*SAMUEL's MAMA POV*
Anong oras na at hindi pa rin umuuwi si sammy at ang papa niya, ano kaya ang ginagawa ng dalawang batang yun? (Sammy, karra)
Habang nanonood ako ng palabas ay biglang pumasok si sammy sa bahay kaya agad akong nakampante, tumingin ako sa kanya at nagsalita.
“Oh, tapos na ba ang patimpalak?“ Tanong ko sabay lingon sa kanya.
Pag tingin ko sa mukha ni sammy ay dito na lumaki ang aking mga mata, sino yang babaeng kasama niya sa likod?
“Ma, bakit?“ Tanong ni sammy.
Hindi ko pinahalata na may nakita akong babae sa likod niya.
“Wala sam, matulog kana at malalim na ang gabi.“ Sabi ko at pinatay ang telebisyon, inantay ko lang na umuwi si samuel tsaka ako nagpunta sa kwarto namin ng papa niya.
At dahil wala pa ang papa niya ay medyo hindi ako mapalagay dahil ako lang ang mag isa rito sa kwarto.
Lumipas ang mga oras at nag alas tres na pero hindi pa rin ako makakatulog, kaya lumabas ako ng kwarto at titingnan ko sana ang mga bata pero pag labas ko ng kwarto ay hindi ko nakita si samuel sa sala kasama ng mga bata.
Dahil dun ay agad akong nagulat at dali daling nag panik, anong na kaya ang nangyare sa kanya? May nakita pa naman akong babae sa likod niya noong dumating na siya sa bahay.
Aakmang lalabas na sana ako ng bahay para hanapin si sammy pero napansin kong nakabukas ang ilaw ng banyo kaya nag punta ako ron.
“Sammy?“ Sabi ko.
Hindi siya sumagot, kaya nagsalita ulit ako.
“Sammy, nanjan ka ba?“ Tanong ko.
Hindi pa rin siya sumagot kaya pinasok ko na ang banyo dahil nag aalala ako sa anak ko.
Pero pag pasok ko sa banyo ay hindi ko lubos akalaing makikita ko si sammy na nakahandusay sa sahig at halos hindi na ito humihinga.
Dahil dun ay agad akong sumigaw, sakto lang na marinig ako ng kuya kenneth niya. Dahil hindi ko naman kayang buhatin si sammy.
Nang magising si kenneth ay dali dali siyang pumunta sa banyo at dito niya ako nakitang umiiyak habang yakap yakap ko ang bunso niyang kapatid.
“Ma! Ano ba yang ginagawa mo! Isugod na natin agad sa hospital si sammy!“ Dali daling sabi niya.
Agad naman akong umalis sa kakayakap kay sammy at dito nga ay binuhat ni kenneth si samuel at dali dali kaming lumabas at pumunta sa hospital.
Pero habang tumatakbo pa ang sinasakyan naming jeep ay nagsimula nang bumula ang bibig ni sammy, dahil dun ay hindi ko kayang tingnan na ganun ang nangyare sa anak ko kaya hindi ko magawang tumingin sa mukha niya.
Mga trenta(30) minuto lang ang nakalipas ay nakarating na nga kami sa hospital at dali dali naman kaming inalalayan nung nurse na sumalubong samin at yung isa pang nurse ay dali dali niyang tinawag ang doktor.
Nang makarating na ang doktor sa room ay agad naman nila kaming pinalabas ni kenneth at wala kaming ibang pagpipilian kundi ang mag hintay sa labas.
Lumipas ang limang minutong pag hihintay ay lumabas ang doktor sa room at nagsalita.
“Misis, ikanalulungkot ko pero bago pa kayo dumating sa hospital ay binawian na ng buhay ang pasyente.“ Sabi niya at nagsalita pa.
“Pagkarating ng pasyente dito ay gumamit kami ng cardiopulmonary resuscitation, huminto na kasi ang puso niya sa pagtibok kaya sinubukan naming gumamit ng electric shock at chest compression upang muling tumibok ang puso puso niya. Pero ayaw na talagang bumalik, ni-ckeck ko rin ang pag hinga niya bago namin nirevive at hindi na rin siya humihinga, kaya sinubukan naming tulungan ang paghinga niya gamit ang isang tubo sa baga Pero hindi na talaga naagapan.“ Pagpaliwanag pa nung doktor.
Dahil sa sinabi niya ay napatakip nalang ako ng bibig at nag paunahan sa pagtulo ang mga luha ko.
