakin ang isang baboy na parang hindi maayos ang pagkakaluto.
“Well, speaking of that…” sabi niya sabay subo ng baboy, kaya sumubo rin ako.
“I can't say that Eva and I are friends since she doesn't know me.“ Sabi niya at ngumiti.
Dahil dun ay bigla akong nagtaka, at nagsalita pa siya.
“She doesn't even know that I'm here at their house.“ Ika pa niya at tumitig sakin ng madiin.
“Hindi ko ba nasabi sayo kanina na napadaan lang ako sa bahay nila?“ Ika pa niya at ngumiti.
Dahil sa sinabi niya ay bigla akong kinabahan.
“Kung hindi ka kilala ni eva, paano kayo naging magkaibigan? Tsaka hindi ka pala niya inimbitahan dito pero nag punta ka?“ Tanong ko.
Agad naman siyang tumayo at nagsalita.
“Well, I am just an uninvited guest.“ Sabi niya at umalis na sa bahay nila eva.
To be continue…
⚠️: Ops! Wag kalimutang mag COMMENT at VOTE bago aalis at paki FOLLOW na rin, maraming salamat!
SENYORITONG ANEL.
BINABASA MO ANG
THE UNINVITED GUEST (Karra Series #1)
HorrorAng kwentong ito ay tungkol sa isang babaeng biniyayaan ng kakaibang talento na wala sa mga normal na tao. May mga nagpapakitang multo sa kanya na hindi malaman-laman ang totoong motibo o dahilan. Tara na't alamin natin ang buong storya sa nangyayar...