CHAPTER 20

440 15 4
                                    

Habang abala ako sa pag bibigay ng mga chichirya ay biglang nagpakita nanaman yung matandang babae.

“Ano nanaman kaya ang gustong sabihin nito sakin?“ sabi ko sa isip at nang maubos na ang dala kong mga chichirya ay nilapitan ko siya sa gilid at aakmang magtanong pero nagsalita siya agad.

“Mas mabuti kung sisimulan nyo sa pakikipag usap sa babaeng nagpapakita sayo sa panaginip, sa tingin ko ay mas mabuti ang kalooban niya at walang balak mag higante.“ Sabi niya.

“Kung ganun, bakit hindi pa siya nagpunta sa kabilang buhay?“ Tanong ko.

“Hindi ko rin alam.“ Kunti niyang sabi at umalis.

Napaisip naman ako sa sinabi niya, pagkatapos ng pag uusap na iyon ay agad akong bumalik sa loob ng bahay nila kuya tsaka ko tinigil ang pag bibigay ng mga chichirya.

Lumapit ako kay bernard at nag salita.

“Sa tingin ko, kailangan natin bumalik sa baryo nila ka-berting.“ Deretsahan kong sabi.

Agad namang siyang napatingin sakin at sumagot.

“Ngayon na? As in now?“ Sabi niya.

Tumango lang ako at hindi sumagot.

“Pero karra, madalim na.“ Ika pa niya.

Agad kong kinuha ang kamay niya at binitad ko siya palabas ng bahay.

“Bernard, baka nakalimutan mong nakita kita kanina na walang ulo?“ Iko pa.

Agad naman siyang nabigla sa sinabi ko.

“So, ngayon na talaga tayo pupunta?“ Ika pa niya.

Tumango ako ulit, hindi pwedeng ipabukas ito. Dahil ang huling palatandaan o babala na nakikita ko bago namatay si sammy ay yung walang ulo yung babae sa make-up room na nimake-upan niya.

Natatakot ako na baka hindi na maabutan ng umaga si bernard at matatagpuan nalang siya kinaumagahan na wala nang buhay.

Agad naman kaming naglakad papuntang kanto para sumakay ng jeep, ilang minuto lang ay nakasakay na nga kami at bumalik kami sa baryo nila ka-berting.

Habang nakasakay kami ay kitang kita sa mukha ni bernard ang takot, nararamdaman ko naman siya kasi sino ba naman ang hindi matatakot pag nalaman mong papatayin ka ng multo diba?

Ilang minuto palang ang nakakalipas habang tumatakbo ang sasakyan ay parang nararamdaman ko na agad ang negatibong enerhiya sa paligid, kaya hindi ko maiwasang tumingin tingin sa loob ng sasakyan.

Pero wala namang kakaiba hanggang sa nakarating na nga kami sa pinakatuktok at umikot na pabalik yung sasakyan, kasi yun na ang tuktok ng daanan.

Agad naman kaming bumaba ni bernard at kahit na nakakatakot ang daan ay naglakas loob pa rin kaming nagptuloy mapuntahan lang namin si ka-berting.

Habang naglalakad kami ay hindi ko maiwasang matakot kaya kumapit ako sa braso ni bernard, habang palayo kami ng palayo sa daan ay padilim ng padilim yung nilalakaran namin papunta sa baryo nila ka-berting.

Hanggang sa nakita na namin ang mga kubo pero nasa malayo pa rin kami.

Nagpatuloy lang kami sa paglalakad habang hindi tumitingin sa gilid-gilid, baka may makita pa kasi kami at matakot. Kaya straight lang ang tingin namin.

Hanggang sa lumipas ang ilang minuto ay malayo na kami sa kalsada pero yung baryo nila ka-berting ay ganun pa rin kalayo kung ikukumpara kanina, kaya naglakad pa kami.

Lumipas ang ilang minuto pang paglalakad ay parang walang nag iba, napakalayo pa rin ng baryo nila ka-berting kahit kitang kita na namin yung mga kubo. Kaya nagsalita na si bernard.

“Hindi kaya paabanti ng paabanti ang baryo nila ka-berting?“ Tanong niya.

Sumagot naman ako.

“Malayong mangyare yun bernard, magpatuloy lang tayo sa pag lalakad.“ Ika ko pa.

Hindi na sumagot si bernard at nagpatuloy lang kami sa pag lalakad, hanggang sa lumipas ang ilan pang minuto pero ganun pa rin kalayo ang baryo nila ka-berting.

Dahil dun ay agad akong huminto na ipinagtaka ni bernard.

“Bakit?“ Sabi niya.

Dahil dun ay agad akong kinabahan at nagsalita.

“Sampalin mo nga ako bernard.“ Ika ko pa.

Bigla namang nagtaka si bernard at kinabahan.

“O-oy, a-anong pinagsasabi m-mo?“ Nauutal niyang sabi.

“Basta, sampalin mo nalang ako.“ Ika ko pa.

Agad naman niya akong sinampal at napalingon ako sa gilid dahil medyo malakas ang pagkasampal niya.

“Sabi na nga'ba.“ Ika ko pa dahil noong sinampal niya ako ay hindi ako nakakaramdam ng sakit.

“Bernard, baliktarin mo yang damit mo.“ Sabi ko.

Nagtaka naman siya sa sinasabi ko, pero nakita niya akong naghuhubad at binaliktad ko ang damit ko tsaka ko sinuot ulit kaya ginaya niya ako.

Nang nabaliktad na namin ang damit namin ay dito na ako nagulat at napaatras, pati si Bernard ay lumaki ang mga mata niya nang makita naming nasa kalsada palang kami at yung jeep na sasakyan ay papaalis palang.

“Luh? Anong nangyare?“ Sabi niya.

Huminga ako ng malalim at nagsalita.

“Sabi na nga'ba, pinaglalaruan tayo ng mga masasamang espiritu.“ Ika ko pa.

Gustohin man naming bumalik pero malayo na ang jeep na sasakyan sa'min kaya wala na kaming pagpipilian pa kundi ang magpunta sa baryo nila ka-berting.

Kahit na nakakatakot ay nagpatuloy pa rin kami sa pag lalakad, hanggang sa lumipas ang ilang minuto ay nakita na namin ang baryo nila ka-berting.

Agad naman kaming naglakad pero habang patagal ng patagal ay parang nakakaramdam ako ng negatibong enerhiya. Kaya napakahawak nanaman ako sa braso ni bernard.

Habang naglalakad kami ay parang hindi kami umaabante dahil napakalayo pa rin ng baryo nila ka-berting, kaya nagsimula na akong mangamba.

Bakit naulit nanaman?

Kaya naglakad pa kami ng ilang minuto at ganun pa rin kalayo, kaya napahinto ako dahil parang hindi epektibo ang pagbaliktad namin ng damit.

“Babalik na lang kaya tayo?“ Sabi ko.

Hindi sumagot si bernard.

“Parang maiihi na kasi ako sa takot.“ Dagdag ko pa.

Pero hindi sumagot si bernard.

“Oy..“ ika ko pa yugyog sa balikat niya pero hindi siya umimik, kaya napag pasyahan kong tingnan ang mukha ni bernard.

Pag lingon ko sa mukha niya ay dito na ako napabitaw at napaatras, dahil nakita ko lang ang katawan ni bernard pero hindi ko makita ang ulo niya.

Dahil sa takot ko ay agad akong tumakbo palayo pero parang hindi ako nakakalayo sa kanya, patagal ng patagal ay patigas ng patigas ang katawan ko.

Hanggang sa hindi na nga ako makakagalaw at aakmang sisigaw pero hindi ako makakasigaw.

Hindi ko alam kung ano na ang gagawin ko, hanggang sa nakalapit na nga sakin si bernard pero nagulat nalang ako dahil may dala siyang itak at dito nga ay nagsalita siya.

“Pasensya na karra, pero ako ang pumatay kay sammy at sa mama niya“ Sabi niya at initak niya ang leeg ko at naputol.

To be continue…

⚠️: Ops! Wag kalimutang mag COMMENT at VOTE bago aalis at paki FOLLOW na rin, maraming salamat!

SENYORITONG ANEL.

THE UNINVITED GUEST (Karra Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon