"Hays panaginip lang pala..." sabi ko sabay tingin sa orasan. Alas nuwebe na pala ng umaga.
Agad akong sumagot sa sinabi ni mama.
"Oo ma, sorry pagod kasi ako eh... kaya ayun, pagkarating ko sa bahay ay natulog agad ako." Sagot ko.
Ngumiti ng napipilitan si mama at nagsalita.
"Anak, (sabay hawak sa pesnge ko) wag na wag kang matulog habang busog sa susunod ha?" Sabi niya.
Tumango ako at ngingiti.
"Sge na, bumangon kana yan at kumain kana ng umagahan." Sabi niya at bumalik na sa sala.
Dito ko napansin na kaya pala ako nakita ni mama na binangungot ay dahil nagpunta siya sa kwarto ko para aaluking kumain, buti nalang talaga at nagpunta siya sa kwarto. Dahil kung hindi ay mas lalong matagal matapos ang bangungut na yon.
Agad na akong tumayo at nagpunta sa sala, dito ko nakita si mama na naglilinis ng bahay.
Kaya agad akong nagpunta sa kusina para kumain.
Habang kumakain ako ay biglang pumasok sa isip ko ang hitsura ni tita kagabi .
Bakit nakasout siya ng kulay puting daster?
Anong ibig sabihin nun?
Tsaka... bakit nahaharangan ng malaking buhok ang buo niyang mukha?
Habang kumakain ako ay naalala ko ang mga sinasabi nung matanda kagabi na huwag maniniwala sa mga nakikita, bagkus ay alamin ko daw ang totoong motibo nila o rason kung bakit sila nagpapakita at kung ano ang kailangan nila sakin.
Pero anong konek nun kay tita? Hindi ko naman pwedeng babaliwalain yun dahil noong nanaginip ako ng babaeng humihingi ng tulong ay totoo pala iyon, akala ko kabaliktaran lang ng pangangailangan ko sa buhay kaya hindi ko ininda. At dito na nagsimula ang lahat ng kababalaghang nangyayare sakin.
Pagkatapos kong kumain ay agad akong dumiretso sa bahay nila sammy at pagkarating ko sa harap ng bahay nila ay napansin kong may puting van nanaman, kaparehas ng van na nakikita ko noong inuwi ang patay na katawan ni sammy.
Siguro may nakalimutan lang yung mga punerarya, kaya agad akong naglakad papasok ng bahay para sana tumulong maghanap.
Pero pagkapasok ko sa bahay nila kuya kenneth ay bigla nalang lumaki ang mga mata ko nang makita kong nagiging dalawa na ang kabaong sa harap.
"T-teka!?.." sabi ko at naglakad ng mabilis papunta sa bagong kabaong.
Nang makarating na ako ay agad ko itong sinilip...
Nang makita ko ang nasa loob ay agad na lumaki ang mga mata ko...
"H-hindi!..."
"H-hindi ito maaari!!..."
"S-si..."
"S-si tita..."
"Si tita yung nakahiga!!" sigaw kong sabi at napakatakip ako ng bibig.
Agad naman akong nilapitan ni kuya Kenneth habang umiiyak siya.
"K-karra!" Sabi niya habang humagulgol ng iyak.
"Karra! Si mama, wala na! Huhuhu!" Sabi niya habang nakapikit at nakahawak sa bakikat ko.
Agad akong napaupo sa narinig, at nagsimula nang tumulo ang mga luha ko sa mata. Bigla akong nanghina, papanong nangyare yun?
Kaya agad kong nilakasan ang loob ko tsaka ako tumayo ulit at tinanong ko si kuya kenneth.
"Kuya ken, ano ang dahilan ng pagkawala ni tita?" Sabi ko sabay himas sa mukha para mawala yung mga luha ko.
Nakita ko siyang pilit na huminga ng malalim para kalmahan ang sarili, pero hindi niya magawa.
"D-depress..." kunting sabi niya at nagsalita pa.
"S-sabi ng doktor, na depress daw siya." dagdag pa niya.
Dahil dun ay hindi ko maintindihan, alam kong marami nang namatay sa depression, pero sa paanong paraan nawala ang buhay ni tita? At dito nga ay nagsalita pa si kuya.
"Ganito kasi yun karra... Nag volunteer si mama na siya na muna ang maiiwang gising at magbabantay ng kabaong ni sammy, at ako naman bukas ng gabi. " sabi niya at huminga ng malalim para mag explain.
"Kaya pumayag naman kami ng papa..."
"Pero..."
"Alas tres ng madaling araw..."
"Nagising ako dahil sa dami ng juice ng nainom ko..."
"Kaya ako naiihi..."
"Kaya nagpunta ako sa likod para sana umihi..."
"Pero..."
"Sa isang iglap lang..."
"Nakita ko si mama na nakabitin sa kisame habang may tali ang leeg..."
"Kaya agad na lumaki ang mga mata ko at sumigaw..."
"Sumigaw ako para magising si papa..."
"At dito namin pinagtulungang kunin si mama sa pagkakalambitin..."
"Sinubukan naming dalhin sa hospital pero dead on arrival na siya..."
"Kaya wala na kaming magawa kundi ang umiyak..."
"Inimbistigahan ng mga doktor ang katawan ni mama..."
"Tapos sabi niya..."
"Nagpakamatay raw ito dahil sa depression..."
"Kaya naisip ko na dahil ito sa pagkamatay ni sammy..."
"Kaya na-depress ng ganon si mama..."
"Hindi kasi niya matanggap...
"Na wala na si sammy...."
"Ang tanging babae na anak niya..."
"Ay wala na..."
Nang marinig ko ang kwento ni kuya ay mas lalo akong napaiyak, bakit hindi niya nagawang kumalma at bakit nagpatalo siya sa nararamdaman niya.
Emosyon lang yan eh, nagbabago yan bawat minuto depende sa nakikita at nararamdaman ng tao. Pero siguro, tanging kabaong lang naman ang nasa harap niya ang palagi niyang nakikita, kaya nangyare ang dapat hindi nangyare.
Kung seryoso lang sana ang mga funeral assistant na yan sa pag comfort ng tao, edi hindi sana sila pinapauwi ni tita. At hindi sana mangyayare ito.
Napahawak nalang ako sa dibdib ko, dahil ang pinaglalamayan lang sana namin ngayon ay si sammy. Pero ngayon ay pinaglalamayan na rin namin si tita.
Napakabilis ng mga nangyayare...
Yun pala ang ibig sabihin ng panaginip na yun...
At yun pala ang ibig sabihin nung nakita ko si tita na nakasout ng puting daster...
At naharangan ng buhok ang mukha habang natayo...
Parang naintindihan ko na ang palatandaan na sinasabi nung matanda...
Pero bakit kailangan pang may mamamatay na malapit sakin bago ko ito maintindihan?
Siguro kong naintindihan ko lang agad ang palatandaan ay sana naagapan ko agad ang pagkamatay ni sammy at pagkamatay ni tita.
Parang kasalanan ko tuloy...
Pero...
Anong konek nun sa babaeng humingi ng tulong sakin sa panaginip?
Yan ang nag iisang tanong sa isip ko na kailangan ko ng sagot, siya kaya ang dahilan ng lahat ng to? Kasi kung oo, haharapin ko na siya. Kahit saan at kahit kailan.
Ang tanong, kailan ulit siya mag papakita sakin?
To be continue...
⚠️: Ops! Wag kalimutang mag COMMENT at VOTE bago aalis at paki FOLLOW na rin, maraming salamat!
SENYORITONG ANEL.
BINABASA MO ANG
THE UNINVITED GUEST (Karra Series #1)
HorreurAng kwentong ito ay tungkol sa isang babaeng biniyayaan ng kakaibang talento na wala sa mga normal na tao. May mga nagpapakitang multo sa kanya na hindi malaman-laman ang totoong motibo o dahilan. Tara na't alamin natin ang buong storya sa nangyayar...