Si kenneth na ang nagpatuloy sa pakikipag usap sa doktor at mamaya ko nalang alamin kung ano ang cause of death ni sammy.
Lumayo ako ng kunti sa kanila at umupo ako sa upuan, maya maya lang ay natapos na silang mag usap at ang sabi ng anak kong si kenneth ay dadalhin nalang daw nila sa morgue si sammy. Tsaka ang sabi pa ni kenneth ay dahil daw sa hilaw na karne ang rason kung bakit nagka ganun si sammy, di daw kayang tunawin ng kanyang digestive system yung baboy, pero kung nginuya lang sana niya ng maayos yun ay malamang baka matunaw pa.
Lumipas ang ilang minuto ay dinala na nga sa morgue ang katawan ni sammy at doon ay pumasok kami sa loob, at pagkatapos mag sulat ng impormasyon yung doktor ay ni-make upan na niya si sammy tsaka niya kami pinalabas dahil dumating na yung mga puneraryang may dalang kabaong.
Pagkatapos nun ay tinawagan ni kenneth si karra para bantayan si kelly, ang naiwang bunsong kapatid nila sa bahay.
Lumipas pa ang ilang minuto ay nakarating na nga kami sa bahay namin, inasikaso nila kenneth at karra ang bangkay ni sammy.
Nang matapos na sila kanilang mga ginagawa ay nagpahinga muna sila hanggang sa lumipas pa ang ilang oras at naghapon na madilim na yung araw, habang nag lukuksa ako ay bigla kong napansin ang paa sa ilalim ng kabaong ni sammy.
Dito na ako nagtaka, kaninong paa yan? Tsaka wala namang nakatayo sa harap.
Dahil dun ay dahan dahan akong yumuko at tiningnan ko yung nasa ilalim ng kabaong ni sammy.
Pag tingin ko ay dito ko nakita ang isang babaeng nakangiti habang nakayuko, dahil dun ay agad akong napaatras at bigla nalang naglaho yung paa.
Di ko alam kung sasabihin ko ba ito kay Kenneth, kasi ang babaeng nagpakita sakin ngayon ay ang babaeng nakita ko sa likod ni sammy noong hindi pa siya patay.
Pagkatapos ng pangyayaring iyon ay mas lalong natatakot ako imbes na magluksa.
Lumipas pa ang ilang oras ay natapos na kami sa pagdasal sa unang araw ni sammy dito sa bahay bago ilibing sa sementeryo.
Nagsiuwian na silang lahat, pati na rin ang kaibigan nila karra at si karra mismo ay pinauwi na rin ni kenneth para makapagpahinga.
Naiwan kaming apat sa bahay namin, lumipas pa ang ilang oras ay sumapit na ang 12:02am ng hating gabi. Pinatulog ko muna sila Kenneth dahil ika nga nila, dapat daw may mag babantay sa kabaong ng patay. Yun ang pamahiin ng mga pilipino at nakasanayan.
Sumang ayon naman sila ng papa niya kaya ako nalang ang nag iisang nakamulat pa ang mata sa loob ng bahay.
Maya maya pa, habang nakaupo ako ay napansin kong may isang lalaki ang nakatingin sakin sa bintana. At base sa hitsura niya at tangkad ay magkaparehas sila ni sammy.
Dahil sa curiosity ko ay agad akong lumabas at nakita ko siyang naglakad papunta sa likuran ng bahay.
“Hello?“ Sabi ko.
Sumagot naman siya.
“Ma? Bakit?“ Sabi niya.
Nang marinig ko ang boses ni sammy ay bigla akong nagtungo sa likuran ng bahay at dalidali kong hinanap yung lalaki, nagbabakasakali akong makakausap ko ang kaluluwa ng anak ko pero pagdating ko sa likod ay sumalubong sa harap ko ang isang babaeng nakaputi habang nakangiti.
“S-sino ka!?“ Sigaw kong sabi.
Sumagot naman siya.
“Never mind me tita. I am just an uninvited guest.“ Sabi niya.
To be continue…
⚠️: Ops! Wag kalimutang mag COMMENT at VOTE bago aalis at paki FOLLOW na rin, maraming salamat!
SENYORITONG ANEL.
BINABASA MO ANG
THE UNINVITED GUEST (Karra Series #1)
HorrorAng kwentong ito ay tungkol sa isang babaeng biniyayaan ng kakaibang talento na wala sa mga normal na tao. May mga nagpapakitang multo sa kanya na hindi malaman-laman ang totoong motibo o dahilan. Tara na't alamin natin ang buong storya sa nangyayar...