“Hoy karra! Binangungut ka yata!“ Boses ni mama, si mama pala.
Ginising niya ako dahil binangungut ako.
“Diba ka bilin-bilinan ko sa inyong magkakapatid na huwag matutulog kaagad pagkatapos kumain!?“ Panermon pa ni mama.
Napahinga ako ng maluwag, panaginip lang pala yun.
“S-sorry po, nagpapahinga lang naman ako eh. Di ko alam na nakatulog na pala ako.“ Sabi ko pa.
Napailing nalang ng ulo si mama at umalis.
“Kayong mga bata talaga, Oo!“ Sabi niya at nagpunta sa kwarto.
Agad na akong lumabas ng bahay at bumalik ako sa bahay nila sammy, pag balik ko doon ay aakmang papasok na sana ako sa bahay nila pero nakita ko nanaman yung matandang nagsabi sakin na mga palatandaan pala yung nakikita kong kakaiba kay sammy.
Nakaupo siya sa upuan doon sa pinakagilid kaya pinuntahan ko.
“Manang.“ Sabi ko.
Agad naman siyang sumagot.
“Ano, natukoy mo na'ba kung ano ang kailangan o gusto nung multong nagpapakita sayo sa panaginip?“ Sabi niya.
Napailing nalang ako at yumuko, dahil pagkakataon ko na sanang kausapin yung babaeng multo pero na sleep paralysis naman ako dahil natulog ako agad kahit busog pa ang tyan ko.
“Hindi pa po…” mahina kong sabi.
“Kung ganun, alamin mo.“ Sabi niya at tumayo, aakmang aalis nang bigla kong hinawakan ang kamay niya.
“Paano po?“ Diretsahan kong tanong.
Tumingin siya sakin at tumitig.
“Alamin mo.“ Kunting sagot niya at umalis na.
Napahawak nalang ako sa beywang ko, paano ko nga aalamin yun?
Tsaka kung mag tatanong ba ako kay sammy ay may maibibigay ba siyang sagot sakin?
Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko, bukod sa napakahirap niyang kausapin ay dalawang beses palang siyang nagpaparamdam sakin.
Pumasok nalang ako sa bahay nila tita at doon ay dinamayan ko ang pamilya ni sammy, maya-maya pa ay nakita ko ang mga kaibigan naming papunta na'rin dito sa bahay nila. I think makikiramay sila hanggang gabi.
Lumipas ang ilang oras ay naghapon na nga at palubog na ang sikat ng araw, medyo marami-rami na ring mga tao ang nandito sa labas ng bahay nila sammy, naglalaro silang lahat ng sugal.
Habang ako ay abala sa pagbibigay ng mga chicharon ay medyo naiilang ako sa isang babae na nakatingin sakin, di ko alam kung nag aantay ba siya kung kailan ko lalapitan ang table nila para bigyan ko ng chicharon o may gusto siyang sabihin sakin?
Tiningnan ko ang table nila at meron pa namang chicharon, kaya naisip ako na baka may kailangan siya kaya pumikit ako at huminga ng malalim. Aakmang lalapitan ko sana pero pag dilat ko ay bigla siyang nawala.
Dahil dun ay huminga ako ulit ng malalim, may isang babaeng nagpapakita sa panginip, tapos ang kaluluwa ni sammy, and then may bagong multo nanaman ng babae ang nagsimulang nagparamdam sakin. Ano ba ang nakikita nila sakin?
Agad akong pumasok sa loob ng bahay, at dahil nagsimula nang dumilim sa labas ay pinuntahan ko si kuya Kenneth para magpaalam na uuwi na muna ako dahil kakain ako ng dinner.
Pumayag naman siya kaya dali-dali akong naglakad palabas ng bahay at dahil nasa kabila lang ang bahay namin ay madali lang akong nakarating, aakmang papasok na sana ako sa bahay namin pero nagulat nalang ako dahil may tumawag sakin.
“Pst…” boses babae.
Agad akong napalingon sa likod, ngunit walang tao.
“Pst.. pst…”
Ayan nanaman, kaya tumingin ako ulit sa likod pero wala talagang tao.
Humarap ako ulit sa pintuan at hindi ko na sana pa-pansinin yun pero nagsalita nanaman.
“Pst… karra…”
Medyo kinabahan na ako sa mga oras na ito.
“Karra, dito.“ Dagdag pa niya.
Dahil dun ay parang napansin kong galing sa likod ng bahay nila sammy yung boses, kaya nilingon ko doon ang ulo ko at dito ko nakita ang isang matandang babae.
Dahil dun agad ko siyang nilapitan.
“Nakakatakot ka naman, anong bang ginawa mo dito sa likod ng bahay nila? Pwede namang doon nalang sa harap, dahil may ilaw.“ sabi ko.
Ngumiti naman siya at sumagot.
“Malapit na siya (sabay titig sakin) ay hindi, dumating na sya.“ Biglang sabi ng matanda.
“Ha? Anong malapit? Sinong dumating?“ Tanong ko.
“Siya. Yung babae.“ Kunting sagot ng matanda.
Hindi ko siya ma gets, sinong babae ba kasi? Yung humingi ng tulong sakin sa panaginip o yung babaeng nakatitig sakin doon sa lamay?
“Basta, maghanda ka.“ Babala na sabi niya.
Ayan nanaman si manang sa nakakatakot niyang expresyon.
“Pwede bang sabihin mo nalang agad manang? Para naman malaman ko.“ Sabi ko.
Umiling lang siya at sumagot.
“Mas maganda kung ikaw mismo ang makakatuklas sa kanya.“ Sabi niya at naglakad.
Hindi ko na siya pinigalan dahil maglalaho nanaman ang matandang yan sa isang iglap lang.
Bumalik nalang ako sa bahay namin at pumasok, kumain ako ng dinner at pagkatapos ay bumalik rin ako agad sa bahay nila sammy.
Pagkarating ko sa bahay nila ay nadatnan ko sila Eva, Jay, Lorrie, Bernard, at si Jd na masyadong malakas ang boses nila habang nagsasagutan dahil sa laro nilang tong its, kaya pintahimik ko. Hindi ba nila alam na bawal mag ingay sa lamayan?
Tsaka napansin ko yung ibang mga tao na maraming panalo ay nag huhulog ng abuloy, may isang malaking lata kasi ang nakalagay sa gilid ng pintuan.
Napangiti naman ako dahil sa ganun ay may perang magagamit pambili ng mga snacks para bukas ng gabi.
Pagkatapos nun ay pumasok na ako sa loob ng bahay at dito ko nakita na may isang matandang nakaupo sa harap na may dalang prayer book at may iba pang matatanda sa gilid at likod niya. Siguro mag sisimula na ang panalangin para sa unang araw ng patay sa bahay bago ilibing sa sementeryo.
Tumingin ako sa orasan at alas 7:58pm na, sa tingin ko ay mag sisimula na sila mamayang 8:00pm ng gabi. Kaya dumungaw muna ako sa mukha ni sammy, namimiss ko na ang boses niya. Pati na rin ang kakulitan niya.
Tiningnan ko si tita at hindi parin siya tumigil sa kakaiyak, kaya nalungkot ako habang binalik ko ang tingin ko sa mukha ni sammy at aakmang aalis na sana ako ngunit biglang naagaw ang atensyon ko sa mukha ni sammy, para kasi siyang ngumiti.
Dahil dun ay hinimas himas ko ang mga mata ko, baka kasi namalik mata lang ako. Pero pag tingin ko ulit sa mukha niya ay dito na lumaki ang aking mga mata, dahil nakita ko si sammy na nakatitig sakin habang natatawa siya sa loob ng kabaong.
To be continue…
⚠️: Ops! Wag kalimutang mag COMMENT at VOTE bago aalis at paki FOLLOW na rin, maraming salamat!
SENYORITONG ANEL.
BINABASA MO ANG
THE UNINVITED GUEST (Karra Series #1)
HorrorAng kwentong ito ay tungkol sa isang babaeng biniyayaan ng kakaibang talento na wala sa mga normal na tao. May mga nagpapakitang multo sa kanya na hindi malaman-laman ang totoong motibo o dahilan. Tara na't alamin natin ang buong storya sa nangyayar...