CHAPTER 16

483 19 8
                                    

*KARRA's POV*

Nang malaman kong patay na rin si tita ay bigla akong napatakip ng bibig habang nagsiunahan yung mga luha ko sa pag patak.

Tsaka napansin kong nasa likod ni kuya ken si bernard.

“Cheer up karra at condolence ken.“ Sabi niya at hinimas himas ni bernard ang mga likod namin.

Tanging si bernard lang ang masasandalan namin sa mga oras na ito, at para makasigurado na okay lang ang papa ni kelly ay mas piniling puntahan ni kuya ken ang papa niya. Hindi na niya kayang may mawala pa sa pamilya niya.

Habang umiiyak ako ay bigla kong nakita ang isang matanda na nakatayo sa medyo hindi kalayuan, kaya agad ko siyang pinuntahan na ipinagtaka ni bernard.

Agad naman niya akong sinamahan at pagkalapit ko sa matanda ay agad siyang nagsalita.

“Iho umalis ka. Huwag mong idamay ang sarili mo dito, baka masali kapa sa kamalasang dulot ng tinataglay ng batang yan.“ Sabi nung matanda at tinuro niya ako.

“H-ha?… Malas?“ Sabi ni bernard.

Tumango naman yung matanda tsaka ako nagsalita.

“Paanong nagiging malas ako lola?“ Sabi ko.

Sumagot naman siya.

“Mabuti at hindi mo na ako tinatawag na manang, pero ang kakayahan mong makakakita ng mga kaluluwa ay syang nagdala sayo ng kamalasan sa buhay ng mga taong malapit sayo.“ Sabi niya.

Hindi ko siya maintindihan.

“Anong ba ang tinataglay ni karra lola?“ Tanong ni bernard.

“Aparisyon.“ Kunti niyang sagot.

“Aparisyon?“ Ika pa ni bernard na may halong pagtataka.

“Oo, ang makakakita ng mga kaluluwang nag iibang anyo. Mas masahol pa yan sa ikatlong mata, dahil ang kakayahang makakakita ng mga hindi matatahimik na kaluluwa ay syang dahilan kung bakit maraming tao ang nasa mental ngayon at nasiraan na ng bait.“ Sabi ni lola.

Bigla akong kinabahan sa sinabi niya, kaya nagtanong ako tungkol sa babaeng nagpapakita sakin sa panaginip. Pero ang sabi niya ay kung ano raw ang binibigkas ng kanyang labi ay dapat maisakatuparan daw iyon para manahimik na siya.

“Bakit, ano bang binibigkas nung babaeng nasa panaginip mo karra?“ Tanong ni bernard.

“Tulong.“ Kunti kong sabi.

“Humihingi siya ng tulong.” dagdag ko pa.

“Tulong? Tungkol saan naman?“ Tanong ni bernard.

“Ewan, dalawang beses palang nagpapakita yung babae sakin sa panaginip eh.“ Sagot ko.

Nagsalita naman yung matanda.

“Gawan mo yan ng paraan iha, dahil kapag mas matagal matapos ang pinapagawa niya sayo ay mas lalong maraming buhay ang mawawala.“ Ika pa ng matanda.

Kinabahan ako sa sinabi ni lola, kaya nagsalita ako.

“Teka nga lola, sino ka ba?“ Tanong ko.

Timitig siya sakin at nagsalita.

“Isa ako sa mga hindi imbitadong mga bisita, kaso ang ipinagkaiba ko lang sa kanila ay hindi ako papasok sa mga bahay-bahay, hindi kagaya ng multong gumagawa nun sa pamilya ng kaibigan mo.“ Sabi niya.

Biglang lumaki ang aking mga mata.

“Ibig mo bang sabihin, hindi namatay si sammy dahil sa karne? At hindi rin namatay si tita dahil sa depresyon?“ Tanong ko.

Sumagot naman yung lola.

“Bakit, naniniwala kabang hindi multo ang gumagawa nun sa kabila ng iyong mga nakikitang palatadaan?“ Tanong ng matanda.

Mas lalong tumibok ang puso ko sa sinabi niya.

“Teka nga! Wala akong naintindihan!“ Sabi ni bernard at humarap sakin.

“Ibig bang sabihin, nakakakita ka ng palatandaan bago mamatay ang isang tao?“ Tanong niya.

Tumango lang ako at hindi umimik.

Dahil dun ay bigla niya akong sinigawan.

“Bakit hindi ka gumawa ng aksyon agad karra!“ Pasigaw niyang sabi.

Sumagot naman ako.

“Hindi ko naman alam na mamamatay agad si tita eh, kasi napakaraming beses na ang dumaang palatandaan ang nakikita ko bago mamatay si sammy.“ Sagot ko at umiyak.

Dahil dun ay kumalma si bernard at niyakap niya ako.

“Okay, sorry. Di ko sinadyang masigawan ka.“ Ika pa niya.

Tumango lang ako at sumagot.

“Tsaka hindi ko naman alam na palatandaan yun, kasi hindi ako naniniwala sa una.“ Sabi ko at pinunasan ko ang mukha ko.

“Sino ba naman ang maniniwala sa ganitong kakayahan diba? Parang kalokohan lang.“ Ika ko pa.

Hinimas himas ni bernard ang buhok ko tsaka siya nagsalita.

“Okay tahan na, tutulungan kitang malutas ang problemang to.“ Sabi niya.

Nagsalita naman ang matanda.

“Handa ka na bang madamay iho?“ Ika pa niya.

Tumingin si bernard sa mata ng matanda at tumango.

“Kung ganon, nawa'y pagpalain sana kayong dalawa. Sana sumasainyo ang swerte.“ Ika pa niya at umalis na.

Hindi na namin hinabol pa si lola, dahil parang ang alam lang niya ay isa itong palatandaan pero hindi niya alam kung paano ko makikita ulit yung babae.

Agad na kaming bumalik ni bernard sa bahay nila sammy, naupo kami sa upuan habang nanonood ng mga nag baraha.

Masaya naman ang lahat, walang nagpapakita at wala ring palatandaan.

Maya maya pa ay sumali si bernard sa tong its at lumipas pa ang ilang minuto ay naging abala na siya sa kakabawi ng perang nawala niya, kaya tawa ako ng tawa.

“Animal na yan, nandaya siguro kayo!“ Sabi niya.

Nagtawanan lang yung mga kalaro niya sa bahara at sa tingin ko ay nasa mga 80 pesos na yung talo niya, kaya napatapik nalang ako sa ulo ko.

“Napakahilig sumugal ng lalaking to.“ Sabi ko sa isip.

I mean dati pa namang sugarol ang lalaking yan, mahilig nga'yan gumamble eh.

Habang masaya akong nanonood sa laro nila ay si bernard naman ay halos mauubos na yung pera niya, hindi ko namalayan na nandito na pala sa gilid ko si kuya kenneth at inutusan niya akong mag bigay ng mga chichirya.

Agad naman akong tumayo at nagpunta sa kusina, dito ko nakita ang isa pa naming kapitbahay na tumulong mag luto ng mga chichirya, medyo dumami na kasi yung mga tao at kailangan may mag lalaro sa harapan para may perang maaabuloy yung mga palaging nanalo.

Lumapit ako sa ale at kinuha ko ang mga naluto na tsaka ako lumabas at inuna kong bigyan yung mga lamesang may malaking pusta, pagkatapos nun ay dumiretso na ako sa lamesa nila bernard para sana bigyan ko sila ng chichirya.

Pero pag dating ko sa lamesa nila ay napansin kong medyo kakaiba ang awra ng mga manlalaro, kaya lumapit ako kay bernard at aakmang tatanungin ko sana siya kung ano ang nangyare pero pag tingin ko sa kanya ay nakita ko siyang walang ulo habang nakikipaglaro.

Dahil dun ay agad akong napaatras…

Ito na ba ang sinasabi nung matanda?

Bigla akong napalunok ng laway, dahil nadadamay na nga si bernard.

To be continue…

⚠️: Ops! Wag kalimutang mag COMMENT at VOTE bago aalis at paki FOLLOW na rin, maraming salamat!

SENYORITONG ANEL.

THE UNINVITED GUEST (Karra Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon