CHAPTER 11

503 16 6
                                    

*SAMUEL's POV*

(Bago siya namatay)

Habang palapit sakin si karra ay alam ko na agad kung ano ang problema niya.

“Karra! Tinanghali ka nanaman ng gising!“ Sabi ko.

Napasimangot naman siya at ngumiti rin kalaunan.

“Alas nuwebe palang sammy eh, tsaka bakit wala pa yung stage?“ Ika pa niya.

Ngumiti lang ako at sumagot.

“Ayy! Excited ang pig?“ Sabi ko.

“Nga'pala, anong handa nyo sam? Baka may baboy o manok kayo jan, pahingi naman.“ Sabi niya.

Natawa lang ako at sumagot.

“Hay nako karra, makuntento kana sa pansit. Alam kong pansit nanaman ang unang niluto ng mama mo at sa hapon na yung mga baboy at manok para umabot hanggang gabi ang handa nyo.“ Sabi ko.

Napanguso nalang siya ng bibig, at aakmang uuwi na sana siya para kumain ng umagahan pero bigla akong nagsalita.

“May alam ako kung saan makakakain tayo ng masarap karra!“ Sabi ko.

“Saan naman?“ Ika pa niya.

“Doon sa bahay nila mang isko, may kainan dun dahil ngayon ililibing ang asawa niya.“ Sabi ko.

“Grabe naman, nakakaawa na nga yung tao tapos pupunta lang tayo dun para makikikain? Wala ka namang konsensya.“ Sabi pa niya.

Agad ko maman siyang sinapak sa ulo.

“Aba! Gusto ko bang kumain ng masarap na ulam o hindi!?“ at kinaladkad ko si karra papunta sa bahay nila mang isko.

Pagkarating namin dun ay wala na yung kabaong ng asawa niya, at nakita rin namin yung mga trabahante ng bahay nila na nag aasikaso sa mga tao.

Pero parang kakaiba ang kinikilos nung maid nila, tsaka napansin kong may kakaiba sa damit na sout niya. Para itong may dugo sa palda. Kaya hindi ko nalang yun ininda dahil makikikain lang naman kami.

“Kita mo yan? Marami din ang naiwan at hindi sumama sa patay.“ Ika ko pa.

“Baka ang ibig mong sabihin ay hindi umassist? Wala namang tao ang gustong sumama sa patay.“ Sagot niya..

“Arrgg! Basta! Parehas lang din ng ibig sabihin yun, tara na! Maubusan pa tayo ng porkchop eh.“ Sabi ko at kahit alam kung may kakaiba sa kanya ay hindi ko ito ininda at nagkunwari lang ako na hindi nag dududa.

Pagkarating namin sa harap ng mga pagkain ay sinalubong kami ng maid.

“Hello po, paki sabi nalang kay mang isko na nakikiray kami. Medyo nalungkot ako sa pagkawala ng asawa niya lalo na't suki ko yun pagdating sa isda.“ Sabi ko habang nakangiti, ano kaya ang dahilan kung bakit may dugo sa palda niya?

“Oo naman, nga'pala kumain na muna kayo dito.“ Sabi nung maid at inabutan kami ng paper plate at plastic na kutsara't tinidor.

“Actually nandito lang kami para makikiramay, pero pagdating namin rito ay wala na sila.“ Sabi ko pa.

Pero imbes na sagutin niya ang tanong ko ay inabutan niya ako ng pansit kaya pinasa ko kay karra dahil ayaw niya ng pansit, im sure na tatanggihan yan ni karra.

Kakaiba kasi ang awra ng maid at nagdududa pa ako sa sout niya.

“A'ehh… Gugustuhin ko man pero diet kasi ako eh.“ Pagpalusot pa ni karra at ang dami pa niyang sinabi

Ngumiti lang yung maid at binalik yung lalagyan ng pansit sa lamesa at nagsalita.

“Ikaw talaga karra, ang ganda ng katawan mo. Paano mo yan napapanatili?“ Sabi niya.

“Exercise lang ho, tsaka kung kaya mo namang lakarin ang pupuntahan mo, maglakad ka nalang.“ Sagot pa ni karra.

At dito nga ay humanap ako ng mauupuan namin, gustuhin pa mang magsalita nung maid pero agad na akong umalis. Kakaiba talaga ang maid na yun.

“Grabe ka bakla, diba tapos kanang kumain? Bakit ang dami mo pa ring kinuhang ulam?“ sabi niya.

Hindi ko sinagot si karra dahil nakafucos ang pag iisip ko sa maid kanina.

Habang nag iisip ako ay hindi talaga ako mapakali, at hindi ko namalayang natapos na pala ako sa pag kain kaya nagpaalam akong mauna na kay karra.

Tumango naman siya kaya agad na akong tumayo at naglakad, tumingin ako sa maid at nagulat nalang ako dahil may dala siyang puting sako.

Papunta siya sa gilid ng bahay kaya sinundan ko.
♥️
Pagkarating ko sa gilid ay nakita ko siyang may may binuhat na babae, kaya agad ko itong tinitigan sa mukha.

Base sa mukha ng babae, parang baguhan palang siya sa bahay nila mang isko.

Habang binuhat niya ang babae ay bigla niya itong nilagay sa lupa at kinuha ang puting sako tsaka niya tinabunan ang mukha nung babae.

Ewan ko ba, pero parang kakaiba ang pakiramdam ko rito, pagkatapos nun ay hindi ko na pinapatuloy ang pagmamasid at agad na akong lumayo sa bahay nila mang isko.

Napaka creepy ng bahay na'yun, pagkatapos ay nagtungo ako sa bakanteng lote dahin may sabungang magaganap dun. Tumulong akong maglagay ng mga bakal na harang at ang kapalit nun ay pera.

Pagkatapos kong tumulong ay naligo kami ni karra sa ilog, actually sa sapa sana pero may ilog naman sa gilid kaya doon kami naligo.

Habang naliligo kami ay bigla niya akong tinulak, dahilan para mahulog ako sa tubig tsaka siya tumakbo palayo.

Kaya hinabol ko siya at hinanap, pumasok ako sa kakahuyan at aakmang hahanapin ko sana siya. Pero nakuha ang atensyon ko sa isang babaeng nakaupo sa medyo hindi kalayuan, kaya pinuntahan ko iyon.

Nang makalapit na ako ng kunti ay tsaka ko lang napagtantong isa ito sa maid ni mang isko, at kung hindi ako nagkakamali ay siya yung maid na may dugo sa palda.

Kaya pinanoon ko ng mabuti ang ginawa niya.

Naghukay siya sa lupa at doon nga ay tumayo, naglakad siya ng ilang hakbang at huminto. Yumuko at may kinuha sa lupa.

I wonder kung ano iyon kaya tiningnan ko pa.

Ilang segundo lang ay nakita kong binuhat niya yung babaeng may takip na sako sa ulo tsaka niya nilibing doon sa hinukay niyang lupa.

Nang makita ko yun ay agad na lumaki ang mga mata ko, ano ba talaga ng meron sa maid na yan? Siya pa ang pumatay sa babaeng nilibing niya?

Pagkatapos nun ay tsaka lang niya tinabunan ng lupa yung bangkay at kalaunan ay umalis na siya sa kakahuyan.

Dahil sa na diskobrehan ko ay agad na akong kinabahan at dali dali akong umalis.

Habang naglakad ako pabalik sa sapa ay nakita ko si karra na may tinititigan sa medyo hindi kalayuan, pero wala naman akong nakikitang kakaiba sa lugar kung saan siya nakatingin.

To be continue…

⚠️: Ops! Wag kalimutang mag COMMENT at VOTE bago aalis at paki FOLLOW na rin, maraming salamat!

SENYORITONG ANEL.

THE UNINVITED GUEST (Karra Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon