CHAPTER 32

646 21 11
                                    

Habang nag sagutan sila tito gregor at si bernard ay may isang babaeng multo ang biglang lumitaw sa harap namin, at dahil ako ang may aparisyon sa aming tatlo ay ako lang ang nakakakita sa kanya.

At base sa awra niya ay talagang napakasama nito. Galit na galit, at gustong pumatay ng tao.

Pero saan siya galing? Anong motibo niya? Isa ba siya sa mga biktima ni tito gregor? Bakit sakin siya nakatingin? Bakit sakin siya lumalapit ngayon? Anong gusto niya sakin? Anong kailangan niya sakin?

Ang dami kong iniisip, hindi ko manlang namalayan na nakalapit na sakin yung babae.

“Tulungan mo ako…” mahinang sabi niya.

“Tulong? Saan? Anong tulong ang gusto mo?“ Sabi ko sa isip.

Sumagot naman siya.

“Hustisya, kailangan ko ng hustisya.“ Sabi niya.

Nagulat naman ako.

“Paano niya nabasa ang iniisip ko?“ Dagdag ko pa sa isip.

Sumagot naman siya.

“Hindi na yun mahalaga, kailangan kong makamit ang hustisya.“ Sabi niya.

“Anong klaseng hustisya ba ang gusto mo?“ Tanong ko sa isip, kasi pag binuksan ko ang bibig ko ay magtataka lang sila mang gregor.

Sumagot naman yung babaeng multo.

“Yang lalaking yan (sabay turo kay tito) pinatay niya kami pagkatapos gah@s*in!“ Sabi niya.

Nang marinig ko ang sinabi niya ay parang mas natakot ako bigla.

“Kami? Anong ibig mong sabihin? Madami ba kayo rito?“ Tanong ko.

Tumango naman siya tsaka niya tinuro ang kusina.

Agad naman akong tumingin sa kusina at dito ko nakita ang napakaraming mga kaluluwang nakatingin samin.

Dahil dun ay agad akong napaatras, yung mga mukha nila ay galit na galit, lahat sila ay nakasimangot, yung iba ay walang mata, walang paa, walang kamay, walang mga ulo, may sugat sa leeg, at yung iba ay may saksak sa katawan.

Medyo masisiraan ako ng ulo sa nakita ko.

“Bakit kayo nag papakita sakin!? Hindi ko kayo matutulungan! Napakarami ninyo!“ Sabi ko sa utak habang nag babangayan sila bernard at tito.

Sumagot naman yung babaeng multo.

“Huwag kang mag alala, parehas kaming lahat ng gusto.“ Sabi niya at dito nga ay lumitaw sila marikit at ligaya.

“Oo nga karra, kaya nga lumapit kami ni ligaya sayo para manahimik na ang mga kaluluwa na walang awang pinagpapaslang ni gregor pagkatapos para0san.“ Sabi ni marikit.

Nang marinig ko iyon ay mas lalong nagalit ako kay tito, dapat talagang masisigurado kong mabubulok ang lalaking ito sa kulungan.

Habang nag babangayan si bernard at si tito ay nagulat nalang ako nang biglang may narinig akong napakaraming mga yapak ng paa sa labas. Parang pinaliligiran nila kami.

Hindi ako umimik habang ang dalawang lalaki sa harap ko ay nagpalitan ng mga salita, hanggang sa nakita kong may isang lalaking lumingon sa bintana at nag hand sign siya na huwag akong gumawa ng ingay.

Base sa suot niyang damit ay pulis siya, paano kaya nila nalamang nandito kami sa bahay na'to? Posible kayang si bernard ang nagpapapunta sa kanila dito? Pero paano?

Agad akong nakampante nang makita ko yung mga anino ng pulis sa labas habang pinapaligiran nila kami, hanggang sa dahan dahang nagsipasukan yung mga pulis at dito nga ay nagsalita si bernard.

“Paalam na tito, pero ito na ang huling pagkakataon na magsasalita ako!“ Sabi niya.

Agad namang nagtaka si tito sa sinabi ni Bernard at aakmang lalapitan na sana ni tito si bernard nang biglang mag isang kulay pulang laserlight ang nagsiliparan sa buo niyang katawan.

“Tumayo ka at huwag kang kumilos!“ Sabi nung isang pulis.

Dali dali namang nagsipasukan ang iba pang mga pulis.

