CHAPTER 31

383 16 3
                                    

Aalis na sana kami ni bernard sa kagubatan pero biglang may humawak sa braso ko ng napakahigpit kaya napalingon ako sa likuran ko.

Pag lingon ko ay agad na lumaki ang aking mga mata nang makita ko si tito gregor na nakahawak sa braso ko.

“Ikaw na bata ka!“ Sabi niya at kinuha niya ako palayo kay bernard.

“Tito gregor! Ano yang ginagawa mo!“ Sigaw ni bernard sa gulat.

“Isa ka pa! Pwede bang huwag ka nalang makialam!?“ Ika pa ni tito gregor.

Hindi makasagot si bernard pero hindi rin niya ako maiwan -iwan, kaya agad akong kinaladkad ni tito papunta sa pinaka sulok ng kakahuyan habang si bernard ay nakasunod.

*BERNARD's POV*

Habang nakasunod ako sa kanila ay palihim kong dinukot ng celpon ko tsaka ko ni-mute amg volume at tinawagan ko yung pulis na tumulong samin.

“Bitawan mo ako tito!“ Sigaw ni karra at nagpupumiglas.

“Tumahimik ka! (Sabay hila sa braso ni karra palapit sa kanya) Huwag ka nang lumaban!“ Sabi ni tito gregor.

Habang sinagot nung mga taga pulis station ang tawag ay hinayaan ko muna iyon para marinig ng mga pulis ang mga ingay dito.

“Tito! Tumigil ka na! Para saan pa ba yang ginagawa mo!“ Sabi ko.

Tumingin naman sakin si tito at sumagot.

“Wala kang pakialam! Tsaka umalis ka nga! Wala akong kailangan sayo!“ Sagot niya.

Ilang minutong pagsasagutan ay agad kong pinatay ang tawag tsaka ko ino-ON yung location ko sa celpon para ma track nila ang device ko, hindi pwedeng malaman ni tito na nakipag cooperate ako ngayon sa pulis dahil malamang mas lalong magiging malala ang sitwasyon namin dito ngayon.

“Tito! Hinahanap ka na ng mga pulis kagabi pa! Kaya sumuko ka na!“ Sabi ko at nakasunod lang ako sa kanila.

Sumagot naman si tito habang nag lalakad.

“Lalaki ka diba? Dapat alam mo ang nararamdaman ko nung mga oras na iyon sa loob ng basement nila isko!“ Sabi ni tito.

“Oo! Naintindihan naman kita, pero sa maling paraan mo naman ginawa iyon!“ Sagot ko.

Nagalit naman siya sa sinabi ko.

“Anong gusto mong gawin ko!? Makikiusap? Bakit? Sa tingin mo papayag sila, ha!?“ Sagot ni tito.

Alam kong hindi, pero kailangan niyang mag pigil ng nararamdaman lalo na sa ganitong sitwasyon.

“Pero mali namang pilitin mo ang mga babae! Dapat pinag usapan yan ng maayos!“ Sabi ko at medyo lumulubog na ng kaunti ang tsenelas ko, palambot na ng palambot yung mga lupa.

Hindi sumagot si tito, maya maya pa ay nakarating kami sa isang malawak na lupa tsaka may bahay sa gilid. Kung hindi ako nagkakamali ay mag ikalawang palapag ito pero napakaluma ng style. Di ko alam kung Antique pa or abandonadong bahay ba ito o haunted house na.

Agad siyang pumasok sa loob kaya pumasok rin ako.

Pag pasok namin ay dito ko nakita ang maraming mga damit na pang babae, bra, panty, at iba pa. May mga litrato din sa sahig.

“Grabe! Napakalala mo!“ Sabi ko.

Kanina ko pa gustong suntukin si tito pero dahil sa sugat ko sa beywang na kagagawan niya ay mas pinili ko nalang na hindi pumalag. Dahil bukod sa malaki siya ay advantage rin sa kanya ang lugar, tsaka isang suntok lang niya sa beywang ko ay mayuyuko na ako sa sakit.

“Hindi mo kasi ako na-intindihan bata.“ Sabi niya at natawa tsaka nagsalita ulit.

“At salamat dahil sumunod ka, hindi na ako mahihirapan panghabulin o hanapin ka.“ Sabi niya at pinapaupo niya si karra sa gilid ng pader tsaka siya dumukot sa bulsa at kumuha ng lubid.

Tinalian niya ang magkabilang kamay ni karra tsaka siya lumapit sa isang sofa dahil nasa sala kami at may kinuha siyang isang mahabang itak.

“Teka!? Anong gagawin mo jan!?“ Sabi ni karra.

Ngumiti lang si tito at sumagot.

“May patatahimikin lang akong sagabal sa mga plano ko.“ Sabi niya at lumapit sakin.

“Teka tito, hindi dapat tayo umabot sa ganito!“ Kinabahan kong sabi, sobrang takot ng nararamdaman ko. Kailan ba darating yung mga pulis dito, tsaka naisip kaya nilang e track ang location ko?

“Anong pinagsasabi mo jan bata, syempre saksi ka sa ginawa ko kay karra at gagawin palang kaya aabot talaga tayo sa ganito.“ Sagot niya.

*KARRA's POV*

Dito na ba kami mamatay ni bernard? Ito na ba yung resulta sa nakita kong babala doon sa lamay nila sammy? Kasi kung hindi ako nagkakamali ay nakita ko siyang may saksak sa likod niya, tsaka ako naman ay may saksak sa puso.

“Tito please! Maawa ka! Wag mo nang dagdagan ang kaso mo!“ Sabi ko.

Yung nakita kung huling palatandaan na may saksak pami parehas ni bernard ay si tito pala ang gagawa non?

“Pasensya ka na lang karra, pero hinding hindi ako mahuhuli ng mga pulis. Kitang kita naman sa ibedensya dito sa loob ng bahay diba? Ang dami ko nang dinala rito pero kailan man ay hindi man lang ako nahuli o hinuli ng mga pulis.“ Sagot ni tito.

Dahil sa sinabi niya ay sumagot naman si bernard.

“Ganun ba, sge. Ipagpatuloy mo lang yang ginagawa mo. Dahil bilang nalang ang mga maliligayang araw mo rito, makukulong kana at pagbabayaran mo ang mga kasalanan mo.“ Sabi ni bernard.

Sumagot naman si tito.

“Hahaha, nakakatawa ka naman. Tinata—”

Tinigil ko na ang pakikinig ko sa kanilang dalawa, dahil habang nagsasalita si tito gregor ay may nakita akong isang babaeng naglalakad sa harapan namin ngayon na dala dala ang ulo ni tito gregor.

Di ko alam kung ano ang ibig sabihin nito.

Tsaka sino ang babaeng yan? Bakit ibang kaluluwa nanaman ang nakikita ko?

Habang nag palitan ng salita ang dalawang lalaki sa harap ko ay wala silang kaalam-alam na may isang masamang kaluluwa ang biglang lumitaw, at ako naman ay nakatitig lang sa kaluluwa.

Base sa awra niya ay talagang napakasama nito. Galit na galit, at gustong pumatay ng tao.

Pero saan siya galing?

Anong motibo niya?

Isa ba siya sa mga biktima ni tito gregor?

Bakit sakin siya nakatingin?

Bakit sakin siya lumalapit ngayon?

Anong gusto niya sakin?

Anong kailangan niya sakin?

To be continue…

⚠️: Ops! Wag kalimutang mag COMMENT at VOTE bago aalis at paki FOLLOW na rin, maraming salamat!

SENYORITONG ANEL...

THE UNINVITED GUEST (Karra Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon