“Kaya kung makikisali kayo sa away namin na sinimulan ng dalawang abusadong lalaking yun ay parang binigyan nyo na rin ako ng dahilan para patayin ko kayong dalawa.“ Ika pa ni marikit.
Nang marinig ko ang kwento ni marikit ay hindi ko alam kung sino ang kakampihan ko, parehas silang nakagawa ng masama.
Sabihin nalang nating si marikit ang gumawa ng pag patay pero si tala ang nag libing, ibig sabihin may fingerprints ni tala sa patay. Parang si marikit lang rin ang dahilan kung bakit makukulong si tala, dahil iyon sa desisyon niyang bulok na inutusan si tala na mag libing sa pinatay niya.
Huminga ako ng maluwag at nagsalita.
“Anong kinalaman ni bernard at bakit mo siya gustong patayin aber?“ Ika ko pa.
Sumagot naman siya.
“Kasi nakikisali siya, napansin mo namang hindi ko ginalaw ang pamilya mo. Kasi wala ka namang kinuhang buhay samin.“ Sabi pa niya.
Sumagot naman si bernard.
“So ibig sabihin, pag hindi ako nakikialam. Maliligtas ako?“ sabi niya.
Tumango si marikit kaya agad namang nabuhayan si bernard at nagsalita.
“Kung ganon, edi sige. Goodluck nalang sayo karra.“ Sabi niya sabay tingin sakin.
Agad ko naman siyang binatukan sa noo.
“Nandito ka na kaya tulungan mo nalang akong malutas ito okay?“ Sabi ko.
Nagsalita naman si marikit.
“Siguraduhin mo lang na walang mangyareng masama kay tala karra, or else. Pagsisihan mo ito.“ Pagbigay pa niya ng babala at nagsalita pa.
“Patay na ako karra, hindi na ako mamamatay ulit. Tapos ikaw, pwede kapang mamamatay. Kaya ayusin mo yang desisyon mo.“ Ika pa niya.
Base sa tuno at pananalita niya ay parang tinatakot niya ako, pero hindi ko maipapangako na hindi makukulong si tala. Kasi nandon ang fingerprints niya sa bangkay eh.
Pagkatapos ng pag uusap na iyon ay agad na naglaho si marikit, kaya nagtanong ako kay ka-berting.
“Si ligaya po? Nandito ba siya sa paligid?“ Tanong ko.
Sumagot naman siya.
“Wala na yata iha, nagkamali ako kanina. Ang akala ko ay yung mabuting kaluluwa ang nakasunod sayo, hindi pala.“ Sabi niya.
Ngumiti nalang ako, yung maid palang nagpapakain sa amin ni sammy doon sa bahay ni mang isko ay si tala pala yun.
Pero kung hindi si tala ang nagpakain ng hilaw na karne kay sammy, sino naman? E'si tala yung nandoon sa harapan habang nakikipag usap samin.
Siguro si tala ang nag-aasikaso sa mga bisita pero si marikit yung naglagay ng hilaw na karne? Pero imposible naman, kasi marami namang kumakaing tao doon. Ibig sabihin makakain rin nila ang hilaw na karne.
Ang daming pumapasok sa isip ko, maliban sa bahay nila mang isko, may posibilidad pa kayang may pinuntahang ibang bahay si sammy at doon siya nakakain ng hilaw na karne?
Parang sasabog na ang utak ko sa pag iisip, kaya hindi ko nalang ininda yun. Tumingin ako sa celpon ko at saktong nag alas 7:01pm na.
“Kung wala na kayong kailangan ay pwede na kayong umalis.“ Sabi ni ka-berting.
Nagpasalamat naman kami ni bernard dahil sa tulong ni ka-berting, agad na kaming tumayo at umalis. Hindi na kami sinamahan ni lola mariposa sa daan dahil alam na namin kung saan banda kami dapat mag 'tabi-tabi po'.
Pagkauwi namin ni bernard ay napanatag na ang loob ko, wala na palang kailangan si marikit dito sa mundo pero hindi siya makakaalis dahil sa kapatid niyang si ligaya.
Pinauwi ko na si bernard sa bahay nila since nakausap na niya ang multong killer, tsaka umuwi na din ako para kumain ng dinner.
Pagkatapos kung kumain ng dinner ay agad akong bumalik sa bahay nila sammy at tumulong ako sa pagbibigay ng mga chichirya.
Madami na ang tao at saktong sinimulan na ang pangalawang gabi na panalangin bago ilibing si sammy sa sementeryo.
Nakita kong nagluluksa si kuya kenneth, tsaka tiningnan ko sa harap, sa gilid-gilid, pero wala ang papa nila kuya ken.
Habang nagsasalita ang mga matatanda sa harap ay napaisip ako, di ko kasi lubos maisip na magagawa pala yun ni tito gregor. Tsaka malapit pala silang dalawa ni mang isko sa isa't isa.
Pero sa kabilang banda, naintindihan ko naman ang rason ni ligaya kung bakit niya ipakulong si tala eh. Kahit ano pang sabihin ng tao, kapag sinabing kasabwat sa gumawa ng krimen ay maituturing pa rin na killer at nagkasala sila sa batas. At kapag ang tao ay nagkasala sa batas, natural lang na ikulong.
Habang nag iisip ako ay biglang nasilayan ng aking mga mata ang isang babaeng nakaputi doon sa pinakagilid ng bahay, kaya agad akong naglakad papunta sa kanya at nagbabakasakaling si ligaya iyon.
Nang makalapit na ako sa kanya ay biglang may kumalabit sa balikat ko kaya napatingin ako sa kanya.
“Oh kamusta? Ano na ang plano mo?“ Tanong niya sakin.
Si bernard lang pala, kaya sumagot ako.
“Siguro kakausapin ko muna si tala bukas, pumasok kasi siya bilang isang kasambahay nila mang isko kaya pupuntahan ko siya bukas.“ Sabi ko.
Agad namang nilapit ni bernard ang mukha niya sa teynga ko at bumulong.
“Ipapakulong mo ba si mang isko at tito gregor?“ Mahina niyang sabi.
Nabigla naman ako sa tanong ni Bernard, kung ipapakulong ko silang dalawa, kailangan pa kasi yun ng ebidensya. Saan naman ako hahanap nun?
“Di ko alam bernard, basta kakausapin ko nalang muna si tala bukas.“ Sagot ko.
Tumango nalang si bernard at hindi na nagsalita, dahil dun ay dahan dahan siyang umikot para sana bumalik sa harap ng bahay pero nagulat nalang ako nang makita kong may isang kutsilyo sa likuran niya na naka-taob at preskong presko pa yung mga dugong nagsilabasan.
Dahil dun ay agad akong napaatras, pinikit ko ang mga mata ko tsaka ko ito hinimas-himas at tiningnan ko ulit si bernard. Pero wala na siya sa harap ko.
Dahil sa pang yayaring iyon ay agad kong nilingon yung babaeng nakaputi kanina pero wala na rin siya.
Di ko alam kung anong ibig sabihin nito, baka isa nanaman itong palatandaan na mamamatay si bernard.
Agad kong kinuha ang celpon ko at tinawagan si bernard, pero hindi niya ito sinasagot.
“Ano ba bernard, sagutin mo please!“ Sabi ko habang dinadial ulit ang number niya.
Pero hindi talaga niya ito sinasagot.
Napahawak nalang ako sa noo ko at nagsimula na akong kabahan, aakmang papasok na sana ako sa loob ng bahay pero bigla kong nakita ang sarili ko na wala nang mga mata at nakatayo sa harap ng pintuan habang may saksak sa puso.
To be continue…
⚠️: Ops! Wag kalimutang mag COMMENT at VOTE bago aalis at paki FOLLOW na rin, maraming salamat!
SENYORITONG ANEL.
BINABASA MO ANG
THE UNINVITED GUEST (Karra Series #1)
HorrorAng kwentong ito ay tungkol sa isang babaeng biniyayaan ng kakaibang talento na wala sa mga normal na tao. May mga nagpapakitang multo sa kanya na hindi malaman-laman ang totoong motibo o dahilan. Tara na't alamin natin ang buong storya sa nangyayar...