CHAPTER 19

456 18 6
                                    

Pagkatapos kong maipacheck up si bernard ay agad na kaming nagtungo sa sinasabi nung matanda, doon sa likod ng kakahuyan. Medyo malayo nga dahil napakahaba ng kagubatan.

Habang nakasakay kami ng jeep ni Bernard ay mas pinabuti na naming hindi mag usap dahil baka pagtatawanan lang kami ng mga tao.

Lumipas ang trenta minuto ay nakarating na nga kami sa pinakatuktok ng kagubatan, kaso kailangan pang lakarin ang kubo doon dahil nasa medyo hindi kalayuan yata ang kubo ni ka-berting at hindi na aabot doon ang sasakyan ng jeep.

Habang naglalakad kami ni bernard ay hindi ako mapakali, buti nalang talaga at umaga kami pinapapunta nung matanda. Kasi pag gabi pa ito ay malamang baka sa takot pa kami mabawian ng buhay.

Ilang minutong paglalakad ay nakarating na nga kami sa mga kubo doon, ang akala ko ay nag iisa lang siya. Hindi pala. Marami pala sila dito at baryo pala ito.

Agad kaming lumapit sa pinakaunang kubo, kumatok kami sa pintuan.

"Tao po." Sabi ni bernard.

Bigla namang lumabas ang isang matandang babae at nakakatakot siya tingnan.

"Anong kailngan?" Sabi niya.

Hinarap naman ni bernard at nag tanong.

"Uhm.. magandang hapon, saan po ang bahay ni ka-berting?" Tanong niya.

Nang marinig nung matanda ang sinabi ni Bernard ay agad na lumaki ang kanyang mga mata.

"Mukhang napakaseryoso ng problema ninyo mga bata." Sabi niya at lumabas ng bahay at nagsalita.

"Nakita nyo ang pang pito na kubo? (Sabay turo) Jan siya nakatira." Sabi niya.

Ngumiti naman kami at nagpasalamat.

Agad na naming pinuntahan ang pang pitong kubo, habang nag lalakad kami ay pinag titinginan kami ng mga tao doon, pero medyo kakaiba ang mga pamamaraan ng pananamit nila.

Halos lahat yata sila ay nakabahag pati na yung mga batang naglalaro sa labas, may mga kwentas pa silang mga nag sisimbolo sa mga mata, pangil, at kung ano ano pa. Yung mga pulseras nila sa kamay ay marami at may mga pangil rin at ang singsing ay parang gawa sa dahon ng niyog.

"Anong klaseng lugar to?" Sabi ni bernard.

"Nakakatakot naman silang lahat." Dagdag pa niya.

Hindi ako sumagot at nagpatuloy lang kami sa pag lalakad.

Nang makarating na kami sa pang pitong kubo ay aakmang kakatukin sana ni bernard ang pinto pero biglang may isang matandang lalaki ang nagsalita sa loob ng kubo.

"Pumasok na kayo, bukas ang pintuan." Sabi niya.

Dahil dun ay hindi na tinuloy ni bernard ang pag katok at agad na binuksan ni bernard ang pintuan.

Agad kaming pumasok at sa pag pasok palang namin ay dito ko nakita ang isang mata ng hayop na nakalagay sa isang garapon, may mga buntot ng pagi at mga kakaibang herbal, may mga gayuma rin na nakalagay sa mga gilid-gilid. May isang buong ulo pa ng kambing ang nakalagay sa pader at mga iba't ibang klase ng mga balat ng ahas ang mga nakalambitin sa kisame.

"Maupo kayo sa sahig." Sabi niya.

Umupo naman kami sa sahig at naupo rin siya habang nakaharap.

"Mabuti at na usog ka kaagad ni Mariposa binata." Sabi ni ka-berting.

Ngumiti lang si bernard at nagsalita pa si ka-berting.

"Ikaw pala ang napasahan ng aparisyon iha." Sabi niya.

Dahil dun ay tumango ako na ipinagtaka naman ni bernard.

"Walang duda, kaya ka binabantayan ni mariposa." Ika pa niya at kinuha ang palad ko.

Hinawakan niya at nilagay niya ang kanyang palad sa palad ko tsaka siya tumingin sa itaas at pumikit.

Ilang segundo lang ang lumipas ay tsaka lang siya nagsalita.

"Tatlo." Sabi niya.

"Ha?" Ika pa ni bernard.

Nagsalita ulit si ka-berting.

"Tatlo silang lahat, at ang isa nito ay buhay pa." Sabi niya.

Dahil dun ay hindi ko siya maintindihan, kanina lang ay sinabi pa ni lola na dalawa. Pero ngayon ay tatlo na.

"Ano po ang ibig mong sabihin?" Sabi ko.

Binitawan niya ang palad ko at nagsalita.

"Tatlo silang magkakapatid, ang una ay namatay dahil hinulog sa tulay. Ang pangalawa ay pinatay sa kagubatan at ang pangatlo ay ang naghihigante para sa kanyang dalawang kapatid." Sabi ni ka-berting.

Dahil dun ay bigla akong kinabahan.

"Anong konek nun sa'akin? Tsaka bakit nila pinatay ang kaibigan ko at ang mama niya?" Tanong ko.

Tumitig siya sa mga mata ko at nagsalita.

"Yan ang hindi ko masasabi sayo." Sagot niya.

Dahil dun ay agad akong napatahimik.

"Anong konek nun kay karra?" Sabi ni bernard.

Sumagot naman si ka-berting.

"Ang batang iyan (sabay tingin sakin) nabuksan niya ang kanyang kakayahang makakakita ng mga masasamang kaluluwa." Sabi niya.

Agad naman akong nagtanong.

"So, ibig bang sabihin nito ay mga masasamang kaluluwa lang ang kaya kong makita?" Sabi ko.

Tumango lang si ka-berting at dito ko na naintindihan kung bakit nahihirapan yung babaeng multo na magpapakita sakin, dahil pala yun dito sa kakayahan ko.

Tsaka kung magpapakita naman siya sakin sa panaginip ay hindi kami magka-usap ng maayos. Buti nalang at nagawan niya ng paraang magpakita sakin sa lamay nila tita.

"Ano ang dapat naming gawin?" Tanong ni bernard.

"Tulungan nyo silang makamit ang hustisya." Sabi ka-berting.

"Kung ganon, saan namin sila mahahanap?" Tanong ko.

Tumayo si ka-berting at tumalikod.

"Wala kayong hahanapin, sila ang maghahanap sa inyo." Sabi niya at nagpunta ng kwarto tsaka nagsalita.

"Pwede na kayong umalis, magpapahinga na ako." Ika pa niya.

Dahil sa sinabi ni ka-berting ay marami kaming nalalaman ni bernard.

Agad na kaming tumayo at naglakad palabas, walang duda, totoo nga ang sinabi ni ka-berting na sila ang maghahanap samin dahil hindi naman magiging ganito ang buhay ko kung hindi nila ako dinidisturbo.

Pero, sabihin nalang nating nahanap nga ako ng dalawang multo. Pero paano naman ako mahahanap ng kapatid nilang buhay pa? Yan ang malaking tanong.

Agad na kaming umalis ni bernard sa baryo nila at sumakay kami ng jeep pauwi, siguro kung mag papakita pa samin yung babaeng nagpapakain kay bernard ng hilaw na karne ay may chansa pang malalaman namin kung saan nakatira ang buhay pa niyang kapatid since nakita na namin ang mukha niya.

Pagkarating namin sa bahay nila sammy ay doon muna kami nagpahinga hanggang sa lumipas ang ilang oras at palubog na ang sikat ng araw.

Habang abala ako sa pag bibigay ng mga chichirya ay biglang nagpakita nanaman yung matandang babae.

Ano nanaman kaya ang gustong sabihin nito sakin?

To be continue...

⚠️: Ops! Wag kalimutang mag COMMENT at VOTE bago aalis at paki FOLLOW na rin, maraming salamat!

SENYORITONG ANEL.

THE UNINVITED GUEST (Karra Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon