Dumiretso na ako sa lamesa nila bernard para sana bigyan ko sila ng chichirya, pero pag dating ko sa lamesa nila ay napansin kong medyo kakaiba ang awra ng mga manlalaro.
Kaya lumapit ako kay bernard at aakmang tatanungin ko sana siya kung ano ang nangyare pero pag tingin ko sa kanya ay nakita ko siyang walang ulo habang nakikipaglaro.
Dahil dun ay agad kong hinimas himas ang mga mata ko tsaka ko siya tiningnan ulit.
At sa pagtingin ko sa kanya ay dito ko na siya nakitang bumalik na sa normal, pati ang awra ng mga kalaro niya ay bumalik na rin sa normal.
“Oy karra, di mo ba ilalapag yang hawak mong chichirya?“ Tanong niya.
Ngumiti lang ako at umastang walang nangyaring kakaiba tsaka ko sila binigyan ng chichirya, pagkatapos nun ay agad na akong bumalik sa loob ng bahay.
Di ko alam kung paano ko sasabihin kay bernard na may nakita akong palatandaan sa kanya, siya na kaya ang susunod na mamatay?
Habang nakaupo ako sa loob ng bahay ay hindi ako mapakali, ito na nga ang sinasabi nung matanda. Sana pala hindi na nakikialam si bernard.
Ang dami kong iniisip at hindi ko manlang namalayang lumapit pala sakin si kuya kenneth at nagsalita.
“Karra, pwede bang pumunta ka sa kwarto nila mama? Gusto ko lang sanang magpatulong.“ Sabi niya.
Bigla naman akong nagtaka.
“Bakit kuya, ano ba yang ginagawa mo?“ Sagot ko.
“Basta karra, mauna na ako ha. Sumunod ka agad.“ Sagot niya at agad na nagpunta sa kwarto ng mama niya.
Kakaiba ang kutob ko rito, pero humingi siya ng tulong kaya tutulungan ko.
Agad akong sumunod sa kanya sa kwarto ng mama niya at pag pasok ko palang sa loob ay napansin kong mainit ang daloy ng hangin tsaka niya sinara ang pintuan at nilock.
“Uhm.. kuya ken?“ Kaba kong sabi.
Tumitig siya sa mga mata ko at dito ko napagtanto na unti unting umiiba ang hitsura niya.
“Teka, sino ka!?“ sigaw kong tanong.
Hindi tumigil ang pagbabago niya ng anyo tsaka siya sumagot.
“Tulong karra…” Sabi niya at ang boses niya ay babae.
Parang familiar ang boses niya…
“Teka, ikaw ba yung babae sa panaginip ko?“ Tanong ko.
Tumango siya at nagsalita.
“Oo, hindi ko alam kung paano magpapakita sayo para makausap ka.“ Sagot niya at dito nga ay nagiging anyong white lady siya.
Dahil dun ay agad na nagsituluan ang mga luha ko.
“Bakit!? Bakit kailangan pang may mamatay!?“ Sigaw kong tanong.
Ngumiti naman siya ng mapait at nagsalita.
“Hindi mo rin maintindihan since wala ka namang alam sa mga nangyayare.“ Sagot niya.
Dahil dun ay bigla akong nagtaka.
“Anong ibig mong sabihin?“ Tanong ko.
Agad naman siyang naglaho at bago pa mawala ng tuluyan ay nagsalita siya.
“Malalaman mo rin, pero sa ngayon ay bantayan mo muna yang kaibigan mo dahil siya ang target ni milagrosa ngayon.“ Ika pa niya at naglaho na ng tuluyan.
Naiwan akong nagtataka at maraming tanong sa utak, ano ang ibig niyang sabihin? Tsaka sino si milagrosa? Ibig bang sabihin nito ay hindi siya ang may kagagawan ng patayan na nagaganap ngayon?
Agad akong lumabas ng kwarto at sa pag labas ko ay nakita ako ni kuya kenneth.
“Anong ginawa mo sa kwarto nila mama?“ Tanong niya.
Ngumiti lang ako at sumagot.
“Wala kuya ken, di ko pa kasi nakita ang kwarto nila since bata pa kaya tiningnan ko.“ Pagbibiro ko pa.
Ngumiti ng napilitan si kuya kenneth at nagpunta sa harap ng kabaong ng mama niya, ako naman ay sa kabaong ni sammy. Habang nakatingin ako sa mukha niya ay iniisip ko yung sinasabi nung multo kanina.
Medyo naguguluhan kasi ako, tsaka maaga pa naman kaya malabong uuwi yun si bernard.
Sa kalagitnaan ng pag iisip ay tinitigan ko yung mukha ni sammy, patagal ng patagal ay patakot ng patakot ang mukha niya.
Kaya agad na akong umalis at nagpunta sa lamesa kung saan naglalaro sila bernard, napansin kong hindi na siya kasali kaya ang unang pumasok sa isip ko ay naubos na ang pera niya.
Nang makalapit na ako sa kanya ay nagdadalawang isip ako kung sasabihin ko ba sa kanya ang tungkol kay milagrosa. Para kasing matatakutin ang lalaking to pag dating sa mga multo.
“May gagawin ka ba ngayon karra?“ Tanong niya sakin.
“Wala naman bakit?“ Sagot ko.
Tumingin siya sakin at nagsalita.
“Ano kaya kung pupunta tayo sa manghuhula? Pahulaan natin o kaya sa albolaryo, Im sure na kaya nilang palabasin yung babaeng nasa panaginip mo.“ Sabi niya.
Natawa naman yung mga kalaro niya kanina at nagsalita.
“Mga dream hunters na pala kayo haha, iba talaga ang tama pag malaki ang natalo sa sugal no?“ Pagbibiro pa niya.
Nagtawanan naman kami tsaka ko dinala si bernard sa gilid para makapag usap kami ng maayos.
“Actually, nagpakita na siya sakin kanina kaya kita nilapitan ngayon.“ Sabi ko.
Agad naman siyang nagulat.
“Ano daw sabi?“ Tanong niya.
“Hindi raw siya ang may kagagawan ng patayan, kundi si milagrosa daw.“ Sabi ko.
Nagtaka naman siya.
“Ha? Sino naman si milagrosa?“ Tanong niya.
“Aba'y ewan ko, hindi naman kompleto ang mga detalyeng sinasagot niya sakin.“ Ika ko pa.
Agad naman siyang napaisip.
“Kung ganun, kailangan nating hanapin si milagrosa.“ Sabi niya.
Napakunot naman ako ng noo, paano niya mahahanpap yung kaluluwa? Kaya sumagot ako.
“Sa tingin ko multo si milgrosa.“ Ika ko pa.
Hindi siya makasagot, nahiya yata kaya natahimik kami ng ilang minuto.
“Yung matanda kaya? kilala kaya niya si milagrosa?“ Tanong niya
Napaisip naman ako sa sinabi niya.
“Oo nga no? Tatanungin natin yun pag nagpakita ulit.“ Sabi ko at nagsalita pa.
“Pero ang tanong, kailan kaya siya magpakita sakin?“ Ika ko pa.
Wala nanaman siyang masagot kaya dito na natapos ang usapan namin, aakmang maglalakad na sana siya pero bigla ko siyang pinigilan na ipinagtaka niya.
“Bernard, kanina kasi… (sabay tingin sa mga mata niya) nakita kasi kitang walang ulo habang naglalaro ka ng baraha.“ Sabi ko.
Nabigla naman siya sa sinabi ko at hindi makasagot.
“Mag iingat ka ha? Kasi ganyan din yung nakita ko kay sammy bago siya namatay.“ Sabi ko pa.
To be continue…
⚠️: Ops! Wag kalimutang mag COMMENT at VOTE bago aalis at paki FOLLOW na rin, maraming salamat!
SENYORITONG ANEL.
BINABASA MO ANG
THE UNINVITED GUEST (Karra Series #1)
HorrorAng kwentong ito ay tungkol sa isang babaeng biniyayaan ng kakaibang talento na wala sa mga normal na tao. May mga nagpapakitang multo sa kanya na hindi malaman-laman ang totoong motibo o dahilan. Tara na't alamin natin ang buong storya sa nangyayar...