“Teka! Paanong nakapunta kayo rito!?“ Biglang tanong ni tito.

Sumagot naman si bernard.

“Hah! Mabubulok ka sa kulungan tito! Tinawagan ko ng palihim ang mga pulis pero naka mute ang celpon, at para malaman nila ang lokasyon natin ay ino-ON ko ang location sa celpon ko para ma track nila ang device ko.“ Sabi niya.

Dahil dun ay agad namang nagalit si tito.

“Bwesit kang bata kaaa!!“ Sigaw niya at aakmang tatagain na sana niya ng dala niyang itak si bernard nan biglang binaril nung isang pulis ang itak na dala ni tito dahilan para tumilapon ito sa sahig.

“Itaas ang kamay!! At huwag kang kikilos!!“ Sigaw ng isang pulis.

“You are under arrest mr.gregor! Sa kulungan ka na mag paliwanag!“ Sigaw ng isang pulis at dito nga ay kinuha nila si tito.

Agad naman akong nilapitan ni bernard at niyakap.

“Okay kalang karra!?“ Sabi niya at nagsalita pa.

“Huwag kang mag alala, dito na matatapos ang lahat.“ Dagdag pa niya.

Tumango lang ako at ngumiti, kinuha ng mga pulis ang tali sa kamay ko tsaka ako tumingin sa bandang kusina, pero wala na ang mga kaluluwang nandoon.

Agad naman kaming naglakad palabas at aakmang lalabas na sana kami sa loob ng bahay pero may isang pulis ang sumigaw.

“Sir! May napakaraming kalansay ang nandito!“ Sabi niya.

Agad naman kaming nagtaka at dito nga ay agad kaming nagsipuntahan sa kusina.

Pagkarating namin sa kusina ay dito na namin nakita ang napakaraming mga kalansay, pero hindi na sila mabaho dahil wala nang balat. Nagtitipon silang lahat sa kusina.

Dahil dun ay naintindihan ko na kung bakit nasa kusina silang lahat.

Lumipas ang ilang minuto ay tsaka lang kami lumabas sa bahay at dito nga ay naglakad kami kasama ang mga pulis paalis sa lugar na ito.

Pero bago pa kami nakalayo ay nagpakita ulit si ligaya at marikit, nakangiti silang nakatingin sakin habang unti unting naglalaho. At bago pa nawala ng tuluyan silang dalawa ay tinuro ni ligaya ang lugar kung saan nakalibing ang bangkay nung anak ni mang isko.

Dahil dun ay agad namang nagalit si marikit pero nawala rin kalaunan, at dito na sila naglaho ng tuluyan habang may ngiting nakaukit sa kanilang mga mukha.

Sinabi namin sa mga pulis ang tungkol sa bangkay at pinakita namin ang picture sa celpon ko para maniwala silang may isa pang bangkay na nakabaon sa lupa.

Agad naman nilang pinuntahan at pagkatapos nun ay dito na kami nagsiuwian.

Pero hindi muna kami pinauwi ng mga pulis dahil kami raw ang testigo para makulong si mang isko at si tito gregor, dapat lang na magbayad sila sa batas.

Kaya naman nang makarating na kami sa pulis station ay agad naman kaming sinabihan nung mga nandoon na mag sampa ng kaso, at dito nga ay nag sampa naman kami.

Lumipas ang ilang araw ay nahatulang ng sentensya sila mang isko at tito gregor ng murd£r at r4pe.

Nahahatulan silang dalawa ng death penalty, pero ipinagbabawal iyan dito sa Pilipinas kaya sini-sentensyahan nalang silang dalawa ng apat na'pung taon bilang kapalit ng kamatayan.

At habang buhay na pagkakakulong sa bilangguan dahil naman sa r4pe, pero ang ibinigay nalang sa kanila ng korte ay labin'limang taon kapalit ng pagkakakulong ng habang buhay.

Makukulong sila mang isko at tito gregor sa habang limampu't limang taon kapalit ng mga kasalanang nagawa nila noong nasa labas pa sila ng bilangguan. (55 years)

At dito na nagtatapos ang kwento…

———

Maraming salamat sa pag babasa!

AUTHOR'S NOTE: PLEASE DO VISIT MY PROFILE AND FOLLOW ME.🥺

To Be Continue...

Please read: The Uninvited Guest (karra series #2)

THE UNINVITED GUEST (Karra Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon