CHAPTER 06

617 15 4
                                    

“Nasaan po sila sammy?“ Tanong ko.

Bigla namang nagtaka si tito at sumagot.

“Wala ba sila sa bahay?, kakarating ko lang kasi eh.“ Sagot niya.

So hindi niya alam na tumawag sakin si kuya Kenneth, kaya mas pinabuti ko pang huwag nang sabihin kay tito at hahayaan ko nalang na sila kuya Kenneth ang mag sabi sa kanya na wala na si sammy, patay na ang anak niya.

“Ah, ganun po ba. Sge po.“ Sabi ko at pumasok ako sa bahay nila na ipinagtaka nanaman niya.

“Dito na'po muna ako saglit.“ Sabi ko.

Tumango naman si tito at hinayaan nalang niya ako tsaka siya bumalik sa mahabang upuan na gawa sa kahoy at humiga para matulog.

Habang nag hihintay ako kung kailan makakauwi sila kuya kenneth ay napapaisip ako doon sa matanda.

Yung mga nakikita ko ba tungkol kay sammy ang sinasabi niyang palatandaan?

Ito na ba ang resulta sa tinatawag niyang apirasyon?

Yung mga nakikita kong bumubula ang bibig, nakatayo pero putol ang paa sa kanan, yung ni-make upan niyang babae na walang ulo sa salamin, sign na pala yun.

Pero ano nga'ba ang apirasyon na sinasabi niya? Tsaka sa pag kakaalala ko, ang sabi niya sakin ay huwag daw akong maniniwala sa mga nakikita ng aking mga mata. Kasi maaaring tinatakot lang ako nito o baka may gusto siyang ipahiwatig sa'kin. Pero bakit naman namatay si sammy? May kinalaman ba ito kay sammy?

Ang dami kong iniisip at hindi ko namalayan na nakarating na pala sila kuya kenneth sa bahay.

Agad namang pumasok si tita na umiiyak, si kuya kenneth naman ay dali daling pumasok sa bahay at binuhat si kelly.

“Ilagay nyo nalang jan ang kabaong ng kapatid ko.“ Sabi niya at ngumuso sa pinaka tuktok ng harap ng sala nila.

“Dahan-dahan lang please.“ Ika pa ni tita at halatang halata sa bibig niya na kakagaling lang niyang humagulgol ng iyak.

Nang maibaba na ng mga funeral assistant ang kabaong ni sammy ay agad kong binuksan yung kabaong at bumungad sa mga mata ko ang mukha ni sammy na wala nang buhay.

Dahil dun ay hindi ko mapigilan ang pag agus ng mga luha ko, kagabi palang ay masaya pa kaming naglalakad pauwi. Pero ano to? Bakit nasa kabaong na ang best friend ko?

Hinimas-himas naman ni tita ang likod ko habang parehas kaming umiiyak sa harap ng kabaong, hinding hindi ko matanggap na wala na si sammy. Sobrang bilis ng pagkawala niya, tsaka wala naman siyang dinamdam kanina. Kasi halos buong araw kaming magkasama.

Habang lumilipas ang mga minuto ay pasikat na yung araw tsaka nagising na si tito.

Pagkagising niya ay agad naman siyang nabigla at nagtaka kung bakit may kabaong sa tuktok ng sala nila.

Dahil dun ay pinaliwanag ni kuya Kenneth na si sammy ang laman nung kabaong at pinaliwanag rin niya ang cause of death ni sammy.

Ang sabi ni kuya, naka-kain daw ito ng maraming hilaw pa na karne, yung karneng hindi naluto ng maayos at hindi ito kayang tunawin ng digestive system ni sammy sa dami. Yun daw ang sabi nung doktor.

Dahil dun ay napapaisip ako, saan naman siya nakakakain nun? Imposible namang sa bahay nila mang isko dahil isa rin ako sa mga kumakain nun, hindi naman hilaw ang mga ulam na hinanda nila sa labas. Tsaka marami ding kumakain, hindi naman sila nag rereklamo.

Pero paano nga'ba nangyare yun? Dapat may kakaibang nararamdaman na si sammy ilang oras palang ang nakakalipas bago siya matapos kumain diba?

Hindi ko nalang yun ininda at nakita ko sa mukha ni tito ang pagkagulat, ngayon naintindihan na niya kung bakit ako nandito kanina pa.

Agad namang lumabas ang mga punerarya at may kinuhang mga candle stand na kulay gold tsaka nila ito pinailawan, nag decorate din sila sa mga gilid-gilid ng kurtina.

*Para sa kaalaman ng lahat, ang isang funeral assistant, na kilala rin bilang isang funeral attendant, ay tumutulong sa mga pamilyang namamatayan. Bilang isang funeral assistant, kasama na sa iyong mga responsibilidad ang pagtulong sa pagpaplano ng mga kaganapan ng libing, pag-escort sa bawat bisita at miyembro ng pamilya, at posibleng tumutulong sa paghahanda ng mga labi.*

Pagkatapos nilang mag decorate ay pumunta sila sa Baranggay ng aming baryo para humiram ng mga tent at mga upuan, pagkatapos nun ay kinu-comfort ng isa sa kanila si tita dahil hindi niya matanggap na wala na si sammy. Kahit ako ay hindi ko rin kayang tanggapin, pero nangyari na ang nangyari.

Lumipas ang ilang oras at sumikat na ang araw, medyo maraming mga kapit-bahay ang nagtataka at nabigla sa pagkawala ni sammy.

Yung ibang kapit-bahay ay nagpunta at nakikiramay, yung iba naman ay nandito para mag sugal ng majong, cards at iba pa.

Sinadya talagang may pasugalan para may perang makukuha ang namatayan sa pamamagitan ng pag pag hiram ng gagamiting baraha, pag mamajong, at pag hingi ng mga balato sa mga palaging nanalo, nakakatulong rin iyon para makakabili ng mga snacks.

Hanggang sa sumapit ang alas nuwebe ng umaga kaya napagdesisyunan ko munang umuwi para kumain ng umagahan.

Agad akong lumabas ng bahay nila at nagpunta ako sa bahay namin, pagkarating ko dun ay sinalubong ako nila mama at tinanong nila ako tungkol sa pagpanaw ni sammy, kaya sinabi ko yung sinabi ni kuya kenneth at pagkatapos nun ay nagpunta ako sa kusina para kumain.

May natira pa namang porkchop at mga pansit, may lumpia rin na ang nasa loob ay gulay.

Malungkot akong kumakain habang iniisip ko si sammy, pano ba naman, ikaw kaya mawalan ng isang kaibigan na tinuring mong pamilya ang pamilya niya, di kaba malulungkot?

Habang kumakain ako ay iniisip ko yung mga maliligayang sandali ng aming pagsasama, medyo nakakaiyak na nakakamiss.

Lumipas ang ilang minutong pagkakain ay natapos na rin akong kumain, kaya agad akong tumayo at nagligpit ng pinagkainan. Nilagay ko ang mga plato sa lababo tsaka ko hinugasan ang pinagkainan ko.

Nang matapos na akong mag hugas ay aakmang aalis na sana ako sa kusina pero dalawang hakbang palang ang nagawa ng aking mga paa ay biglang nasilayan ng aking mga mata ang isang lalaking nakaputi, nakatayo siya sa gilid habang nakatitig sakin.

Nang makita ko ang mukha niya ay bigla akong napaatras at lumaki ang aking mga mata, dahil nakita ko si sammy na nakatingin sakin habang bumubula yung bibig.

To be continue…

⚠️: Ops! Wag kalimutang mag COMMENT at VOTE bago aalis at paki FOLLOW na rin, maraming salamat!

SENYORITONG ANEL.

THE UNINVITED GUEST (Karra Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon