Nakita ko si sammy na nakatayo sa medyo hindi kalayuan at nagulat nalang ako dahil putol ang isang paa niya sa kanan.
Nakatalikod lang siya sakin at hindi gumagalaw.
Dahil sa curiosity ko ay lalapitan ko sana pero biglang may isang maginaw na kamay ang dumapo sa balikat ko.
Bigla akong napatalon nagulat at tumingin sa likod.
“Karra! Nakita rin kita!“ Sabi ni sammy na natatawa at parang may balak na ihahagis ako sa ilog dahil sa pag tulak ko sa kanya kanina.
Nang makita ko siya sa likod ko ay dali dali akong tumingin pabalik sa harap, at sa pag lingon ko ay bigla nalang nawala yung isa pang sammy na walang paa sa kanan.
Medyo nagtataka na ako, kanina lang din ay nakita ko si sammy na bumubula ang bibig pero ngayon naman ay wala nang paa. Ano kaya ang ibig sabihin nito?
“Hoy karra! Ang sabi ko bumalik na tayo sa ilog!“ Sigaw niya. Oo nga pala, kanima pa nagsasalita si sammy pero hindi ako nakinig.
“H-ha? S-sge.“ Kunti kong sagot at inalis ko ang tingin ko sa harap, at dahil dun ay bigla siyang nagtaka.
“Ohh? Anong tinititigan mo dun?“ Sabi niya sabay tingin sa harap.
“Wala, hinanap lang kita.“ Sagot ko.
Agad naman niya akong kinatok sa ulo at nagsalita.
“Hello? Diba ako yung naghahanap sayo?“ Ika pa niya at tinarayan ako.
Ngumiti nalang ako at hinila ko siya pabalik sa ilog.
Pagkarating namin dun ay naligo muna kami ng ilang minuto at pagkatapos nun ay umahon na kami at bumalik sa kanya-kanya naming bahay para mag bihis.
Alas dose(12) ng tanghali nang makabalik ako sa amin at natapos nang magbihis, pumunta ako sa sala dahil nandoon lahat ng membro ng aming pamilya.
“Karra, kumain kana ng tanghalian. Nagluluto ako ng kunting manok dahil baka doon ka nanaman makikikain sa kapit bahay.“ Sabi ni mama.
Well, ganyan talaga ang style ko. Kasi tuwing hapon lang kasi siya nag hahanda eh.
“Ganun ba ma haha, sge po.“ Sagot ko at kumuha ng plato't kutsara, kunting kanin at dalawang hiwa ng manok tsaka ako tumabi at sumali sa usapan nilang lahat.
Sa gitna ng hapagkainan ay napag-usapan namin ang namayapang asawa si mang isko.
“Bali-balita raw ay namatay daw ang asawa ni mang isko?“ Tanong ni papa na kakarating lang sa bahay namin, dahil nasa ibang nasod naman siya nag tatrabaho. Umuwi lang dahil fiesta.
Sumagot naman si mama.
“Oo, nadatnan daw na bumubula ang bibig sa gilid ng bahay nila.“ Sabi ni mama.
Bigla akong nabilaukan sa narinig, dahil nakita ko rin si sammy sa gilid ng bahay nila mang isko na bumubula ang bibig.
“Kawawa naman pala.“ Sabi ni papa at nagsalita pa.
“Diba naputol na ang kabilang paa nun dahil sa diabetes?“ dagdag pang tanong ni papa.
“Oo, ilang taon na rin ang nakalipas. Paano ba naman kasi paminsan-minsan ka nalang uuwi rito sa bahay natin. Kung walang okasyon ay hindi ka pa magpapakita samin.“ Panermon pa ni mama.
Nang marinig ko ang usapan nila ay parang konektado lahat ng pinag usapan nila sa nakikita ko kay sammy. Ano kaya nag ibig sabihin nito?
Hindi ko nalang sila ininda at umasta lang ako na parang walang kakaiba sa araw ko.
Ilang minuto ang lumipas ay natapos na kaming kumain, kaya agad akong nagpunta sa kusina para maghugas ng pinggan.
Pagkatapos kong maghugas ng pinggan ay pinuntahan ako ni sammy sa bahay namin.
“Karra, hulaan mo kung sino ang naghahanap sayo.“ Sabi niya at may lalaki sa likod niya.
Agad akong napatawa at sumagot.
“Kailangan pa bang hulaan yan? (Sabay tingin sa lalaki) sa sobrang tangkad niya ay kitang kita ko na ang buo niyang mukha kahit nasa likod mo pa siya eh.“ Sabi ko.
Napasimangot naman si sammy at nagsalita si jake.
“Karra, humihingi ako ng pasensya pero hindi ako makakapagpatuloy sa pagiging prince mo mamayang gabi.“ Malungkot na sabi niya.
“H-ha? Bakit naman?“ Pagtataka kong tanong.
“May emergency eh, nagkasakit sa puso ang tiyuhin ko, kailangan kong puntahan sa hospital.“ Sabi niya.
Bigla akong nalungkot dahil kung hindi siya ang magiging prince ko, sino nalang pala? Tsaka ilang oras nalng at mag sisimula na.
“Ahh ganun ba, okay lang jake. Paki kamusta ako sa tiyuhin mo ha.“ Sabi ko.
Ngumiti lang si jake at agad ring umalis.
Agad naman kaming naghanap si sammy ng ibang lalaki sa baryo namin para maging partner ko, pero mas gusto pa nilang manood keysa sumali sa patimpalak.
“Paano na yan karra? Hindi pwedeng wala kang prince.“ Sabi ni sammy.
Napangiti nalang ako ng napipilian, sayang at hindi ako makakasali.
Lumipas ang ilang oras at nag hapon na, wala akong ibang choice kundi ang tumulong sa pag de-decorate ng mga kurtina at paglagay ng mga balloons na props sa stage, medyo nakakapag hinayang kasi dapat nasa likod na ako ng stage sa mga oras na'to at ni-make upan na ni sammy.
Habang nag lalagay ako ng mga balloons sa gilid-gilid ay nilapitan ako ng isang pang bakla at inutusang kumuha ng balloon sa likod dahil kulang. Kaya agad rin akong tumango at dali daling nagtungo sa likod.
Pagkarating ko don ay agad akong pumasok sa make up room at dito ko nakita ang iba't ibang magagandang babae na nakasout ng gown, medyo nakakainggit pero wala akong prince kaya wala akong magawa kundi ang tingnan nalang sila.
Habang naglalakad ako para magkuha ng balloons ay napahinto ako sa gitna dahil nakita ko si sammy na may ni-make-upan na babaeng nakasout ng white fitted gown na dapat ako ang nakasout.
Ngumiti nalang ako dahil kitang kita sa mukha ni sammy na nag e-enjoy siyang ni-make-upan yung babae. Kaya agad akong lumapit sa kanila.
“Oyy karra, anong ginawa mo dito?“ Tanong ni sammy.
“Wala lang (sabay tingin sa babae) wow! Ang ganda mo!“ Nakangiti kong sabi.
Ngumiti rin pabalik yung babae at sumagot si sammy.
“Syempre, ako ang nag make up eh.“ Sabi niya.
Natawa ulit yung babae habang nakatingin sa salamin, kaya sumagot ako.
“Oo na bakla, kahit hindi mo pa make-upan yan ay talaga namang maganda yang si jessa.“ Sabi ko.
Tinarayan naman ako ni sammy, at dahil kukuha pa ako ng balloon ay agad na akong tumalikod at naglakad.
Pero hindi ko naman alam kung saan nakalagay ang mga balloon, kaya agad akong bumalik at aakmang tatanungin ko sana si sammy kung saan nilagay ang mga balloons.
Pero pag tingin ko sa salamin ay bigla akong nagulat at kinabahan, natigilan akong maglakad nang nakita ko yung babaeng ni-make-upan ni sammy na walang ulo.
To be continue…
⚠️: Ops! Wag kalimutang mag COMMENT at VOTE bago aalis at paki FOLLOW na rin, maraming salamat!
SENYORITONG ANEL.
BINABASA MO ANG
THE UNINVITED GUEST (Karra Series #1)
HorrorAng kwentong ito ay tungkol sa isang babaeng biniyayaan ng kakaibang talento na wala sa mga normal na tao. May mga nagpapakitang multo sa kanya na hindi malaman-laman ang totoong motibo o dahilan. Tara na't alamin natin ang buong storya sa nangyayar...